BLISS
NANDITO na ang lahat sa Main Office. Katabi ko naman si Lilia sa kanan at si Khairrel sa kaliwa. Ang iba pa namaing kasama ay nasa likod namin.
Natigil naman ang kaninang bulung-bulungan ng magsimula nang magsalita si General.
"Glad, all of you are here." Pinagsiklop naman nito ang kaniyang mga kamay. "I am expecting that you already know about this announcement. This would be the most complicated and risky operation."
Tiningnan naman niya ang mga nakatayo sa harapan.
"We will be working with another team para mapadali ang paghahanap at pagrescue."
Napatikhim naman siya ng magsimula ulit umugong ang mga bulungan.
"Ahm... about the operation. We just need to rescue the chinese national from the unknown terrorist group who kindnapped him."
"Siya 'yong tinutukoy ko," bulong ni Lilia."Siya ata iyong chinese na gumawa ng virus na 'to."
"Hmm... bakit naman kaya siya kikidnapin?" tanong ko.
Nagkibit-balikat naman si Lilia. Nakakapagtaka. Kung sino man ang kikidnap do'n ay siguradong may mabigat na motibo.
Napadako naman ang tingin ko kay Alicia na nakatayo sa harapan. Nakaside-view ito sa akin. Hindi ko pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya kanina. Ang akala ko talaga ay siya ang may kagagawan sa nangyaring pagsunog sa hideout. Mabuti na lang talaga at hindi ko agad sinabi kay Lilia ang mga akusasyon ko. Hindi kasi si Alicia ang salarin sa nangyaring pagsunog.
At ang tinutukoy niyang sikreto ay tungkol sa pagbubuntis niya. At ang ama ay isang sundalo na kasama sa team. Nang una nga ay ayaw kong maniwala, pero siya na mismo ang nag-explain at naglinaw sa mga bagay-bagay.
Pero kung hindi si Alicia, sino? Wala naman akong napapansing kahina-hinala maliban sa naging kilos ni Alicia.
"Sa tingin ko ang isa sa mga rason kung bakit kinidnap ang chinese na scientist na 'yon upang pagkaperahan siya ng mga kidnapper," rinig ko namang bulong ni Khairrel. Tumango-tango naman kami ni Lilia. "He would probably know the exact formula for the cure. Of course, he's the one who created the virus," dugtong pa nito. "But the question is, who kidnapped him? Are they terrorists or just some ordinary people?"
"Hmm." Napapahawak pa si Lilia sa kaniyang baba habang malayo ang tingin. "Iyan din ang tanong sa isip ko. Pero sa tingin ko hindi basta-bastang tao ang mga kumidnap doon. Siguradong mapera at mayaman. Isipin niyo na lang, hindi naman niya kayang gawin iyon ng mag-isa. Siguradong magrerecruit siya ng mga kasama at babayaran ng malaking halaga."
"May point ka," pagsang-ayon ko sa sinabi ni Lilia."Siguradong sabik sa pera ang taong nasa likod nito. Gagamitin niya ang chinese na 'yon para makahakot ng pera sa pamamagitan ng pagbebenta ng cure sa malaking halaga."
"Pero sino kaya? Politician? Businessman? Abogado? Senator?" sunod-sunod na tanong ni Lilia.
Sasagot na sana ako ng magsalita ulit si General.
"And I want to tell you about this important information we discovered a while ago." Hinimas-himas nito ang kaniyang baba."About sa nangyaring pagsunog sa hideout. One of our team is connected to those kidnappers who kidnapped the chinese scientist."
Kumunot ang noo ko.
"It means nakikipagsabwatan siya sa mga 'yon?" tanong ko dahilan upang mabaling ang tingin ni General sa akin pati na rin ang iilang mga nandito.
"Yes." Sumeryoso bigla ang mukha ni General. "Isa sa inyong mga nakatayo dito ang traydor. Kaya nahanap ng mga kidnapper ang kuta natin dahil siya mismo ang nagsabi sa mga ito. Ina-update niya rin ang mga iyon sa mga hakbang na gagawin natin. Kaya hindi na nakakapagtakang namomonitor nila ang bawat galaw natin."
"That's insane!" malakas na sabi ni Alicia. "May idea na ba kayo kung sino ang taong ito?" tanong niya pa.
Ngumisi naman si General kasabay ang mahinang pagtawa.
"Yes."
Alam na niya? Sino?
Inilibot ko ang paningin upang tingnan ang mga kahina-hinala. May mga sundalong nag-uusap. May mga medical personnel na nakikinig sa mga nagsasalita sa harapan. Kitang-kita ng dalawa kong mata ang seryosong mukha ni Byaren. Nakasideview ito pero makikitang nakakunot noo. Nakacross arms din at tahimik na nakikinig sa mga nagsasalita.
Si Byanard naman ang sunod kong nahagip, hindi malayo ang kinatatayuan niya sa kinatatayuan ni Byaren. Wala itong pinapakitang emosyon. Nakapamulsa itong nakatayo habang nakatingin din sa harapan.
Sunod naman ay si Klien na panay ang tawa. Nakikipag-usap ito sa mga kasama at halatang hindi nakikinig. Di pa rin nagbabago kahit kailan.
Wala namang kahina-hinala. Parang wala naman sa amin ang tinutukoy ng General. Baka naman nagkakamali lang siya?
"Paano po ba namin malalaman na siya ang tinutukoy niyo?" tanong ng isang lalaking nakatayo sa harapan.
"Hmm... it's not good to reveal it today. Mas maganda kung kayo mismo ang makakapansin." Ngumiti naman siya sa amin. "Napansin ko ka agad ang mga kakaibang kilos niya kaya alam kung mapapansin din niyo iyon ka agad." Bumuntong hininga naman siya."By the way, napagdesisyunan ng committee na hindi isasama ang mga volunteer medical health workers. Maiiwan sila sa araw ng operation."
Hindi ako kasama? Kami ni Byanard?
"Prepare. Do your trainings properly. This will be our last fight. Ito ang huling laro na kailangan nating ipanalo," huling sabi ni General bago tuluyang umalis sa main office kasama ang iilang mga committe member."
BINABASA MO ANG
Nowhere To Hide
Horror•[COMPLETED] Horror Months after a deadly virus plague has wiped out 90 percent of the World's population, a group of survivors find ways to search for the cure and fight for their survivals. _____ © ALL RIGHTS RESERVED TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE...