Yuna's POV
Tumingin sa'kin si Theo at ngumisi. Ano bang kalokohan 'to? Bakit ko naman gagawin 'yon?!
"C'mon Yuna, bayaran mo na ang sapatos ko o ngangatngatin mo 'to ngayon?" Seryoso ko siyang tinignan.
Tumahimik ang buong klase. Kahit ang president namin ay hindi nagawang itigil ang kalokohan ni Theo.
"Lumapit ka dito," utos nya.
Nanahimik ako. Gusto ko mang magwala sa galit ay huminga ako ng malalim bago magsalita. "Kahit maubos pa ang boses mo, hindi ako susunod," kalmadong sagot ko.
Hinagis nya sakin ang sapatos nya. "Ano pang hinihintay mo?" May halong inis at pagkainip sa tono ng boses nya.
Ngumiti ako ng plastik sa kaniya. Kinuha ko ang bra sa bag at itinaas iyon.
"Bakit nasa locker mo ang bra ko?" Taas kilay kong tanong. Nagulat ang lahat at nagsimula ang bulungan.
Hinilot ni Theo ang sintido nya at bumuntong hininga. "Sa ex girlfriend ko yan okay?" Pinipilit nitong pakalmahin ang sarili. "At saka, bakit naman kita mamanyakin? Halata namang baby bra lang ang suot mo," ngising sabi nya.
"Ms. Montecillo, kahit suotin mo pa ang bra na yan, hindi kasya sayo. Masyadong malaki ang—"
"Manyakis ka talaga, bro. Naiscore-an mo na ba yung ex mo last week?" singit ni Matt.
"Hoy! Pinagpustahan namin ni Kleo yon!" sabat nya.
Napairap na lang ako sa kawalan. Umalis ako at pumunta sa cr. Sinuot ko ang bra.
Lagot—nanlaki ang mata ko nang maluwag ito sa akin. Agad kong tinignan ang size nito, Cup A. Halos mauntog ko ang sarili sa pader dahil sa nagawa kong kahihiyan.
Lalabas pa ba ako ng cr? Dito na lang kaya ako hanggang sa mag lunch time? Aish—Biglang tumunog ang phone ko at tumambad ang text ni Aya, ang secretary namin.
"Yuna, andito na si ma'am." Agad akong lumabas ng cr habang nasa bulsa ang bra. Halos lahat ay bumaling ng tingin sa akin pati si Matt na nakangiti lang pagpasok ko.
Wala si Theo sa upuan nya, habang ang sapatos nya ay nasakin pa din. Inilagay ko ito pati ang bra sa loob ng bag nya.
---
Theo's POV
Maghapon akong nagcutting sa school. Pinanood ko sila Kleo magsoccer sa field at bumalik rin sa room nang awasan na sila.
"Akala ko hindi ka na babalik, eh," sabi ni Matteo habang naglalaro ng mobile games. Lagi syang naiiwan magisa dahil sya ang naatasang magbukas at sara ng room.
Kinuha ko ang bag at tinignan saglit ang upuan ng babaeng 'yon.
"Bro, bakit ka ba lumipat dito?" tanong nya.
Tumayo ako. "Nah, I just want to play."
"Immature," komento nya.
"Pahiram ng notes mo," ani ko. Napailing na lang ako sa dami ng babasahin na ibinigay niya.
"Alam ng teachers na nagcutting ako?" nagaalala kong tanong.
"Binaba ni Yuna ang bag mo," sagot nya. "Ayaw nya daw na tanungin sya ng teachers, sya ang matik na sasagot kung bakit wala ka," he added.
Sinimulan ko na ang pagre-review nang tumambad sakin ang sapatos at bra sa bag.
Napangiti ako bigla. Tsk, shame on her. Nahiya siguro nang hindi kasya sa kanya ang bra.She's annoying.
---
Yuna's POV
Matamlay kong isinuot ang mga contact lense. Tumingin ako sa salamin. Sinampal sampal ko ang sarili nang mapansing namumutla ako.
Pagdating sa school ay dumiretso ako sa locker area, hindi ko magawang bilisan ang paglalakad at nanatiling nakatungo. Aish, gusto kong magpahinga pero naisip kong sayang ang nireview ko kagabi. Matagumpay naman akong nakapunta locker ko at kinuha ang mga libro.
"Boo!" Pagharap ko ay tumambad sa'kin si Theo. Walang epekto sakin ang pangugulat nya.
Wala akong boses para magsalita. Sumandal ako sa locker para balansehin ang sarili. Pinipilit kong huwag pumikit nang ikulong nya ako sa mga bisig at nilapitan sa mukha.
Amoy na amoy ko ang hininga at pabango nya. Hindi ko na kinaya at ipinikit na ang mga mata.
"H-hoy?" sambit nya.
Tuluyan ko ng isinara ang diwa ko at napaupo sa panghihina.
---
Theo's POV
"Yuna, gising," sabi ko at hinawakan ang pisngi nya.
"Yuna?" Napansin kong sobrang init nya.
Fuck, dapat hindi ko na dapat 'to pinuntahan, mapagkakamalan na naman akong nagcutting. Inayos ko ang mga gamit nya at binuhat sya papuntang clinic.
Lahat ng estudyante ay napatigil sa mga ginagawa nila nang makita ako. Paniguradong aabangan nila si Yuna mamaya, kaya naman tinagilid ko ang mukha nya para hindi na nila masilip pa.
Kung ako sa kanya, hindi na ako magpapagaling.
Nagsimula ang mga bulong bulungan at kung ano anong pista kay Yuna. Bahala na sila kung anong gusto nilang gawin sa babaeng 'to.
Ihiniga ko s'ya sa isa sa mga kama ng clinic at kinausap ang nurse.
"Ako na ang bahala dito, you may go Mr. Gonzales," sabi nito.
"Bro, si Yuna?" tanong ni Matteo pagpasok ko sa room. Hindi ako sumagot at dumiretso sa upuan.
"Hey, Theo! Were have you been?" tanong ni Kaye. "Uhm, pasensya na kay Yuna ah? She's—" I cutted her words.
"Shut the fuck up." Tumahimik naman ito at bumalik sa ginagawa.
"Theo, may binuhat ka raw na babae sa locker?" tanong ni Aya.
---
Third person's POV
Naglalakad siya papunta sa locker area at napatigil nang makita si Theo. Halos lumuwa ang mga mata nya. Is that Theo? Tanong nya sa sarili habang sinisilip kung sino ang babaeng halos magkadikit na ng mukha.
Dali daling nilabas nya ang cellphone at pinicture-an ito.
It's done! That girl is in danger.
Umalis na sya at pumunta sa ibang lugar.
"Ms. Kaye, tapos na po," sambit ng estudyante sa printing room.
Ngumiti sya at pagkatapos ay tinignan ang picture.
"This is exciting," ngising sabi ni Kaye sa sarili.
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Teen FictionStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.