Chapter 36

335 10 2
                                    


Athena's POV


Kanina ko pa napapansin ang mga titig sa akin ni Luhan mula sa malayo pero hindi ko ito pinapansin dahil hindi ako komportable sa inuopoan ko. Hindi ko alam kung hindi ba bagay sa akin ang suot ko ngayon o nagkakamali lamang ako na naka titig siya sa akin simula pa ng umupo ako sa tabi niya. Baka ayaw niya akong maka tabi? Anong magagawa ko sa tabi nalamang niya ang may bakanteng upo.an


Mabuti nalamang at napapasabay ako sa musika. Hindi ko alam kong paano ito nalaman ni Luhan pero sigurado akong may kinalaman ang dalawang babae na pangising ngising nagnanakaw tingin sa akin. Sila ang palagi kong kasama sa tuwing gusto kong pumunta sa Retro Bar dahil sa bandang ito kaya alam kong silang dalawa ang nagsabi kay Luhan tungkol dito. 


Mukhang alam ko na ang gustong mangyari ni Luhan. Napabuntong hininga nalamang ako. Sana pala ay tumakas nalamang ako at hindi na pumunta dito, tangina naghihiganti ang loko dahil sa ginawa ko nong huling binisita niya ako sa amerika. "Tsk." iyon nalamang ang nasabi ko sabay kagat ng aking lower lips. Nagiisip ako kong saan ako tatakas sa lugar na ito pero tangina siniguradong hindi talaga ako makakalabas. 


Matalim kong tinignan ang dalawa at sabay naman itong nagiwas tingin. Sinadya nilang ilagay sa gitna ang stage dahil mas madali itong mapuntahan. Sinadya rin nilang dito ma upo na ilang hakbang lang ang layo sa stage. I should have followed my hunch na may hindi sila magandang plinaplano. I thought makikipag away si Luhan sa akin pero mukhang iyon ata ang gusto niyang isipin ko.


Hindi na maipinta ang mukha ko ng magsalita na si Kenton Chen at sa puntong ito ay parang gusto ko siyang itapon sa ibang mundo. Aalis na sana ako ng maunahan na ako nila Empresstine at Seraphina agad na hinawakan ang magkabilang braso ko. "Fxck." napamura ako ng bigla akong nahilo kaya agad akong napa pikit.


"Hehe sorry, Queen." mahinang bulong sa akin ni Empresstine kaya matalim ko itong tiningnan pero naka ngiti parin siya sa akin. "Here. Volunteer siya!"sigaw naman ng conyongita kaya agad akong napabuntonghininga. Hindi pa maayos ang pakiramdam ko kaya alam nilang dalawa na hindi ako makakaangal. I am in my most vulnerable state right now at dahil iyon sa walanghiyang kotse na iyon. The next time I will see that car, I am gonna fxcking turn it into ashes. 


"Oh, we have a volunteer. Let's give her around of applause." agad namang nagpalak pakan ang mga estudyante. Kinuha ko na ang dalawang braso ko sa kanila at naglakad na lamang papuntang stage. Wala akong emosyong nakatingin kay Kenton ngunit naka ngiti parin ito kahit naman napa atras ito ng kaunti. Naka tingala rin siya sa akin dahil mas matangkad ako ngayon sa kanya lalo pa at naka suot ako ng heels ngayon. 


Tinanong naman niya ako kung ano ang kakantahin ko ngunit tiningnan ko lamang siya kaya at pinalibot ang aking tingin sa kabuohan ng venue. Naka upo na ngayon ang mga estudyante at mukhang naghihintay sa gagawin ko. Nakita ko naman si Xian na nakalabas na ang selpon niyang Iphone at nakangiting tiningnan ako. Tiningnan ko naman ang dalawang walanghiya at naka labas rin ang kanilang selpon. 


"Tsk." mahinang sabi ko at iniwas ang tingin ko ng mapadapo ito kay Tuck. Wala na yata akong kawalan sa sitwasyong ito kaya sinabi ko nalamang sa banda kung ano ang kakantahin ko at agad naman silang napa tango at bumaba na si Kenton pagkatapos ibigay sa akin ang mikropono. Agad ko naman itong inilagay sa stand dahil nakakangawit na hawakan ito. 

The Demon QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon