Chapter 14

121 10 0
                                    

Yuna's POV

"From now on, you'll be my secretary."

Halos nanindig ang mga balahibo ko nang sabihin n'ya 'yon. Para akong nai-statwa sa kinatatayuan dahil sa pagkagulat.

"S-sir, paano ako magaaral?" nahihiya kong tanong.

"August pa ang pasukan, you still have two months to be my assistant," aniya habang kampanteng nakaupo sa swivel chair.

Pagkatapos kong linisin ang mansion ay humahangos akong pumunta sa RST Company dahil sa urgent call n'ya.

"Alam mo na ang gagawin mo, hindi ba?"

Nag aalinlangan akong tumango. Ang tanging alam ko lang naman ay i-organize ang schedule n'ya, pati na rin ang maging tiga timpla ng kape.

"Good," walang emosyong aniya at lumabas na ng office.

Naiwan na akong magisa kaya naman lumuwag ang paghinga ko nang makaupo ako sa malambot na sofa. Pagkatapos ng ginawa n'ya sa'kin noong isang linggo, hindi na bumalik ang dating pakikitungo n'ya noong baguhan lang ako.

Minsan iniisip ko kung kahit kauting alaala namin noon ay napapanaginipan n'ya o aksidenteng papasok sa utak n'ya. Pero imposible, nakatadhana na akong makalimutan ng lahat.

"A-asan si Sir Theo?" tanong ko sa isang staff nang lumabas ako.

"Wala po ba s'ya d'yan?" turo n'ya sa office ni Theo.

Umiling ako. "Sa tingin mo, nasaan? Nakita mo ba s'ya?"

"Sa tingin ko po nasa meeting s'ya, ma'am. Hintayin n'yo na lang po s'ya."

"Ah, sige. Salamat." Nilagpasan ko na s'ya at nagpaikot ikot sa 34th floor ng kumpanya.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sisimulan maging secretary. Wala naman s'yang binibigay na schedule pati utos.

"Bakit ka pakalat kalat dito?" Agad akong lumingon sa likod ko.

Bumungad sa'kin ang nakapamulsang si Theo, umiwas naman ako ng tingin nang titigan n'ya ako ng mariin. "A-ah, hinahanap kasi kita."

Hindi s'ya kumibo. Sa halip ay naglakad s'ya papunta sa office, sinundan ko naman s'ya habang binabati s'ya ng mga staff na nakakasalubong n'ya.

"Here's my schedule," aniya at inabot sa'kin ang isang black folder na may mga papel.

"Tanong lang..." Agad akong tumungo nang bumaling s'ya ng tingin sa'kin.

Bakit ba pakiramdam ko nanunusok ang mga tingin n'ya?

"W-wala ka pa bang nagiging secretary? Uhm — diba kaya mo naman siguro, b-bakit ginawa mo pa kong--"

"Sino ka para pakielaman ako? Pasalamat ka may isa ka pang trabaho."

Napalunok ako sa sariling laway at niyakap ang hawak na folder. Napaka sama talaga ng ugali n'ya, parang nung isang linggo lang binili n'ya lahat ng damit sa boutique.

"Let's go, we'll go to the mall."

Sinundan ko s'ya ng tingin habang naglalakad s'ya papunta sa pinto. Sumunod naman ako papunta sa kotse n'ya.

"A secretary must dress well and must walk with class. Hindi nila 'lang' ang isang secretary," aniya habang pumipili ng formal na damit.

"Bagay po sa kan'ya 'to, sir," sabi ng Sales lady habang hawak ang isang pencil cut na skirt.

Her Blue Eyes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon