Third Person's POV
Near to the ending. :)
Pinasok ni Yuna ang Finance Room ng kumpanya, at kinuha ang baril sa sling bag. Ang kabilang pinto ng Finance Room ay nasa harap lang ng lalaking kasabwat ni Yenxien. Patago n'yang sinipat ang target, ito ang isa sa mga pinakanatutunan n'ya sa paghawak ng baril.
Maingat, slowly but surely. Yuna's lips form a smirk while looking at the target. Mas mabilis pa sa alas kwatro n'yang ipinutok ang baril sa binti ng kalaban, kasunod ay sa ulo, dahilan para maibaba nito ang baril at mapahandusay habang naliligo sa sarili nitong dugo.
The staff make their own gasp. Hawak pa rin n'ya ang baril at bumuntong hininga.
"Takbo!" Yuna shouts and runs out to the Finance Room towards them.
"Hinahabol nila tayo!" Ellisa's panting in the middle of running.
"Bilisan n'yo!"
Nadapa si Ellisa, napansin 'yon ni Yuna kaya't inalalayan n'ya ito habang paika ika. Hindi na ininda ni Yuna ang sakit sa suot na Stilleto, marahil dahil sa nararamdamang Adrenaline. Ellisa keeps herself to be strong while running away from Yenxien's men.
Bumaba sila sa mahaba habang fire exit, habang ang mga malalaking kalaban ay unti unti nang nauubusan nang lakas dahil sa katabaan at hirap sa paghinga.
"Bumalik kayo!"
Nagtago ang mga staff pati si Yuna sa isang hindi kalayuang tambakan ng basura, malapit sa mga naglalakihang truck.
"Ganito, Jamsy, Mich, pumunta kayo sa Police Station, sabihin n'yo nasa RST ang suspek, humingi kayo ng tulong, naiintindihan n'yo ba?!" Yuna is panting.
Tumango na lamang sila na parang mga bata at tumakbo papunta sa Police Station.
"Uuna na ako." Pero bago s'ya umalis ay sinulyapan n'ya si Ellisa na iniinda ang sakit ng sugat sa tuhod at mga paa. "Tulungan n'yo si Ellisa, magpahinga muna kayo."
Inangat ng kaibigan ang tingin kay Yuna. "Mag-iingat ka..."
Tipid na ngumiti si Yuna at tumakbo pabalik ng kumpanya. Hinanda na n'ya ang baril nang magtago s'ya sa mga basurahan, malapit sa fire exit.
Sinipat n'ya ang tatlong bruskong lalaki na kakababa lamang ng hagdan, humahangos at hirap na hirap. Hindi maitatanggi ni Yuna na mahirap sipatin ang target dahil sa malayo ito, pero hindi bali na, marami rami naman ang bala n'yang dala kung kaya't posibleng magtagumpay s'ya.
Ngumisi s'ya saka pinaputukan ang isang lalaki sa paa, dalawang beses dahil pumalpak ang una. Nagulat ang dalawa n'yang kasama, hindi nila alam na sila na pala ang susunod. Matagumpay n'yang nabaril sa paa at tiyan ang dalawa pa, dahilan para lumupasay sila sa sahig.
A great shooter, indeed.
---
Humahangos s'yang pumasok sa opisina. Naabutan n'ya si Theo at ang ama n'ya na may hawak na baril, nakatutok ito sa isa't isa habang matatalim na nagpapalitan ng titig.
"T-tatay..." mahina n'yang sabi. Wala s'yang magawa, gusto man n'yang awatin silang dalawa ay naistatwa ang mga binti n'ya.
"Huwag mo s'yang tawaging ama, Yuna! Hindi naman s'ya nagpaka-ama sa'yo 'di ba?!" Theo is panting. Marami na s'yang pasa na natamo mula kay Yenxien, pagod na s'ya kakaganti ng suntok at sipa dito. "Ikaw na gago ka, ang tagal kang hinanap ng batas pero bakit parang ang bait ng langit sa'yo?!"
Nababaliw na tumawa si Yenxien, isang nakakademonyong halakhak. Pero biglang naging seryoso ang mukha nito at mariing tinignan ang binata. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yong hindi ka bida rito? Lahat tayo sa impyerno ang bagsak! At kahit ano pang sakripisyong ginawa mo para mahuli ako, sa bandang huli, talunan ka pa rin!"
"Nababaliw ka na, panahon mo na 'to para magbayad!" Theo shot a glare, he's also ready to shot him with his gun. Without hesitation on his conscience.
"Theo..." Dahan dahang napailing si Yuna at napatakip ng bibig. Hindi, hindi pwede 'to.
Hindi n'ya napigilan ang sumigaw at magulat nang makarinig ng sunod sunod na putok ng baril mula sa dalawang importanteng tao sa buhay n'ya. Si Theo ay nadaplisan sa braso at malalim ang pagkakabaril sa tiyan. Sunod na tinignan ni Yuna ang ama, may tama ito sa dibdib at tiyan. Halos kumalat ang dugo sa sahig dahil sa maraming beses na binaril nila ang isa't isa.
"Tatay!" Tumulo ang luha ni Yuna, patakbo s'yang lumapit sa ama. Napakasakit, dahil pinangarap n'yang magkaroon ng oras para makasama ito. Hinaplos n'ya ang mukha ni Yenxien at humagulgol.
Tumingin s'ya kay Theo. Lalong tumulo ang mga luha n'ya nang makita itong may dugo sa tiyan at braso. Hindi n'ya kayang tanungin ito kung ayos lang ba s'ya. Napasinghap si Yuna nang makitang itinutok ni Theo sa kan'ya ang baril. Parang nababaliw ang binata, ang mga mata nito ay puno ng galit.
Napakapag higanti man, may kumurot pa rin sa puso nito dahil nakita ang paghikbi ni Yuna.
Tumayo ang dalaga at tinignan ang kasintahan habang umaapaw ang luha. "Patayin mo na lang ako..." Her voice cracks. Tanggap n'ya kung papatayin man s'ya nito. "Alam ko ang nararamdaman mo. Naiintindihan kita... K-kahit masakit," aniya.
Nanginig ang mga tuhog ni Yuna nang masulyapan ang ama. Nahinto na ang pagtibok ng puso ni Yenxien, hindi na ito humihinga pa.
"Pareho tayong nawalan ng magulang, at maging ako hindi ko inaasahan..." Mapait s'yang ngumiti. "Ama ko pala ang pumatay sa taong ama ng taong mahal ko..." Pinunasan n'ya ang luhang tumulo gamit ang sariling kamay.
Hindi ininda ni Theo ang sakit ng tiyan dala ng pagkakabaril at pagkakadaplis nito sa kanang braso. Tumulo ang luha ng binata, unti-unti nyang binaba ang baril. Wala sa sarili n'ya iyong inihagis papuntang sahig at hinila si Yuna para yakapin.
Kasunod ng maiinit na yakap ang pagdating ng mga pulis at ambulansya para alalayan si Yenxien, na ngayon ay patay na at si Theo na maraming nailabas na dugo mula sa braso at tiyan.
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Teen FictionStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.