CHAPTER 22

330 27 1
                                    

BLISS


"I'LL LEAD. Stay on my back Bliss," pagpipigil ni Mr.Kennedy sa akin. Hinawakan pa nito ang braso ko ng tangkain kong maglakad at lampasan siya.

Aangal pa sana ako ng mauna na itong maglakad. I have no choice but to follow him. I don't like the idea running in his mind right now. Leading the way, like he was thinking that I'm so weak. Do I still look like a baby who need some guidance?

Nakapasok naman kami sa loob ng mall. The place looks normal. Halatang hindi pa napapasukan ng mga infected. Maayos pa ring nakalagay ang mga pagkain. Malinis din ang sahig at maaliwalas din sa paningin ang paligid.

Nagsimula namang kumuha ng mga pagkain ang mga kasamahan naming sundalo. Nilalagay nila iyon sa malaking sako.

Napahinto naman ako sa pagsunod kay Mr. Kennedy ng makita ang lollipop section. Dali-dali akong lumapit doon at kumuha ng lollipop.

Strawberry flavor.

Bubuksan ko na sana iyon biglang mahagip ng paningin ko ang isang tumatakbong bata sa second floor. Kita kasi sa kinatatyuan ko ang bungad pasukan ng ikalawang palapag. Ibinalik ko na lang ulit ang lollipop.

Naririnig ko naman ang mga yabag nito mula sa kinatatayuan ko.

Masyado akong nakurious kaya napagdesisyunan kong umkayat sa second floor. Sinimulan ko namang tahakin ang hagdan papunta doon. Palihim ko ding sinusulyapan ang mga sundalo upang makasigurong hindi nila ako makikita ang gagawin ko.

At sigurado akong hindi nila ako basta-basta papayagang umakyat doon. Wala din namang kasiguraduhan sa ikalawang palapag na 'yon. Baka nakatamabak pala do'n ang maraming infected.

Sa kabila nito ay nagpatuloy pa rin ako sa pag-akyat hanggang sa tuluyan ko na ngang narating ito. Nawaglit sa isipan ko ang masamang maaring mangyari sa akin ngayon dahil sa pag-akyat ko dito at mas pinangunguhan ako ng labis na kuriosidad.

"That kid, I know I'm not imagining things," kausap ko sa sarili ko. "At sana hindi infected ang isang 'yon." Kinuha ko naman sa holster ang isang pistol. Ikinasa ko naman iyon at itinutok sa harap.

Mabuti na ang handa.

Hindi ako masyadong marunong gumamit ng baril. Pero mahilig akong maglaro ng mga shootong game gaya ng crossfire. At sa tingin ko ay katulad lang din naman ang paggamit ng baril sa crossfire ang paggamit sa totoo buhay.

Mas malinis ang pangalawang palapag. Mas maaliwalas at mas malawak. Mas marami ding mga paninda. Halata din na hindi pa ito napasukan ng mga infected. I can't see blood stains. I can't even smell rotted dry blood from infected.

I guess, this place is infected free. And the girl I saw must be... survivor!

Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng tuwa ng maisip ko ang bagay na iyon. Malaki ang posibilidad na survivor nga ang nakita ko.

Sa pagkakataong ito ay mas binilisan ko na ang paglalakad at paghahanap ko sa bata. At ilang sandali pa ay narinig ko ang isang tumatakbong yabag.

Hindi na ako nagdalawang isip pang sundan iyon. Maingat kong sinundan ang tunog ng yabag ng mga paa nito. Mas binilisan ko rin ang pagtakbo hanggang sa naabutan ko ang nakatalikod na bata.

Nakasuot ito ng dress na kulay baby pink. Nakabraid din ang mahaba nitong buhok.

At first natakot ako sa pag-aakalang multo ang makita ko pero nang makita ko ang bote ng mineral water sa kanan nitong kamay ay nawala ang kaninang takot na nararamdaman ko.

Hindi na gumalaw ang batang babae. Hindi ko alam kung nahahalata nito na may sumusunod sa kaniya. Hindi rin ito nagsasalita. Ni wala akong naririnig na tinig mula sa kaniya.

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon