Happy Reading Demons!
Athenas's POV
Walang gana kong tiningnan si Mondrake ng bumalik itong may dalang wheel chair. Bigla kasi itong tumakbo ng matalim ko itong tiningnan kanina. Alam kasi nitong hindi talaga ako nagpapadala sa Hospital pero alam ko namang wala na itong choice at nagmamadali kaya hindi na nagamit ang utok. I'm thankful but I would never tell him that, lalaki lang ang ulo at hindi ako titigilan lalo.
Napatingin naman ako sa kanan at nakitang naka ngiti si Samantha sa akin at si Luhan naman ay nakapamulsang tumitingin sa akin habang nasa likod ito ni Samantha habang sa kaliwang sofa ay nandon si Xian kaya agad napa taas ang kilay ko. Sa gitnang sofa ay sina Empresstine at Seraphina na mukhang iniiwasang tumingin sa akin. Napabuntong hininga nalamang ako at maingat na pinataas ang aking higaan upang parang naka upo ako.
Matalim ko namang tiningnan ang dalawang babae na umiiwas sa akin at mukhang naramdaman nila ito dahil mas lalo pa nilang iniiwas ang kanilang mukha. "What's the problem, Seraphina.. Empresstine?" malamig na tanong ko sa kanila at agad naman silang nakangiwi akong tiningnan kaya agad ko silang tinaasan ng kilay. Anong problema ng dalawang ito at mukhang weird. Tiningnan ko naman ang Abo sa kaliwa na hawak parin ang wheel chair at mukhang tanga dahil ang lapad ng ngiti.
"Abo, get my clothes. I will change." malamig na sabi ko at agad kinuha ang mga nakakabit sa aking kamay. Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Samanthe at mukhang nabigla. Siya lamang ang may nabibiglang mukha dahil sanay naman na sa akin ang iba. Hindi ko nalamang siya pinansin at nag inat ng kaunti. Tiningnan ko naman si Xian na mukhang hindi sa akin nakatingin at mukhang malalim ang iniisip nito, Tsk.
Nang naibigay na ni Abo ang aking mga damit na inabot naman sakanya nina Seraphina at Empresstine sa kanya ay agad ko itong kinuha at tiningnan ulit si Samantha. "Thank you for visiting me but I am okay now." walang emosyong sabi ko sa kanya at nakita ko namang ngumiti lamang ito at tumango. " Oo nga eh, mabuti nalang talaga na hindi malala ang natamo mo." napatango nalamang ako sa sinabi niya at tumayo na upang magbihis CR.
Nang makapasok na ako ay hindi nakaligtas sa akin ang sabay na buntong hininga ng dalawang loka na hindi ko naman alam kung ano ang problema. They will spill it anyways dahil kung hindi nila sasabihin ako mismo ang magpapasalita sa kanilang dalawa at alam kong hindi nila ito gugustohin. Maingat naman akong nagbihis dahil ayaw kong bumukas ang sugat ko hindi dahil nasasaktan ako kung hindi dahil baka manatili pa ako dito sa hospital. Nang maka labas na ako ay nakita kong naka handa na silang umalis. Nasa harapan ko naman ang walanghiyang abo at hawak parin ang wheel chair.
Hindi ko ito pinansin at naglakad habang hawak ng kanang kamay ang parti kung saan ako nasaksak. Naramdaman ko namang may humawak sa aking baywang at inalalayan akong maglakad. Hindi ko na kailangang alaman kung sino ito dahil pabango palamang ay alam ko nang si Abo ito. "You should have use the wheel chair. Baka bumukas ang sugat mo." may bahid na pag-alala itong bumulong sa akin kaya agad ko itong siniko pero mukhang alam na niyang ito ang gagawin ko dahil mabilis niya itong hinawakan. Ang labas ay hawak na niya ang kaliwang braso ko gamit ang kaliwa rin niyang braso dahil ang kanang kamay niya ang ginamit upang hawakan ako sa baywang.
Napailing nalamang ako at hindi na siya pinansin dahil wala pa ako sa mood. Habang naglalakad ay nakita ko namang yumuyuko agad ang mga trabahante ng hospital upang paggalang ang iba naman ay hindi dahil mukhang bago o hindi kilala kung sino ang boss nila. I think I should visit some of our business soon dahil mukhang kailangan ng pagllinis.

BINABASA MO ANG
The Demon Queen
ActionThe Characters, Places, Scenes are only author's imagination. Be aware of some vulgar words. Also be warned that the pictures and videos are not mine, it is purely searched in Google and Youtube. Please be open minded of any typo errors because the...