Chapter 37

375 8 3
                                    

Someone's POV


"As planned." sabi ko sabay nakangising nakatingin sa mensahe na natanggap ko kanina lang. Nalaman ko naman agad na nasa hospital ang babaeng iyon subalit hindi pa iyon sapat. Kilala ko ang babaeng iyon, masamang damo at matagal mamatay so let's corner her until siya na mismo ang titigil. 


"Is it okay to use that girl? Hindi naman pala niya kaya ang babaeng iyon." agad naman akong napangisi habang nakatingin sa kanya. Wala naman sa plano ang patayin agad si Athena. Sinusubukan ko lamang siya at hanggang saan aabot ang pasensya na gusto kong malaman kung ano na ang gagawin niya ngayon. "She's useful you know that." walang ganang sabi ko sa kanya. 


Hindi ko alam na magagamit ko pala ang kabaliwan ng babaeng iyon kay Tuck. Sinabihan ko lang naman siya ng kunting impormasyon tungkol kay Tuck at kung paano sila nagkakilala ni Athena at ayon parang isang bata na naagawan ng laroan. Na kung tutuusin ay siya naman talaga ang nangaagaw but that's her problem as long as she will do anything I will told her to do then everything will be fine.


Nakita ko naman siyang tumayo kaya agad napataas ang kilay ko, "Where are you going?" takang tanong ko sa kanya. Hindi naman niya ako pinansin at walang paalam na umalis. "Follow her." malamig na utos ko at agad namang sinundad. Alam kong nandito ang lalaking iyon mukhang kailangan kong bagohin ng kaunti ang plano. 




Mondrake's POV


Nang makita ko si Xian na nakatayo sa harapan ng front desk ay agad napakunot ang noo ko. As far as I know on going pa naman ang Ball nila. Napangisi nalamang ako at nilapitan na siya dahil agaw pansin na ang ginagawa niya at mukhang natatakot na ang babae sa harapan niya. "No need to scare here, little Demon." tawag ko sa kanya habang nakangiting naka tayo sa kanyang harapan. Nakit ko namang wala itong ganang nakatingin sa akin at mukhang wala sa mood. 


"What are you doing here, Mondrake Greyxin." malamig na tanong niya sa akin kaya mas lalo akong napangiti. Ito ang gusto kong reaksyon na nakukuha sa kanilang tatlo kapag bumibisita feel na feel kong gustong gusto nila akong makita lalo na itong si Xian. "Hindi mo ako na miss?" nakangising kong sabi sa kanya kaya inambahan agad ako ng suntok pero agad ko namang inilagan. Masyado paring mainit ang dugo sa akin ng batang ito but anyways that what makes it fun. 


"Miss mukha mo loko." naiinis na sagot niya kaya agad ko na siyang inakbayan at nagsimula ng maglakad. Hindi na namin pinansin ang mga tao sa paligid dahil alam ko naman kung ano ang pinunta ng liit na ito dito. Agad ko naman siyang binitawan ng marating na namin ang pinunta niya dito. Agad naman akong lumapit kay Empresstine at binigyan siya ng pagkain tsaka inumin. "Here." abot ko sa kanya pero nakatingin parin ito sa pintoan ng Emergency room. 


Inooperahan si Athena dahil sa saksak na natamo niya. Hindi parin kasi nagbabago ang babaeng iyon hinahabol parin ni kamatayan. Napailing nalamang ako at umupo sa katabing upoan ni Empresstine at kumain. Nakita ko namang nanghihinang umupo si Xian sa harapan ko at nag-aalalang nakatingin sa pintoan ng Emergency room. Napabuntong hininga nalamang ako hindi naman sa hindi ako nag-aalala pero sanay na ako na ganito palagi si Athena. Hindi na ito bago sa paningin ko, palagi naman kasing ganito sa tuwing nagkikita kaming dalawa. 


One year ago...


"Hi." nakangiting sabi ko sa kanya pero hindi naman niya ako pinansin na parang hindi niya ako nakikita o narinig man lang. "I'm Mondrake Greyxin. 16. I have a Thai, Korean and Filipino. blood. My mom is a Thai and my dad is half korean and filipino." nakangiting sabi ko sakanya at umupo na sa bakanteng upoan sa kanyang harapan. Nakita ko namang tumingin siya sa akin pero walang bakas na emosyon akong nakikita sa kanyang mukha pero iyong mata niya parang ang lungkot. Iniwas narin naman niya ang kanyang tingin pero hindi niya parin ako kinikibo. 

The Demon QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon