BLISS
KASALUKUYAN akong kumakain ngayon ng agahan kasama si Lilia sa isang malawak na na parang bulwagan. Napakarami ng mga kumakain ngayon dito. Well, mostly mga nasa first floor lang naman. Pero kung titingnan, mas malaki talaga ang bilang ng mga mahihirap na nandito kesa sa mga mayayaman. Iilang mga piling sundalo at pulis naman ang nagcacater.
"Mas maganda dito no?" rinig kong tanong ni Lilia. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa buong paligid.
Nakangiti naman akong tumango. "Mas secured kasi dito. At... ahm... marami ding mga survivors," sabi ko na ikinatango rin niya.
"Correct ka diyan," pag-sang-ayon nito. Ininom muna nito ang tubig na nasa disposable na baso bago tuluyang magpatuloy sa pagsasalita. "Dito bumabaha ng pagkain. Sa hideout, kinukulang," natatawa niya pang dugtong.
"Pero, maswerte pa rin tayo at maganda pa rin hanggang ngayon ang kinalalagyan natin," nakangiti kong sabi.
Sa kabila ng mga nangyari sa hideout, maswerte pa rin kami dahil wala ni isa sa mga kasamahan namin ang nasugatan o napahamak.
Kinain ko naman ang natitira pang itlog at kanin sa plato ko. Ramdam ko naman ang pagtingin ni Lilia sa akin.
"Oo nga eh. Ang swerte nga natin. Pero alam mo, nakakapagtaka talaga 'yong nangyari sa hideout. Hanggang ngayon kasi, hindi pa natutukoy kung sino at saan nagsimula ang sunog," mahaba niyang sabi.
Napaangat naman ang tingin ko sa kaniya. "Baka naman... may traydor talaga sa team."
Ewan ko. Pero nararamdaman ko talaga. Meron. At kasama lang namin siya. Dahil sa sinabi ko ay mas lalong sumeryoso ang mukha ni Lilia. Binitawan din nito ang kutsarang hawak niya.
"Iyon din ang tingin ko." Bahagya naman siyang lumapit sa akin na parang may ibubulong."Isa nga sa team ang may kagagawan no'n," parang bulong na niyang sabi. Tumango-tango naman ako habang kagat-kagat ang kutsara. "Pero ang tanong... sino?"
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Sino nga ba? Wala namang kahina-hinala sa team---oh! Meron pala! Si ano... si Alicia! Naalala ko bigla ang mga sinabi niya noong nakaraang gabi.
Bakit parang natatakot siya na may makaalam? Ano ba ang bagay na itinatago niya? May kinalaman ba ito sa pagkasunog ng hideout? Bakit niya kailangang gawin 'yon? Anong motibo niya?
"Oh? Ang lalim ata ng iniisip mo?" Napatingin naman ako kaagad sa kaniya. Ibinagsak ko ang kutsara sa plato saka seryosong binalingan ng tingin si Lilia.
"Actually may pinaghihinalaan na ako. Pero ewan ko kung may kinalaman ito sa pagkasunog ng hideout. Pero may kotub ako, nararamdaman ko. At sana nga... totoo."
"A-Ano 'yon? Sino?" halata ang excitement sa boses ni Lilia. Mukhang atat din ata ito na malaman ang tungkol kay Alicia.
Kaso... tama ba na sabihin ko sa kaniya kahit na wala pa akong matibay na ebidensya? Mali di ba? Paano pag hindi talaga konektado ang mga narinig ko kagabi at sa ang misteryosong pagkasunog ng hideout? E, 'di mahuhusgahan ko si Alicia ng walang oras?
Tss! Mali 'yon! Mali ang manghusga! Kaya dapat... dapat kumalap muna ako ng mga impormasyon.
"Ah, ano, saka na lang siguro," nahihiya ko pang sabi. Nawala naman ang excitement sa mukha ni Lilia.
BINABASA MO ANG
Nowhere To Hide
Horror•[COMPLETED] Horror Months after a deadly virus plague has wiped out 90 percent of the World's population, a group of survivors find ways to search for the cure and fight for their survivals. _____ © ALL RIGHTS RESERVED TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE...