BYAREN
ISINIGAWA ang training ng tatlong araw. Natapos naman iyon sa mismong araw na magaganap ang operasyon. Kaniya-kaniya ng paghahanda ang bawat mga kasama. Hindi ko naman maiwasang matuwa ng malamang hindi kasama si Bliss. Masyadong delikado kung isasama siya. Kahit papaano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko dahil do'n.
Biglang bumukas ang pintuan.
"Byaren, tapos ka na?" rinig kong tanong ni Khairrel.
"Malapit na. Susunod na lang ako," sagot ko habang nanatili ang tingin sa baril na hawak ko. Ipinagpatuloy ko naman ang paglilinis dito.
"Sige. Bilisan mo. Aalis na ang MV after five minutes," pahabol na sabi nito.
Nagthumbs up naman ako sa kaniya. Narinig ko na lang ang yabag nito paalis. Tinapos ko naman ang gingawa ko bago tuluyang lumabas ng tent.
Bumungad sa panimgin ko ang nakahilera ang limang MV. At lahat ng iyon ay halatang handa na para sa operasyon. May mga sakay na ding mga sundalo. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang pagkaway ni Klien sa akin.
Nagsimula naman akong maglakad palapit doon. Pagkarating ay agad akong inakbayan ni Klien.
"Akala ko 'di ka sasama," nakangiting pambungad na sabi nito. Ngingiti-ngiti ito at halata ang excitement sa mukha.
"Nagbago isip ko, eh."
Ayaw ko kasi talagang sumama. Ewan ko kung bakit biglang nagbago isip ko.
"Mabuti naman!" Natawa naman siya. "Akala ko talaga eh, hindi ko kayo makakasama sa exciting na labanan!"
Tinaasan ko lang siya ng labi. Umakyat na ako sa MV at sumunod naman siya. Sabay kaming naupo. Napadungaw naman ako sa may bintana. Kitang-kita ko ang pagkaway ng mga tao sa amin.
"Kung mamatay man ako sa operasyon na 'to, ok lang sa'kin. Wala naman akong babalikan, eh."
Kunot-noo kong binalingan ng tingin si Klien. Panay ang kaway nito sa mga tao habang nakadungaw sa bintana. Kahit nakangiti ito ng malapad, mababakas parin sa mukha nito ang kalungkutan.
"Ano pang pinagsasabi mo?" takhang tanong ko.
Ibinaling naman niya ang tingin sa akin. "Nalaman ko kasing patay na sila Mama at Papa pati na rin ang mga kapatid ko." Naiyukom naman nito ang kaniyang mga palad. "Hindi sila kasama sa mga narescue. Na-trap sila sa bahay. At doon na... doon na sila namatay."
"Bakit sila namatay?"
"Sa gutom." Nag-iwas ulit siya ng tingin sa akin. "Dapat kasi... hindi ko na lang sila iniwan. D-Dapat hindi na ako umalis para maghanap ng pagkain."
Napabuntong hininga na lamang ako.
"It's not your fault." Tinapik-tapik ko ang balikat niya. "Don't blame yourself."
"K-Kaya nga hindi ako natatakot na mamatay sa operasyon na 'to kasi wala naman akong maiiwan."
"You moron!" Nababaliw na ba siya?! Mahina ko siyang sinapak sa braso."Don't say such things!"
Napailing lang ito sa mga sinabi ko.
"By the way, where did you get that information?" paglilihis ko. Mukhang iiyak na e, tss.
"K-Kay Tita. Isa kasi siya sa nga s-survivor na nakikituloy dito. Kagabi kami nagkausap. Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga nangyari kayla M-Mama," sagot niya.
BINABASA MO ANG
Nowhere To Hide
Horor•[COMPLETED] Horror Months after a deadly virus plague has wiped out 90 percent of the World's population, a group of survivors find ways to search for the cure and fight for their survivals. _____ © ALL RIGHTS RESERVED TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE...