Chapter 31

481 10 1
                                        


Hey there Demons. Take care of your health and listen to whatever your parents are telling you because they knows best. Let's pray for the Philippines to be Covid free.  God Bless everyone. 







Samantha's POV

Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay agad akong nagbihis upang magkapag transfer sa G.A hindi ko kasi pinayagan si Athena na siya ang magpapasok sa akin may pera naman ako at nakahanda na yong papeles para maka transfer agad. Hindi na siya big deal kaya ayaw ko nang maka dagdag pa sa mga gawain niya baka isipin niya namimihasa ako lalao na at nasa condo niya ako pansamantalang nakatira ngayon. Naghahanap pa kasi ako ng matutuloyan, ayaw ko naman umuwi kasi baka magkita kami ni kuya at magkasagutan kami. Hindi pa naman humuhupa ang galit ko lalo na kay Xian. 


Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong sumakay sa sasakyan. Pinahiram din  ako ni Athena pansamantala. Napa isip nga ako kung sino ba talaga yong babaeng yon. Ang tanging alam ko lang naman ay kaibigan siya ni Xian at yon lang pero hindi naman siguro siya masamang tao lalo na at pinakakatiwalaan siya ni Xian. And speaking of that freaking ex of mine, wag lang talaga siyang magpakita sa akin lintik lang ang walang ganti. Sa ganda kong ito siya pa ang may ganang makipag break. Subukan lang niyang magpakita at sampal ang aabotin niya sa akin. Tsk. 


Nang makita ko na ang G.A ay agad kong binagalan ang pagtatakbo. "Good Afternoon po Ma'am, ano po gagawin niyo sa loob? Hindi po kasi naka register ang sasakyan niyo dito sa G.A" yon agad ang bungad sa akin ng guard. Kung hindi naman siya tanga syempre magpapa enroll pa lang ako at dahil hindi naman niya alam yon pagbigyan nalang natin. "Magpapa-enroll kasi ako kuya guard." Agad naman itong tumango at may ginawa sa kanyang kompyuter pagkatapos ay binuksan na ang gate upang maka pasok na ako. "Thanks." nakita ko namang ngumiti ito kaya tinanguan ko nalamang ito.


Hindi ko maiwasang mamangha, galante talaga ang mga Gregory at wala paring nakakapantay sa yaman nila though yeah of course we are rich but they are far more richer than us. Pumapangalawa lamang ang mga Montenegro sa Gregory at yon ang dahilan kung bakit naging magkalabang ang dalawang pamilya pero feel ko talaga may deeper meaning eh. Kasi naman ang alam ko patay na ang dalawang mag asawang Gregory at ang tanging namamalakad nalamang ng kanilang mga ari-arian ay ang mga anak nito. Hindi naman nagbabangit or nagshashare si Xian tungkol sa kanyang pamilya pero hindi rin naman ako nag shashare. I should ask him if he already knows who I am pero before ko tanongin yon sa kanya ay sasampalin ko muna siya. Tangina siya, pinaiyak lang naman niya ang isang Montenegro. 


"May transferee nanaman?"

"Ano bayan bakit dumadami na ang mga pangit." Agad namang napa taas ang kilay ko sa sinabi ng babaeng dumaan sa harapan ko. Pagkatapos kong inilock ang sasakyan ay agad kong nilapitan ang babaeng iyon. "Hey! Can you repeat what you just said a while ago?" plastik na ngiti naman ang binigay ko sa kanya habang sinasabi iyon. Agad naman ako nitong tinignan mula ulo hanggang sa ibaba. Napapansin niya ata nalahat ng suot ko ay mamahalin, lahat branded. Of course alergic ako sa cheap eh parang siya. 


"Wala naman akong sinabing pangalan. Bakit natamaan ka?" Did she just talk back to me? Ako na si Samantha Montenegro. Damn bitch, wrong move. Agad ko naman siyang tiningnan mula ulo hanggang baba tulad ng ginawa niya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya. I give her my bitch smile and move her hair behind her ears at sabay sampal ng 90 degrees. Agad naman siyang napa upo and now I am looking down on her. 

The Demon QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon