CHAPTER 12

402 41 1
                                    

THIRD PERSON


AGAD na niyakap ni Bliss ang kaniyang ina. Sobrang higpit at aakalain mong ilang years silang hindi nagkakasama. Mumunting patak ng luha ang lumabas sa kaniyang mata. Ang makita ang kaniyang inang buhay at ligtas ay sapat na para maging panatag at masaya siya.

"Halika kayo, bago pa tuluyang dumating ang ibang infected," sabi nito at kumawala mula sa pagkakayakap ng anak.

Iginaya naman niya sina Bliss, Klien, at Byaren sa silid na pinagtataguan niya. Pagkapasok ay agad niyang nilock ang pinto.

"Natutuwa aking makita ka anak." Hinaplos nito ang pisnge ng anak at bahagyang paghalik sa noo nito. "Mabuti naman at ligtas kayong nakapunta dito."

Isang panatag na ngiti ang iginawad ni Bliss.

"Masaya ako na ligtas ka Ma, akala ko may nangyari ng masama sa inyo. Bakit hindi ko ho kayo matawagan?" tanong naman nito sa Ina.

"Nasira ang cellphone ko anak," natatawa pa nitong sagot."Nahulog sa may washing machine. Tapos tuluyan ng hindi gumana."

Nabaling naman ang tingin nito sa dalawang binatang nakatayo malapit sa pintuan.

"At sino naman ang dalawang nagwagwapuhang lalaki na kasama mo?"

Napatikhim naman si Bliss kasabay ang paglapit kina Byaren at Klien.

"Actually, Ma. Sila ang tumulong sa akin na makapunta dito. Ahm, by the way, this is Klien Bustamante."

"Hello po," bati naman ni Klien na bahagya pang yumuko.

"Hello hijo, nice to meet you."

"At ito naman po si Mr. Alzart Kennedy."

Hindi naman maiwasan ni Byaren ang mapangiwi. Bakit ba laging may kasamang 'Mr.' sa tuwing babanggitin niya ang pangalan ko?

"Nice to meet you, Hijo."

"My pleasure, Ma'am."

"Halika kayo, umupo muna kayo at ipagtitimpla ko kayo ng tsaa." Iginaya naman niya ang dalawa na umupo sa kanilang salas. Nginitian naman niya ang mga ito. "Feel at home. Oh siya, Bliss, maiwan ko muna kayo at ipagtitimpla ko kayo ng tsaa."

Masiglang tumango naman ang kaniyang anak.

"Sige po, Ma."

Naglakad naman siya papunta sa kusina. Napasandal naman siya kaagad sa may lababo kasabay ang paghawak sa kaniyang dibdib. Mabibigat na pagbuntong hininga ang kaniyang pinakawalan. Nagsimula na ding magsilabasan ang mga pawis mula sa kaniyang noo.

Sobrang kaba ang nararamdaman niya ngayon. Natatabunan ang sayang dapat na nararamdaman niya sa pagkakataong ito.

Masaya siyang makita ang kaniyang anak. Ngunit sa kaniyang sitwasyon ngayon? Hindi niya alam.

Nanginginig naman ang kaniyang kamay habang sinisilip ang kaniyang binti.

Napapikit na lamang siya.

"Hindi dapat sila magtagal dito."

____

BYAREN


TAHIMIK ko namang pinanonood si Doktora at Klien na kasalukuyang naglalaro ng chess game sa harap ko. Hindi ako marunong kaya hindi ako sumali sa kanila. I'm not into that kind of games. I prefer billiards than that.

Napasandal na lamang ang ulo ko sa may couch kasabay ang pagtitig sa puting kisame. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I sense something odd. Alarming. Danger. Hindi ako mapakali simula ng pumasok kami dito.

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon