Chapter 39

360 11 1
                                        


Happy Reading Demons!



Third Person's POV

Bumukas ang Hospital Room at pumasok ang isang nurse upang checkin ang kalagayan ni Athena na hanggang ngayon ay hindi pa gumigising. "Ma'am. Sir?" tawag niya sa mga natutulog na kasama ni Athena. Si Mondrake ay natutulog sa sofa habang sina Empresstine at Seraphina naman ay nasa extrang higaan na pinalagay upang makahiga ang magbabantay sa pasyente ngunit tanging sa mga VIP room lamang ang meron nito. 


"What is it." nakapikit na tanong ni Mondrake dahil agad siyang nagising ng bumukas ang pintoan. Mabilis lang siyang nagigising kapag nakarinig ng kaunting ingay at naramdaman din naman niyang may tao. "Sorry to interrupt your sleep sir but the doctor just want to inform that we will lower the dosage of Ms. Gregory's anesthesia so baka anytime of the day ay magigising na siya." magalang na sabi ng nurse kay Mondrake kaya tiningnan naman siya nito at agad namula. Hindi naman kasi ito maiiwasan dahil may itsura si Mondrake at nakakaakit pa ang pamamaraan nito ng pagtingin kaya napa iwas nalamang ang nurse. 


Agad naman nalito si Mondrake sa inakto ng nurse at hindi nalamang ito pinagbigyang ng pansin, "Thanks." agad narin namang umalis ang nurse na mukhang nagmamadali pa. Napailing nalamang siya at nilapitan ang dalawang babae na tulog mantika. Tinadyakan niya ng kaunti si Seraphina at nakita naman niya umasim ang magmumukha nito. "Wake up, sleepyheads" sabi niya ngunit umungol lamang ang dalawa at pinagpatuloy ang pag tulog kaya napabuntong hininga nalamang siya. 


Nilapitan naman niya si Athena at tiningnan ito pagkatapos ay inayos ng kaunti ang higaan nito ng biglang may pumasok. "Yo." bungad ng isang di kilalang lalaki. Nakita naman niyang may hawak itong mga prutas at kasunond nito ang isang lalaki na may hawak namang mga pagkain galing sa MCDO. Nakita niyang naglakad palapit ang lalaki at agad inabot sa kanya ang mga prutas ngunit tiningnan niya lamang ito at napataas ang kilay dahil hindi naman niya ito kilala. 


"Who are you?" nagtatakang tanong niya sa kaharap na lalaki habang may hawak itong mga prutas at tiningnan rin ang isa na may hawak na MCDO. "Sorry, I'm Stephen by the way." sabi ng lalaking may hawak ng prutas at inabot sa kanya ang kamay nito ngunit tiningnan niya lamang ito at napatango. Binaba naman agad nito dahil mukhang naka gets na ayaw niyang makipag kamay. Nagsalita naman ang lalaking may hawak ng MCDO, "And I'm Lucian." sabi nito kaya tinangoan na lamang niya ito kahit hindi naman niya ito kilala. 


Nakita naman niyang inilagay ni Stephen ang mga prutas sa may maliit na table pati narin ang MCDO na dala ni Lucian. Pagkatapos ay tumingin ito kay Athena at napatangotango pero ang isang lalaki naman ay naka tingin nina Empresstine at Seraphina o kay Seraphina lang hindi niya alam. "May I know what you are doing here?" tanong ni Mondrake na kinikilatis ang mga lalaking pumasok nalang bigla. Hindi naman kasi palakaibigan si Athena pero baka kilala ito nila Empresstine at Seraphina lalo na si Seraphina. Tiningnan naman siya ng dalawa, " Classmates kami ni Athena." sagot ni Stephen at nababahalang nakatingin kay Athena. 


"I mean classmates kaming lima, pati narin ang dalawang iyon." sagot din naman ni Lucian at itinuro pa gamit ang bibig ang dalawang babaeng hanggang ngayon ay tulog parin. Tumalim naman ang tingin ni Mondrake sa dalawa kaya agad silang napaigtad, "That didn't answer why you two are here." malamig na sabi niya at maitim na nakatingin sa dalawa na parang binabasa niya ang mga iniisip nito. 

The Demon QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon