Yuna's POV
Isang bagong umaga. Buong araw akong nag trabaho dahil tambak ang gawain sa kumpanya. Kaya lumuwag ang paghinga ko nang gumabi na. Oras na para umu--
"Let's go to the restaurant," ani Theo habang nagma-maneho ako.
Agad kaming dumaretso sa isang malapit na restaurant. Um-order s'ya ng steak para sa kan'ya samantalang pasta ang akin, ako naman ay umupo sa available na table.
Habang kumakain, narinig ko ang boses ni Lucy.
"Kuya, bakit dito mo dinala?! Ang pangit naman eh!"
"Tumahimik ka nga," boses 'yon ni Owen.
Napatingin ako. Kakapasok lang nila, si Lucy ay nakasuot ng black crop top at jeans. Habang si Owen ay naka jeans din at black polo. As usual, suot na naman ang hikaw n'ya habang nakapamulsa.
Lumingon si Theo sa tinitignan ko. Nakita naman s'ya agad ni Lucy at napanganga pa sa gulat.
"Hey, Theo! Why are you here?!" aniya at lumapit sa'min.
"Hey, Lucy."
Sumunod si Owen sa kan'ya habang nakatitig sa'kin. Umupo ang kapatid n'ya sa tabi ni Theo kaya't tumabi sa'kin si Owen.
Mag aaway na naman ba sila? O ako ang aawayin n'ya dahil binasted ko s'ya kahapon?
Napansin ni Lucy na napatigil ako sa pagkain kaya't nagsalita s'ya. "Oh, I think we should order the same as Theo."
"Alright," sagot ni Owen.
Ilang sandali pa ay kumakain na rin sila kasabay ni Theo. Naubos ko na ang pasta kaya't tahimik na lang akong nagmasid sa paligid ng resto.
"Yuna, do you want to taste this? It's quite good," baling sa'kin ni Owen.
Tumingin ako sa kan'ya pabalik at nilipat ang atensyon sa steak. Inabot n'ya sa'kin ang kutsilyo at tinidor, hinawakan ko 'yon at binawasan ng kaunti ang nasa plato n'ya.
Nang tikman ko 'yon ay napabawas pa ako ng isa dahil sa sarap ng lasa. Narinig ko namang tumawa si Owen habang si Theo at Lucy ay nakatingin sa'kin.
"Masarap, hindi ba?" Ngiting sabi ni Owen.
Dahil sa pagod, naramdaman kong kumakalam pa ang tyan ko.
"Pwede akin na lang?" Nakatingin kong sabi sa kan'ya.
"Nah, eto na lang sa'yo. Ayoko na," singit ni Theo at inilayo ang plato sa kan'ya.
"No, mas masarap yung akin," ngising sabi ni Owen.
Napatawa si Theo, pero bigla ring naging seryoso. "How come?"
"C'mon, this one is yours." Binigay sa'kin ni Owen ang plate n'ya.
Wala na akong nagawa kung 'di kainin 'yon. Si Theo naman ay bumuntong hininga at hindi na tinapos ang pagkain. Pagkatapos kong kumain, nagsalita si Owen.
"Yuna, I'll be in a business trip and vacantion on France for a month."
Umimom ako ng tubig. "Oh eh ano naman ngayon?"
"Nothing. Baka ma-miss mo ako."
ang kilay ko. "Ma-miss? Mukha mo."
"So, you guys are dating?" Tumingin kami sa nagsalitang si Lucy.
Napatakip s'ya sa kan'yang bibig habang nanlalaki ang mga mata. "Okay! I'll be quiet!"
"Hindi! Hindi, ah! Ahm, kaka basted ko nga ang sa kan'ya kahapon," ngiting sabi ko.
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Подростковая литератураStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.