CHAPTER 07

581 51 0
                                    

BYAREN

MALAKAS na sapak ang agad niyang isinalubong sa akin ng makarating kami sa stock room. Napaatras na lamang ako at muntik ng masagi ang mga kahon.

Napahawak na lamang ako sa labi ko tsaka sinamaan siya ng tingin. Ano bang problema ng isang 'to?! tsk. Giving some unexpected punches like that, balak niya bang sirain ang mukha ko?!

"Hurt? Kulang pa 'yan."

Nakapamulsa naman siyang naglakad palapit sa akin. Ilang sandali pa ay kinuwelyuhan ako nito.

Ano bang problema ng tarantadong 'to at gigil sa'kin?!

"Kung tutuusin, hindi na dapat kita hinayaang mabuhay. Dapat noong tulog ka pa lang ay pinatay na kita." Tiim bagang naman niya akong tiningnan. "Nakakasuka ka!"

Padabog naman niyang binitawan ang suot ko. Patient gown iyon at manipis kaya madaling nakusot dahil sa pagkakakwelyo niya. Napaayos naman ako ng tayo.

"Bakit ba galit na galit ka? Dahil ba sa nandito ako? Dapat ay matuwa ka pa nga e! Kasi hindi ko sinabi sa kanila kung sino talaga ako. I even change my name and surname. Dahil alam kung walang maniniwala na kapatid mo ako."

Kumunot naman ang noo niya."I don't fvcking care if you deny your personality with them! I don't give a damn."

"Ba't mo ako sinapak? Ano? Trip mo lang?!"

"Gusto mong malaman kung bakit kita sinapak? At kung bakit ako galit?"

Lumapit ulit siya sa akin. Napakaseryoso ng mukha niya. Looking at him now, he wouldn't think twice to stab me with his ballpen or scalpel. Or even punch me hard on my face.

"Alam mo bang nadisgrasya si Kuya Byahan dahil sayo?! Dahil sa pagiging makasarili mo huh?!"

Natigilan ako sa sinabi niya. I even gulped two times before I got what he just said.

Si Kuya Byahan...

"Paanong---"

"It's your fault Byaren!" malakas naman niya akong itinulak dahilan upang matumba ako sa mga kahon. "It's your fvking fault! Ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay! You don't deserve to live!"

Inalis ko naman ang pagkakasakal niya sa akin. Pinipilit kong alisin ang kamay niya sa leeg ko. He will surely kill me this time fvck!

"W-Wala akong kasalanan! W-Wala akong alam!

"Oh really? Before the pandemic gets worst. Kuya Byahan decided to find you. At alam mo ba ang nangyari? Nabangga ng truck ang kotse niya!"

Pinilit ko namang makatayo at tuluyang inalis ang kamay niya. Shit. Sumakit bigla ang lalamunan ko.

"Kuya Byahan did that?"

Si Kuya Byahan lang ang kasundo ko sa bahay. Siya lang din ang nakakaintindi sa akin. But now? The person I want to see badly is already dead.

"Oo at kasalanan mo Byaren! Hinanap ka niya! Samantalang ikaw, look at you! You look... you already look like a beggar! You're selfish, Byaren! Sarili mo lang ang iniisip mo! Look what happened, Kuya Byahan died because of you!"

"Don't blame me, Byanard." I seldom called him Kuya. Dahil kahit kailan, hindi niya ako itinuring na kapatid. So I'm just returning the favor. "Wala akong kasalanan. Leaving that house is always my choice. Hindi ako nagsisising naglayas ako," seryoso kong saad sa kaniya.

Ngumisi naman siya. "Really? We don't want some garbage in the mansion, either. Dad and Mom already abandoned you after what happened to Kuya Byahan a week ago."

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon