Yuna's POV
"Natatandaan mo pa ba 'to? Dito mo ko dinala pagkatapos mo ko pilitin makipag-date sa'yo," masaya kong sabi.
Magkahawak-kamay kaming naglalakad sa mala-paraisong gubat ng bundok ng Laguna. Hindi pa rin kumukupas ang ganda nito, at mas lalong nabuhay pa ang mga puno't halaman.
"This is our third time to visit here. Na-miss mo ba?" ani Theo habang nakatingin sa'kin. Patuloy lang ako sa pagtingin ng buong gubat patungo sa itaas.
Ako, pang-apat ko na.
Tumango-tango ako. "Na-miss ko."
Pagkatapos no'n ay nabalot na ng katahimikan sa'ming dalawa. Okay na lahat. Okay na kami. Si Tatay, napalibing namin ng maayos. Maganda na rin ang takbo ng kumpanya. Nalinaw na sa mga tao kung sino ang killer. Malinis na ang pangalan ni Theo.
Masaya.
"Paano mo nga pala nalaman ang lugar na'to?" tanong ko.
"My family used to eat there, since mahilig si Mom sa hiking, that resto is a perfect for them. Kadalasan dito nagd-date sila Papa whenever they celebrate anniversaries."
"Ang swerte ko naman pala. Special na lugar pala ang pinag-date-an natin kahit hindi mo 'ko girlfriend."
Tumawa s'ya. "Why not? I'm starting to have feelings for you that time."
"Eh? Ang dali mo naman ma-fall." At tumawa kami.
Ngumisi s'ya. "I don't know. Baka naawa lang ako nang iyakan mo yung fake news."
"Wow ha! Eh sino kaya 'tong lapit ng lapit?"
"It's just my immature side, okay? Magpasalamat ka sa'kin dahil dinala pa rin kita sa clinic that time."
Bumuntong hininga ako. "Ang tagal na ng panahong 'yon, 'no? Siguro kung hindi mo ko nakalimutan..."
"Baka matagal na kitang niligawan, Yuna."
Finally, naandito na kami sa tuktok. Lumapit kami sa tabing gubat, kung saan naroroon ko huling nakita si Nanay. Malamang ay wala s'ya rito, kundi nasa loob. Isang natatagong mundo para sa'min.
Inalis ko ang pagkakahawak sa kamay n'ya at humarap.
"Hiniling mo na ba dati na sana hindi mo na lang ako nakilala?"
Naguluhan s'ya sa nasabi ko. Pero tumikhim s'ya at sumagot. "Why did you ask that?"
"Sana wala ka nang binibitbit na kunsensya nga'yon. Kung sana, hindi na ako pumasok na katulong, nanatili ka na lang na isang alaala sa'kin. Sana kinasasakiman na lang kita dahil sa pagpatay mo sa ama ko."
Pumamulsa s'ya at tinignan ako ng mariin. Alam kong naguguluhan na s'ya sa lahat ng sinasabi ko. "What are you saying, Yuna? Are you out of your mind?"
Nakipaglabanan ako ng titigan sa kan'ya. "Alam kong sinisisi mo ang sarili mo kung bakit parang sinaksak ako ng dalawang beses nang mamatay ang ama ko. Kasi pinatay s'ya ng taong pinakamamahal ko..."
Hindi s'ya kaagad sumagot. Kinagat n'ya ang labi at huminga ng malalim. "Hindi ako kailanman magsisisi na nakilala kita. You know how much I love you. How I suffer when I'm far from you. Hinding hindi rin ako kailanman magsisisi na pinatay ko si Yenxien."
Umawang ang labi ko pero agad ko din iyong binawi. Hindi ko maiwasan masaktan, hindi ko kasi akalain.
"Kung sabihin mo 'yan parang hindi ka namatayan ng ama," ani ko.
"Bakit, Yuna? Nagpaka-ama ba s'ya sa'yo?"
Doon ako natigilan. "B-bakit? Ama ko pa rin s'ya, s'ya ang dahilan kung bakit naandito ako."
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Подростковая литератураStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.