Yuna's POV
Tumatakbo ako sa isang madamo, mapuno at maliwanag na lugar. Mahiwaga ang bawat paligid. Humahangos akong nagtago sa likod ng malaking puno.
"Anak! H'wag mo kong taguan!" boses ng isang babae.
Kakaiba ang mga damit n'ya nang makita ko s'ya kanina. Nanginginang s'ya sa ganda, at mas malalim pa sa dagat ang kulay ng mata n'ya.
"Anak!"
Bakit n'ya ako tinatawag na anak? Kaano ano ko ba s'ya?
Bigla akong napunta sa isang hindi pamilyar na bahay. May dalawang lalaki, at ang isa ay tinututukan ng baril.
Unti unti kong namukhaan ang babarilin na lalaki, s'ya ang dating CEO ng RST Company.
Sa gilid ko naman ay isang mid-30's na babae, puno ng dugo ang ulo n'ya at nahihirapan ng huminga.
"A-ano pong nangyayari?" Sinubukan kong kausapin s'ya.
Bago pa sumagot ang babae ay nakarinig na ako ng putok ng baril.
Tumambad sa'kin ang araw na malapit nang sumikat. Inilibot ko ang paningin at bumuntong hininga.
Bakit ganoon ang panaginip ko? Bakit napanaginipan ko ang dating CEO ng RST? Ang ama ni Theo?
Agad akong napabangon dahil sa naisip. "P-paano kung gusto na n'ya akong paalisin?" Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa kaba.
Magaling naman ako magluto, nalilinis ko naman ang buong bahay. Bakit nila ako minumulto?
Tumaas ang mga balahibo ko kasabay ang paghampas ng malamig na hangin sa bintana. Napansin kong magu-umaga na kaya bumaba ako para magluto.
Habang napapatagal ako rito, lalo akong gumaling sa pagluluto. Pakiramdam ko habang buhay akong may responsibilidad, at kalaunan, parang gusto ko nang umuwi dahil nakakapagod maglinis ng mansion.
Saktong natapos ang niluluto ko at dumating si Theo. Nakasuot s'ya ng suit at nagmamadaling kumain. Nagdalawang isip akong ikwento sa kan'ya ang napanaginipan ko.
Pero, h'wag na siguro. Baka maalala n'ya lang ang tungkol sa mga magulang n'ya.
Lumipas ang isang linggo, paulit ulit ang naging ruta ng buhay ko. Magkaka-muscles na rin ako kakalinis, napapa-aga na rin ang tulog ko sa pagod. Bakit kasi ako lang ang yaya dito?
Ganito pala kahirap ang trabaho ni Manang.
"Yuna, samahan mo 'ko sa grocery."
Napatigil ako ng ilang saglit. Ngayon lang ako niyaya ni Theo mamili sa mall.
Tahimik akong nakasunod sa likod n'ya habang hawak ang mga napamili na'min kanina sa boutique. Hindi na ako umangal nang ibigay n'ya sa'kin ang malaking plastic, ako naman talaga ang katulong.
Sinundan ko s'ya papunta sa isang department store. Lumuwag ang paghinga ko nang ibigay ko sa bagger ang mga dala ko. Sa wakas, nakapag pahinga din.
Nagikot ikot si Theo habang tumitingin ng polo at sweat shirt. Parang babae s'ya mamili ng damit, kakaiba ang taste pero mamahalin lahat ang napipili n'ya.
Dinadala ko ang lahat ng mga damit na napili n'ya. Habang papunta sa cashier ay tumigil s'ya sa hilera ng mga dress.
"For your girlfriend, sir?" tanong ng saleslady.
Hindi kumibo si Theo, sa halip itinapat n'ya ang dress sa'kin na parang sinusukat kung kasya ba sa'kin. Hindi ko napigilan mapatigil at titigan ang mukha n'ya.
Bakit ganito ang kinikilos n'ya, naaalala n'ya ba ako?
"Agh, never mind." Umiling iling s'ya at ibinalik ang dress sa sabitan.
Lumabas kami ng mall at dumiretso ng parking lot. Umupo ako sa passenger seat kasama ang mga dala kong bag.
Nang mapansin kong nasa labas pa si Theo at may tinitignan, agad kong binuksan ang bintana.
"Sir? Hindi pa po ba tayo aalis?" tanong ko.
Umiling s'ya habang nakatingin sa malayo. Parang may sinisipat s'ya mula sa kung saan.
"Lumabas ka d'yan," utos n'ya nang hindi ako nililingon.
Walang ano-ano'y sinunod ko s'ya. Hinawakan n'ya ako sa kamay at diretsong naglakad papunta sa loob ng mall.
"S-sir, anong ginagawa n'yo?" gulat kong sabi.
"H'wag kang magpahalata. May sumusunod sa'kin."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!" Nilibot ko ang aking paningin.
Puno naman ng tao dito at hindi ko alam kung sino ang tinutukoy n'ya.
May stalker s'ya?
Pilit kong inalis ang kamay ko sa kan'ya. "Pero bakit kailangan nyo pong haw--"
Kinapitan n'ya yon ng mahigpit dahilan para hindi na ako makapalag pa. Tumingin s'ya ng diretso habang naglilibot kami dito sa mall. Hindi ko maiwasan maisip kung gaano kalambot ang kamay n'ya.
Mabilis ang tibok ng puso ko, parang nangangarera at rinig na rinig ko 'yon. Bumabalik lang sa'kin ang mga nangyari three years ago.
Pumasok kami sa isang boutique, puro pambabae ang mga damit at accessories ang naka display.
"Bagay sa'yo," walang emosyong sabi n'ya habang hawak ang isang blouse at sinusukat sa'kin.
"Bagay nga po sa kapatid n'yo, sir!" ngiting sabi ng sales lady.
"Baby, sukatin mo doon sa fitting room."
Parehong lumuwa ang mga mata namin ng sales lady. Napalunok ako sa sariling laway habang inaalis ang kamay kong nakahawak sa kan'ya.
Balisa akong pumunta sa fitting room, at habang sinusukat 'yon ay may ibinigay pa ang sales lady sa'kin na mga dress, sapatos at mga magkakaternong blouse and skirt.
"Ipakita mo daw kay sir yang mga pinili nya," ani ng sales lady. Pakiramdam ko nagbago ang mood n'ya dahil sa pagtrato sa'kin ni Theo.
Sinuot ko 'yon isa isa hanggang sa hingalin ako pabalik balik para ipakita sa kan'ya ang napili n'yang damit. Hanggang ngayon nangyayari pa rin ang mga ginawa n'ya sa'kin noon.
Tuwing ipapakita ko sa kan'ya ang suot ko, hindi nagbabago ang reaksyon n'ya, hindi s'ya ngumingiti o kahit pagtaas lang ng kilay.
Habang binabayaran ang mga 'yon ay bigla s'yang nagsalita ng mahina.
"Nababaliw na ako."
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Teen FictionStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.