Chapter 30

119 5 0
                                    

Yuna's POV

"Ano ba?" inis kong sabi nang hilahin ang braso ko pagkatapos ko s'yang lagpasan. Pero ang mga mata n'ya ay may halong sinseridad, hinarang n'ya ako sa harap ng kumpanya para magkausap 'raw' kami tungkol sa mga bagay bagay.

"Look, h'wag kang magalit sa ginawa ko, Yuna. I know he's--" Hindi ko na tinapos ang sasabihin n'ya at malakas na inilayo ang braso mula sa pagkakahawak n'ya.

"Owen, wala na tayong dapat pag usapan. Okay na 'yon, ang hiling ko lang..." Tumigil ako saglit at seryosong tumingin sa mga mata n'ya. "Ang hiling ko lang tigilan mo na 'ko. Magpapakasal ka na 'di ba?" ani ko pero hinawakan n'ya ako sa balikat. Agad ko 'yong hinawi at naglakad papasok ng RST.

Suot ang isang fitted red dress, naglakad ako habang nagtutunugan ang heels at hinahayaang sumabay sa galaw ang nakatali kong buhok. Nakangiti kong nilagpasan ang mga staff pagkatapos bumati ng "good afternoon,". Lahat naman sila ay masayang winelcome ako sa kumpanya, natutuwa sila dahil sa binalitang may relasyon kami ni Theo — ang CEO lang naman ng RST Company.

Sa pagpihit ko ng pinto sa office n'ya, bumungad sa'kin ang mga aplikante. Si Theo naman ay abala sa pag interview sa kanila kaya napagpasyahan kong lumabas muna, pero natigilan ako nang mahuli ang isa sa mga aplikanteng nakatingin sa'kin.

Mukhang nasa mid 40's na at kita ang hindi gaano kalaking kulubot sa mukha. Iba ang pagtingin n'ya na kinabilis ng tibok ng puso ko, pero kalaunan ay binalik nya ang tingin kay Theo na kinahinga ko ng maluwag. Isinarado ko ang pinto at umorder ng pagkain sa McDo.

Nang papunta na ako sa entrance ng RST, pumukaw sa'kin ang lalaking nakabonet at tanging mata lang ang kita. Kakalabas n'ya lang ng kumpanya at nakita ko kung paano n'ya ako tinignan. Napatigil ako saglit at inobserbahan ang mga mata nito. Nangliit ang mga iyon na parang ngumisi. Kalaunan ay nilagpasan n'ya na rin ako, kaya pumasok ako ng kumpanya na may tanong sa isip.

Sino namang lalaki ang pupunta sa kumpanya ng naka bonet? Aish.

Habang pabalik ulit sa office ni Theo, hinarang ako ni Ellisa na handa na para yakapin ako. Agad akong ngumiti at nang mapansing may suot na s'yang bra, nilapitan ko s'ya para yakapin. Tinapik ko ang likod n'ya at nagsalita, "Nakikinig ka talaga sa'kin 'no?" tatawa-tawa kong sabi.

"Syempre! I missed you, Yuna!" Nakapout n'yang sabi at lalong hinigpitan ang yakap. Lalo rin akong nakaramdam ng saya dahil ramdam ko kung gaano n'ya ako namiss. "Ay s'ya," inilayo n'ya na ang sarili sa'kin. "Baka gutom na ang boss slash boyfriend mo," aniya habang nanunukso ang tingin.

"Baliw ka," ani ko at inirapan s'ya. Medyo nakakailang kasi eh, wala namang nangyaring confirmation sa'ming dalawa noong nag date kami last week. Mas nauna pa n'yang iconfirm sa public kesa sa'ming dalawa —— na magkasama sa bahay. "Sige na, mauna na ko," paalam ko kay Ellisa at naglakad.

Agad napaangat ng tingin si Theo nang marinig na bumukas ang pintuan. Tanging ang tunog lang ng hindi-kataasang heels ang maririnig sa buong opisina dahil nanatiling nakatitig si Theo na parang nakakita ng anghel. Inilapag ko sa mesa ang pagkain at tinignan s'ya, taas ang kilay habang nakangisi.

Busy s'ya sa pagbabasa ng forms na nakalatag sa desk pero nanatili s'yang nakatingin sa'kin. "Come here," seryoso n'yang sabi. Na-weirdo-han man, sinunod ko s'ya at lumapit sa swivel chair. Agad n'ya akong hinila sa braso dahilan para mapaupo ako sa kan'yang mga hita.

"H-hoy! Ano ba yang ginagawa mo?" Naiinis kong tanong. Pero ngumiti lang s'ya saka hinalikan ako sa noo, sunod ay sa ilong at sa huli ay labi —— na nagtagal ng ilang segundo. "I love you," sabi n'ya ng may sinseridad sa gitna ng paghahalikan namin. Hindi s'ya nabibigong pasabugin ang puso ko kada araw.

Her Blue Eyes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon