Yuna's POV
Isang linggo na ang nakalipas nang umalis si Owen papuntang France. Mag iisang buwan na rin ako sa pagiging secretary ni Theo. Kahapon, pinapili n'ya ako kung saan ko gustong mag aral.
Kung sa Montereal University, Terinaye University o Adinile Academy. Pinili ko ang Adinile, bago sa pandinig at wala pa akong mga kakilala roon. Sinabi n'ya na rin sa'kin na 3rd week of July ang entrance exam.
Last week of June ngayon, nabanggit sa'kin ni Theo na may business trip s'ya for two weeks. At ang nakakagulat, isasama n'ya raw ako sa Thailand.
"Sir, kailan po ba 'yon?" tanong ko habang nakain kami sa office n'ya.
"Tomorrow. Pack up your things tonight," sagot n'ya.
"Dadamihan ko po ba ang dadalhin?"
Tumango s'ya. "We'll be staying there for two weeks."
Halos malaglag ang mata at panga ko sa sinabi n'ya. "Two weeks?! Grabe naman 'yang business trip nyo, sir."
Sumama ang tingin n'ya sa'kin. "Are you loosing your respect?"
Napabuntong hininga ako. May mga oras talaga na hindi ko makontrol ang bunganga ko. Kung makipag usap ako, parang magkakilala pa rin kami.
Na parang kilala n'ya pa ako.
First time kong sasakay sa eroplano kaya 'di ko maiwasang kabahan. Hindi na ako nakatulog magdamag hanggang sa...
Dumating ang alas tres.
Nakatitig lang ako sa kisame magdamag at ngayon, kailangan ko nang mag ayos. Nagluto na ako ng almusal, nagiwan na rin ako ng kape sa lamesa at naligo.
Bihis na ako nang makalabas, bumungad sa'kin si Theo na gulo gulo ang buhok at mapungay ang mga mata.
"Sir, kumain po muna kayo."
"Nah, I'll take a bath first," aniya at nilagpasan ako papuntang bathroom.
Nilingon ko s'ya habang tinutuyo ang buhok. "Sir, lalamig ang pagkain. At saka, masama ang maligo ng gutom sa umaga," pagsisinungaling ko.
Lagi 'yong sinasabi ni Manang noon pero ngayong matanda na ako, nasanay na kong maligo muna bago kumain.
Bahagya s'yang natawa. "I'm a veteran for not eating on morning."
Tumalikod ako at mahinang nagsalita. "Eh, bakit pa kayo nagpapaluto sa'kin ng almusal..."
"Anong sabi mo?"
"Wala!" ani ko at naglakad pataas ng kwarto.
Tinawagan ko si Manang.
[Hello, anak. Bakit ka napatawag?]
"Hello, manang! Kumusta kayo d'yan?" ngiting sabi ko.
[Ayos lang anak, nagluluto na ako ngayon.]
"Ah, pupunta kami ni The-- Sir sa Thailand ngayon, Manang. Anong gusto n'yong pasalubong?"
Bahagya s'yang natawa. [Akala mo naman makakarating 'yan sa'kin.]
Umirap ako at bumuntong hininga. "Manang, akong bahala! Malakas ako kay Sir 'no!"
[Ay s'ya, oo na.] Tatawa tawa n'yang sabi.
Nang matapos kaming mag usap, bumaba ako ng kwarto para kumain. Naabutan kong kakasimula pa lang ni Theo kaya nakisalo na rin ako.
Sa airport, lalo akong kinabahan. Ang dami daming pumapasok sa isip ko. Anong pakiramdam? Nakakahilo ba?
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Подростковая литератураStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.