Chapter 32

415 10 0
                                    


Tuck's POV


Hindi parin mawala sa aking isipan ang napanaginipan ko kagabi para kasing totoong totoo pero hindi ko naman kilala ang babaeng yon at kailan man hindi ko pa ito nakikita so bakit ko iyon napanaginipan. Bigla namang naputol ang pag-iisip ko ng bumungad ang mukha ni Stephen sa aking harapan. Nakangisi pa ang loko.


"Ano ba problema mo tol? Ang lalim naman niyan di ko kayang sisirin." agad ko naman itong binatokan. Wala paring pinagbago loko-loko parin ang walanghiya. "Kamusta ang pagiimbestiga mo?" yon nalamang ang sinasabi ko kasi ayaw kong mag-alala sila sa akin tulad noon. 


"Tama nga hinala mo King, back up ng ex mo ay ang tatay mo. Kaya ito ang dahilan kung bakit nag break kayo at may nangyari sa kanya. Pakana ng tatay mo yon pre." so kasalan ko pa talaga kung bakit siya na aksidente pero hindi ko kasalanan ang pag break namin kasi kung tutuosin dapat niyang sinabi sa akin ang tungkol sa tatay ko at dapat pinagkatiwalaan niya ako dahil boyfriend niya ako ng time na iyon.


Pinaimbestigahan ko kay Stephen ang nangyari two years ago between me and Kiara kasi napapansin ko na bumalik siya para sa akin. Si Kiara din naman ang dahilan kung bakit umalis kami sa Gangsters Hell noon at iniwan ang pwesto namin pero ngayong bumalik kami ay siyang pag balik naman niya. Hindi ko maiwasang isipin na mayroon siyang kinalaman sa nangyari sa akin at sana wala siyang kinalaman dahil hindi niya magugustohan ang gagawin ko sa kanya. 


"Sumasakit paba ulo mo tol? Mukha kasing marami kang iniisip." tumingin naman ako agad kay Raze habang kumakain ito. Nandito kasi kami sa canteen dahil break time, timing naman na natapos na ni Stephen ang pinapapagawa ko sa kanya. "Don't worry, about me. Thanks, Steph." yon nalamang ang sinabi ko at pinagpatuloy na nag pagkain.


"Nga pala, bakit parang kulang tayo. Asan si Lucian my loves?" hindi ko pinansin ang sinasabi ni Stephen dahil wala naman itong kabolohan. "Naging aso, sunod ng sunod." napangisi naman ako sa sagot ni Raze. Natamaan yata ang loko, ayon at sinusondan yong babaeng conyo. Napa isip naman ako tungkol don sa babae kasi mukhang close sila ni Athena pati narin iyong isa pang babae na katabi ni Raze.


Bigla namang napahinto ang pagkain ko ng may maalala ako bigla. "Raze." tawag ko sa kanya at agad naman itong tumingin sa akin. "Yong babaeng katabi mo." agad namang niyang inilihis ang kanyang mga mata at patuloy na kumain. Walanghiya ang loko, tama nga ang iniisip ko. 


"Sino ba yang pinaguusapan niyo? Isali niyo naman ako." nagmamaktol ang loko. Nagpapacute hindi naman bagay, tangna. Agad naman itong tinadyakan ni Raze pero tumatawa lang ang loko. "Ex niya." sagot ko kay Stephen sabay ngisi kay Raze. 


Nakita ko namang napabuntong hininga si Raze. "WOW! May ex ka pala tol? Akala ko poreber lonely kana. H A H A H A." walanghiya talaga tong si Stephen kung mang inis. Nakita ko namang pinagsak ni Raze ang kanyang kutsara at pinaupo si Stephen. "Pwede ba, hinaan mo boses mo tangna ka. Nasa canteen tayo." madiin na sabi nito kay Stephen pero ang loko nakangiti lang at sinisindotsindot pa ang tagiliran ni Raze.


"Uy, share ka naman. Para namang di tayo fwends." agad ko rin namang tiningnan si Raze. Kung mayroon mang masekreto sa aming gropo, si Raze na iyon. Hindi rin naman ito pasalita kaya wala rin kaming makukuha pero mukhang interesadong interesado si Stephen kaya sana pagbigyan niya. Curious rin ako ng slight. 

The Demon QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon