Yuna's POV
"Why the hell are you here?"
Tumingin ako sa taong nakaupo sa harapan ko.
Si Owen.
Aish, bakit ba kasi bumalik pa ko dito? Mayroon pa naman sigurong ibang makakainan. Napaka-tanga ko talaga.
"S-sorry, lilipat na lang ako ng upuan," pagdadahilan ko kahit puno na talaga ang fastfood.
Ewan ko ba, pero nang una ko s'yang makita, puno na ng takot ang puso ko. Mapanganib s'yang tao para sa'kin. Mas maitim pa yata ang budhi n'ya kaysa kay Theo.
Bakit ba napapaligiran na lang ako ng mga ganitong klaseng tao?
Kinuha ko ang tray at tumayo na.
"Stay here." Malalim ang boses n'ya at halatang seryoso s'ya. Pero hindi ko 'yon pinansin at naglakad. "I said stay here!"
Nagtinginan ang maraming tao at napatigil sa pagkain. Kahit ang mga crew at waitress ay napatingin samin.
"Woah, si CEO Ramirez 'yon diba?" Bulungan nila.
Bumuntong hininga ako at napilitang umupo sa harapan n'ya. Nagumpisa akong kumain.
"Why are you here?" tanong n'ya sa'kin.
"Nagta trabaho ako malapit dito," sagot ko habang abala sa pagkain.
"Ikaw ang maid ni Theo 'diba?"
"At secretary," dagdag ko.
"Wow." Tumingin ako sa kan'ya. "Ganon s'ya magpahirap?"
"H-hindi naman." Iniwas ko ang tingin at kumain.
Aish, ano ba tong puso ko. Sino ba naman hindi kakabahan sa mga pala away na tao? Nakaka intimidate ang itsura n'ya. Lalaking nagsusuot ng hikaw? Grabe, member ba s'ya ng gang?
Hindi, hindi. Masyado s'yang maitsura para makisama sa mga dugyot na gang 'no.
"Bakit dito ka kumain? You must be with your boss," aniya nang matapos s'yang kumain.
"Para 'yon sa bisita n'ya..."
Kung alam n'ya lang na sa kapatid n'ya napunta yung kakainin ko, aish.
Bahagya s'yang natawa. "So you're all alone here."
Umiling ako ng dalawang beses. "Kasama kaya kita."
Hindi s'ya sumagot at tinapos na n'ya ang pagkain. Tumingin ako sa wrist watch, 10 am na. Nagdali dali akong kumain at tumayo.
"Sorry, kailangan na ko ni sir. Maiwan na kita." Inunahan ko na s'yang umalis sa fastfood, maraming mata ang nakaabang sa'kin.
"Sasabay na 'ko sayo."
"Hindi na kailangan. Salamat," sabi ko sa kan'ya at nagmadaling lumabas.
Maingat akong tumakbo papunta sa kumpanya, delikado kung bibilisan dahil sa taas ng heels. Habol hininga akong sumingit sa mga tao sa elevator. Nang mapansin kong nasa akin ang atensyon nilang lahat ay nag good morning ako sa kanila.
Malalaki ang hakbang ko papunta sa office. At nang buksan ko ang pinto ay halos nalaglag ang mata at puso ko sa nakita.
"S-sir..."
Kitang kita ko kung paano sila maghalikan ni Lucy sa harap ko, habang nakaupo s'ya sa mga hita ni Theo. Para akong nawalan ng buto sa tuhod nang bumungad sa'kin 'yon.
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Teen FictionStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.