Hi Demons! Sino dito fan ng Thai BL Series? Kakatapos ko lang tingnan ang Sotus S1 atska S2 tapos naghihintay ako sa Ep. 9 ng 2gether the Series while nag susulat nitong chapter na ito. Wala lang trip ko lang e share HAHAHA. Comment lang if you want to know kung anong mga series na ang nakita ko. Naiinspire tuloy ako baka e partner ko nalang sina Lucian at Stephen, LOL XD.
Happy reading!
Athena's POV
'Tok' 'Tok 'Tok' "Why ba hindi pa you gising Athena, I don't gusto ma late sa Examination. Gumising na you!." hindi ko pinansin ang kumakatok at inilagay sa ilalim ng unan ang mukha ko. Kay aga-aga nangbubulabog, gusto ko pang matulog. Napabangon naman agad ako ng mas lalong pang lumakas ang ingay. Napakamot nalamang ko sa aking batok at walang ganang binuksan ang pinto.
Malamig kong tiningnan ang conyongita sa aking harapan " Bakit you ganyan ba I just sunod the utos of E na gising you." naka pout na sabi nito sa akin. Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa at mukhang ready na siya pumunta sa G.U habang ako ay maliligo pa lamang. Tiningnan ko naman ang orasan at nakitang alas syete palang naman at alas dyes ang examination. "Too early, S." yon nalamang ang sinabi ko sa kanya at binagsakan siya ng pinto.
Wala na akong nagawa at naligo nalamang, hindi narin naman ako makakatulog ulit dahil gising na gising na ang diwa ko. Matapos ang taltlumpung minuto ay natapos na ako sa pagligo at nagbihis na sa uniporme ng G.U. Isa ito sa inayawan ko kay Luhan pero tinuloy parin niya kaya wala na akong magagawa nasa rules narin naman ito. Tsk. Atleast it's in my favorite color. Sinuot ko nalamang ito at bumaba na.
"Did you really wake her up?" rinig kong tanong ni Empresstine kay Seraphina. "Yes nga. Paulit-ulit you Empresstine ha." naiinis na sagot ni Seraphina. Agad naman silang tumahimik ng maramdaman akong palapit sa kanilang dalawa. Umupo naman agad ako at nagsimula ng kumain.
"Hindi ka nanaman ba naka tulog?" biglang naman akong napahinto pero pinagpatuloy parin ang pagkain. Empresstine never change, she still like a mother. "Inilagay me naman your medicine don sa table. Tinake you last kagabi dba?" sabi naman ni Seraphina. Isang pa siya. Napabuntong hininga nanaman ako. I know they are worried but I do not want to burden them anymore.
Tiningnan ko naman silang dalawa na nakatingin na pala sa akin at mukhang hinihintay lang ang sagot ko. "I did, don't worry." sabay naman silang tumango dalawa kaya pinagpatuloy na namin ang pagkain. Nang matapos kami ay nakita kong nagmamadaling umalis si Seraphina.
"Seraphina." tawag pansin ko sa kanya at agad namang lumapit sa akin. "Baka nakakalimutan mong ikaw ang naka tokang maghugas ngayon." narinig ko namang napatawa si Empresstine pero tiningnan ko parin si Seraphina na nagpout. Naglakad naman ito agad papuntang kusina habang si Empresstine ay naglilinis sa table.
BINABASA MO ANG
The Demon Queen
AksiThe Characters, Places, Scenes are only author's imagination. Be aware of some vulgar words. Also be warned that the pictures and videos are not mine, it is purely searched in Google and Youtube. Please be open minded of any typo errors because the...