Chapter 22

103 7 0
                                    

Yuna's POV

Welcome party.

Confident akong naglakad sa red carpet suot ang isang fitted red dress. Nasa likod lamang ako ni Theo habang napapaligiran ng maraming tao.

Para akong artista, hehe.

Ngumiti ako sa mga nakakabulag na flash ng camera at nag peace sign pa.

"Wow, she has a good hair!" rinig kong sabi ng isa.

Lumingon sa'kin si Theo at sinenyasan akong lumapit sa kan'ya. Maingat akong naglakad dahil sa taas ng heels.

"I shouldn't treat you hard like that."

Bumuntong hininga ako. "Sir, okay lang. Hindi n'yo naman ako kaibigan." At ngumiti pa ulit sa mga kumukuhang litrato.

Narinig ko ang tawa n'ya. "Be formal in times like this, Yuna. You don't need to smile and pose in front of them."

Nang makapasok sa bungalow, agad naming pinuntahan ang nagpa welcome party.

"Congratulations, President Saeueng," sabi ni Theo at nakipagkamay sa bagong CEO.

Ako naman ay nanatiling nasa likod n'ya.

"Thank you. Oh, by the way, my son," ani Mr. Saeueng. Tumayo ang anak n'yang mukhang nasa 20's.

Agad tumama ang paningin n'ya sa'kin at ngumisi. "Ooh, your secretary looks so hot." Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa.

Napaiwas ako ng tingin at ikinuyom ang mga nanlalamig kong kamay.

Bahagyang natawa si Theo at ngumisi. "Mr. Saeueng, looks like you didn't educate your son good manners."

Hinawakan n'ya ako sa braso. Naglakad kami papunta sa iba pang mga kakilala n'ya.

Nakakangalay na tumayo. Kailan ba kami kakain? Hindi ba s'ya napapagod makipag usap sa mga 'yan?

Kalahating minuto s'yang nakipag diskusyuhan sa mga Thai partners n'ya. Nakakain na rin kami, at ang nakakatuwa?

May Roasted Duck!

Buti na lang hindi s'ya gaano pinagagawan. Napansin ko rin na kakaunti lang ang nilalagay nila sa plato. Diet ba sila? Eh bakit ang tataba nila?

"We should dance," utos n'ya at tumayo.

Inalalayan n'ya ako papunta sa mga nagsasayawan.

Biglang pumasok sa isip ko ang paghila n'ya sakin para isayaw sa ball noong highschool.

Nanginginig kong hinawakan ang mga balikat n'ya at nagsayaw. Tinignan ko s'ya.

Sa gitna ng sayawan na parang wala kaming kasama pang iba. Kung hindi lang ako ganito, Theo. Siguro sinama mo ako dito sa Thailand.

Hindi dahil sa secretary n'ya lang ako.

---


Sumapit ang Linggo.

Pumunta kami sa Chiang Mai. Sakop ito ng Bangkok at dahil once a week lang daw ito magbukas, hindi na namin pinalagpas ang Sunday Walking Street.

Naalala ko tuloy ang mga nagtitinda sa park noong elementary ako. Wala iyong pinagkaiba dahil samut-samot ang mga nagtitinda ng turo turo.

Bumili kami ng fried bananas, sweet roti at fresh fruit shakes. Habang nakain kami, napagpasyahan kong humiwalay sa kan'ya. Tumingin ako ng mga souvenirs at toys.

Her Blue Eyes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon