Yuna's POV
Tumunghay ako nang maramdamang
gumalaw ang kamay ni Theo. Napabuntong hininga na lamang ako nang hindi ko s'ya nakitang gising.Mukhang nananaginip si Theo.
Hindi na ko nakatulog at binantayan na lang s'ya. Lumamig na ang mga niluto ko kaya kinain ko na lang bilang tanghalian. Tinitigan ko si Theo na payapang natutulog sa kama.
"Bakit hindi ka pa rin gumigising?" bulong ko.
Pagkatapos kumain ay umuwi ako ng bahay para kumuha ng pagkain. Maliligo na rin ako at magdadala ng damit.
Hinubad ko ang contact lense. Maliligo na rin kasi ako bago mag-init ng pagkain, wala naman akong ibang kasama.
Pababa pa lang ako sa kusina ay tumambad na sa'kin ang tatlong naka leather jacket. Ang dalawa sa kanila ay lalake at isa ay kulot na babaeng nasa mid 30's.
"Bakit bigla na lang kayong pumasok sa bahay?" tanong ko sa kanila.
Hindi sila bumaling sa'kin at nagmasid sa buong bahay. Ang isang lalakeng nasa mid 40's ay pinakita ang ID n'ya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
"Police kami, andito kami para mag hanap ng ebidensya tungkol kay Gonzales."
Kumuyom ang mga kamay ko. Bakit ba ginawa to ni Owen sa kan'ya? Bakit... Bakit kinulong nila si Theo ng walang sapat na ebidensya?
Walang kasalanan si Theo.
Bumaling na sa'kin ang leader nila na nagpakita ng ID. "Nasaan ang kwarto ni Gonzales?"
Hindi ako nakasagot.
Dahil unti unti kong nakita sa mga mata nila ang sarili ko. Katulad ng nangyari sa'min ni Theo nang gabing maiwan ko ang wallet ko three years ago.
Walang kasalanan si Theo...
"It's clear," rinig kong bulong ng nag iisang babae sa kanila.
"We should go," sabi ng leader nila at naglakad palabas ng mansion.
Tumango ako at iniwasan sila ng tingin. "S-sige, ingat po kayo," ani ko at pinagsaraduhan sila ng gate.
Pagkapasok ay halos mapahandusay ako sa nakasaradong pinto. "Anong nangyari?" bulong ko sa sarili.
Dumiretso ako sa salamin at tinignan ang mga asul na mata ko. Isang tanong lang ang pumasok sa isip ko.
Hindi nila ako naaalala?
"It's clear."
'Walang kasalanan si Theo.'
Tama...
Napahawak ako sa pisngi habang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Nakokontrol ko na, at hindi lang para makalimutan ang kapangyarihan ko — kundi para maalis ang iniisip nilang tama.
Halos mapatalon ako sa saya pero hindi iyon natuloy. Hindi pa rin ako sigurado kung tama ang naging konklusyon ko. Mariin kong tinitigan ang sariling mata sa harapan ng salamin.
Malalaman natin.
Tsaka ako ngumisi.
Pagkatapos kumuha ng pagkain, naligo at naglagay na rin ako ng damit sa bag. Kasama na rin ang personal hygiene dahil hindi pa ako sigurado kung kailan magigising si Theo.
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Teen FictionStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.