CHAPTER 15

402 37 7
                                    

KLIEN

NAKARATING naman kami sa hideout na sinasabi ng babaeng sundalo. Malapit ito sa Mount Makiling at Villamor Air Base. Pagkahinto pa lang ng kotse ay agad akong bumaba. Tinanaw ko naman ang buong paligid. Isang gawa sa steel bar ang gate ang bumungad sa paningin ko. May mga sundalo ding nakabantay sa labas.

Inunat-unat ko naman ang mga braso ko tsaka bahagya pang napahikab

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inunat-unat ko naman ang mga braso ko tsaka bahagya pang napahikab. Kawawa naman itong gwapong 'to, 'di pa nakakatulog, haha. Naramdaman ko naman ang pagbaba ng mga kasama ko mula sa kotse.

"Nandito na tayo," rinig kong sabi ng babaeng sundalo. Nauna naman itong maglakad habang akay-akay ang lalaking sundalo. Tinulungan naman siya ni sir Byaren samantalang naka-assist naman si doktora sa likod nila.

"Mukhang mas ligtas dito kumpara sa hospital na iyon," rinig kong sabi naman ni Byanard bago ako nito lagpasan at sumunod kayla doktora.

Napaisip ako sa sinabi niya. Paanong hindi naging ligtas ang hospital na sinasabi niya? Iyong hospital ba na tinutukoy niya iyong hospital na pagmamay-ari ng pamilya nila?

Muling bumalik ang diwa ko ng mapagtantong ako na lang ang natitirang nakatayo sa labas. Dali-dali naman akong naglakad ng mabilis upang makasabay sa kanila.

Kitang-kita ko ang paghinto nila ng biglang humarang ang dalawang sundalo. May hawak na mga matataas na kalibre ng baril ang sundalong iyon base sa nakikita kong mga hawak nila. M16 caliber 5.56×45mm NATO.

Paano ko nalaman? Tsk, syempre gwapo ako  kaya alam ko 'yan. Oh? Baka may tumahol diyan, ah? Haha! Bukod sa alam kong saksakan ako ng kapogian, alam ko rin ang iba't-ibang klase ng baril. Prove? Naks, 'wag na baka mas mainlove pa kayo sa akin, eh.

Pero sa totoo niyan, part talaga iyon ng training namin bilang isang butler. Sabi kasi ng Maestro namin, 'Hindi lang sapat na alam mo ang mga basic self defense, tactics and body weapoons, dapat alam mo rin kung paano kilalanin ang iba't-ibang uri ng baril. At kung sakaling umabot sa puntong tutukan ka gamit ang isa sa mga 'yon, alam mo na kung paano dedepensahan.' Kaya kailangan kong i-familiarize iyong iba't-ibang klase ng mga baril, mapa-matataas na kalibre man o sa pinakamababa.

Ok, back to the story. Baka magalit na kayo sa kadaldalan ko.

Ilang segundo din kaming tiningnan ng dalawang sundalo hanggang sa nagsalita na ang babaeng sundalong kasama namin.

"Mga kaibigan namin sila," aniya saka tumingin sa amin."Hindi rin sila mga infected kaya walang dapat na ikabahala."

Nagkatinginan pa ang mga sundalong nakabantay. Nang makilala nila ang dalawang sundalo na kasama namin ay agad silang napasaludo. Ilang sandali pa ay may kinuhang parang telepono ang isang sundalo."Roger that. This is soldier number 23 guard for entrance number one command post to open the gate. Two soldiers namely, Comrade Sabuawa and Comrade Santos with three uninfected visitors. Roger that. "

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon