NOTE:
The whole story is under editing. The author is currently fixing the errors. Please bear with the RAW VERSION of this book for the meantime. Thanks!
___BYAREN
NAPABALIKWAS ako mula sa pagkakahiga ng maramdaman ang pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko. Nag-unat-unat naman ako at bahagya pang napahikab. Iginala ko naman ang paningin ko sa buong park. Walang tao, tahimik at maaliwalas. Siguro ay dahil sa masyado pang maaga para pumunta rito ang mga bata upang maglaro.
Tumayo naman ako mula sa pinaghigaan kong bench. Tinupi ko rin ang karton na ginawa kong pantaklap. Kahapon kasi ay pinaalis ako sa condong pansamantalang tininitirhan ko, wala na kasi akong maibayad.
"Bagong araw na naman," tanging na sabi ko na lamang habang tinitingnan ang pera sa bulsa ko na paubos na.
It's been a week since I left my parents. Naglayas ako sa amin. Wala akong dalang gamit maliban sa credit card at digital camera. At hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko.
Living with those people who live like a royalty, I was like being choked everytime. Para nila akong puppet. Sila ang komokontrol sa buhay ko.
That's why I decided to leave them. Ayoko na sila ang magdesisyon para sa akin. And they even wanted me to become someone they want just like my two brothers. But damn! I only wanted to become a photographer and travel the whole world. Iyon lang! At ayaw nila 'yon, kapag hindi ko nagawa ang gusto nila ipapakasal nila ako sa babaeng hindi ko naman kilala. Nakakatawa 'di ba?
Nakaramdam naman ako ng pagkagutom kaya naglakad ako paalis sa Park. Kung sino man ang makakakita sa akin ngayon ay aakalaing isa akong pulubi. Dalawang araw na akong hindi nakakaligo. Sira na din ang sapatos ko at higit sa lahat... madumi na rin ang suot kong damit. Muli kong sinulyapan ang bulsa ko at tiningnan ang pera sa loob nito. Five thousand. 'Iyon na lang ang laman ng bulsa ko. Pina-deactivate kasi ni dad ang ATM card ko.
"Kailangan kong magtipid."
Maraming tao ang nakakasalubong ko at wala ni isa sa kanila ang nakakakilala sa akin. Sino ba naman ang mag-aakala na anak ako ng isa sa nangungunang mayayamang tao ng bansa dahil sa itsura ko? Malamang wala. Nagmukha na akong pulubing sobrang naghihirap.
Gaya ng typical na syudad, sobrang ingay ng daan dala ng mga busina ng kotse. Ano pa nga ba ang aasahan sa Maynila? Mapa-umaga man o gabi laging traffic. May vendor sa gilid ng kalsada. At halatang walang mga bussiness permit. Katulad ko ay meron ding mga palaboy-laboy at karamihan naman sa mga kabataan ay nanlilimos sa taong dumaraan.
Napabuntong hininga na lamang ako. Simula ng lumayas ako sa bahay ay marami akong natutunan sa buhay. Gaya ngayon, may dalawang mukha ang lipunan. Yung isa KAUNLARAN yung isa naman KAHIRAPAN. At nakakalungkot isipin na wala man lang magawa ang mga mahihirap para maiangat ang sarili mula sa hukay ng kahirapan.
Huminto ako sa isang bakery shop. Bumili ako ng tatlong pirasong tinapay. Pagkatapos ay muli akong naglakad habang kinakain ang isang pirasong tinapay. Umabot ng limang minuto ang paglalakad ko hanggang sa narating ko ang Manila Bay. Tahimik ko namang pinapanood ang dagat mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko naman inubos ang tinapay at nagtira ng dalawang piraso. Naudlot naman ang pagmumuni-muni ko ng may marahang humahatak sa laylayan ng damit ko.
"K-Kuya." Napatingin naman ito sa cellophane na may lamang dalawang pirasong tinapay."P-Pahingi po ng tinapay."
Napakurap ako ng ilang beses. Napatingin naman ako sa hawak kong cellophane na may lamang tinapay.
"Ito ba?" tanong ko.
Tumango naman siya.
"Wala po kasing kakainin ang kapatid ko. Wala po ako pambili ng pagkain." Pang-tanghali ko pa pa naman 'to.
"Nasaan ang kapatid mo?"
"Nasa bahay po. May sakit po."
"Nasaan ang mga magulang mo?"
"Iniwan na po kami. Hindi ko po alam kung nasaan."
They can't just fvcking leave their children like this! Paano nila natitiis ang anak nila ng ganito? If ever, I will never leave my child like this. Nakakaawa.
"Here." Inabot ko sa kaniya ang hawak kong cellophane."Sayo na yan at sa kapatid mo."
Nakangiti naman ito ng malapad ng tanggapin ang ibinigay ko sa kaniya."Salamat po Kuya! Ang bait niyo po!"
Ginulo ko naman ang buhok niya.
"Sige na. Balikan muna ang kapatid mo."
"Opo."
Masaya itong naglakad paalis. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa. Seeing that girl asking for food and money from others, nakakaawa. What if? Wala na talaga silang makain? Mamatay sila sa gutom?
Napagdesiyunan ko ng maglakad ulit. Actually, hindi pamilyar sa akin ang buong maynila. Nasanay kasi ako na gumagala gamit ang kotse. And it is very different by just walking alone than riding a car. Mas nararamdaman at nakikilala mo ang lugar. Mas naiintindihan mo ang mga tao. Mas nagiging malinaw sa'yo ang lahat.
Napahinto naman ako sa paglalakad at tinanaw ang malaking billboard. Mula doon ay kitang-kita ko kung gaano kasarap ang buhay ng isang mayaman. It was my father, Blynton Lavoiser Morris, sitting like a king in a Black Chair. Nasa magkabilaang gilid niya si Kuya Byanard Morris at Byahan Morris. Nakasulat naman ang; 'Morris Brother with their Great Father; Future Successor of the Company'
Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ako kasama? Well, hindi naman kasi ako kailanma'y nakakacontribute ng kahit isang piso para sa pera ng pamilya. As what I've said, gusto ko lang maging photographer at magtravel. I don't fvcking need some billions of money! Ang apelyido ko lang naman ang mayaman. At isa pa hindi na nila kailangan ng pera ko. Naliligo na sila sa sarili nilang mga pera. Kumakain ng ginto. At nagdadamit ng dyamante, tsk.
Napapailing na lamang ako.
"How I wish I was born from a poor family."
Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang medyo madilim na eskinita. Tahimik ang lugar. Tanging mga kaluskos lamang ang maririnig. Medyo madumi din ang paligid. Mga nakatumba na ang iilang trashcans dahil sa mga pusang naghahanap ng makakain.
Liliko na sana ako ng biglang sumulpot ang isang matandang lalaki sa harap ko. Gusot-gusot ang damit. Mukhang wala ng nag-aalaga sa kaniya. May dala itong mga karton at kung ano-ano.
Seryoso naman itong napatingin sa akin. Ilang sandali pa ay unti-unti naman itong lumapit sa akin. Gustong-gusto kong umatras at itulak ang matanda pero tila nanigas na parang yelo ang buo kong katawan. Inilapit nito ang bibig niya sa tenga ko at ibinulong ang mga salitang hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba.
"May darating na isang salot, Hijo. Maghanda ka. Papatay ng milyong-milyong tao. Dadanak ang dugo. Magsisilaparan ang mga kutsilyo at baril. Mapupuno ng iyakan ang buong paligid. Nakakabingi ang pananangis. Isang kalaban. May parating na mga kalaban. Kalabang hindi nakikita. Kalabang mahirap mapuksa. Mag-iingat ka Hijo. Mag-iingat ka."
BINABASA MO ANG
Nowhere To Hide
Horror•[COMPLETED] Horror Months after a deadly virus plague has wiped out 90 percent of the World's population, a group of survivors find ways to search for the cure and fight for their survivals. _____ © ALL RIGHTS RESERVED TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE...