CHAPTER 02

1.2K 72 12
                                    

                           BYAREN

NAIWAN naman akong nakatulala dahil sa sinabi ng matanda. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa sinabi niya. Alam ko naman na may halong kasinungalingan at halong gawa-gawa lamang iyon pero bakit parang nakakatakot at nakakaalarma?

"Napaparanoid na naman ako," bulong ko at ginulo na lamang ang buhok.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at hinayaan ang paa kong dalhin ako sa kung saan. I'm not really familiar of all the places here. Kung saan ako abutan ng gutom at antok doon muna ako mananatili. At isa pa, I don't have enough money to rent a house or magcheck-in sa hotel. No choice, matutulog na lang ulit ako sa may mga bench. Or kahit saan na pwedeng idlipan ng libre.

Mag-aalas dos ng hapon ng marating ko ang isang lugar na may nakahilerang mga samu't-saring pagkain. May ihawan, may mga fast food chains din. Sobrang dami ng tao at nagmistulang mercado ang lugar.

Nakaramdam naman ako ng pagkagutom. Dali-dali akong lumapit sa isang stall.

"Manong magkano---Klien?"

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ito. This guy that I've been searching for almost a week! Nandito lang pala!

"Oh anong---SIR BYAREN?!" Nabitawan naman nito ang hawak niyang paypay. At dali-daling umalis sa stall at lumapit sa akin."S-Sir Byaren? A-Anong nangyari? Bakit... bakit ganiyan ang istura niyo?"

"Naglayas ako sa amin."

"What?! Bakit---Bakit ko pa nga ba tinatanong? Matagal mo namang gustong gawin iyan." Tiningnan naman ako nito mula ulo hanggang paa."Kahit ganiyan ang itsura niyo, gwapo pa rin kayo. Kaya na mukhaan ko kayo ka agad e!" natatawa pang sabi nito.

"Your working here?" tanong ko na ikinatango naman niya. "Kaya ka ba umalis sa mansyon dahil dito?" Klien is my personal butler and of course best buddy. Mabait kasi ito at maasahan. He's been always my second hand.

"Nagkasakit kasi si papa. Walang magbabantay at malayo din ang mansyon niyo sa bahay namin. Pasensya na sir, hindi na ako nakapagpaalam ng maayos."

"It's ok." Tinapik ko naman ang balikat niya."Nagtaka lang ako sa biglaan mong pag-alis. But I think I don't need to worry mukhang maayos naman ang lagay mo."

"Ano sir, libre ko na kayo ng fishball!"

Fishball?

"Ano 'yon?"

Natawa naman ito nang mahina."Ito pong tinitinda ko. Fishball ang tawag dito." Tumango-tango naman ako. "Libre ko na po kayo mukhang wala na kayong pera e."

Bumalik ulit ito sa stall niya at ipinakilala sa akin lahat ng tinda niya. May fishball, kikiam, tapos kwek-kwek. Sounds wierd. Unang beses kong kumain ng mga ganito. At mukhang masarap naman, siguro?

Napasandal na lamang ako habang hinihintay ang pagkain. Napatingin naman ako sa digital camera na nakasabit sa leeg ko. Alam niyo bang binalak ko ng ipagbili ito pero naisip ko na, ito na lang ang meron ako. At may sentimental value ito sa akin. Gamit ang laylayan ng suot kong t-shirt na kulay black, pinunasan ko ang medyo maalikabok na digital camera ko. Hinihipan ko pa iyon para tuluyang maalis ang dumi.

"Sir Byaren ito na po."

Haharap na sana ako kay Klien upang kunin ang pagkain ng may biglang kumuha ng digital camera mula sa leeg ko.

Shit.

"Hoy!" Mabilis ang takbo ng lalaki. Nakasuot iyon blue na damit at nakasumbrero ng itim."Ibalik mo ang camera ni Sir Byaren!"

Hindi ko na narinig ang huling sinabi ni Klien dahil tumakbo na rin ako at hinabol ang lalaki. Ilang ulit akong napamura sa utak ko. Like what the hell! Tangina?! Iyong camera ko pa talaga?!

Sobrang bilis ng takbo ng lalaki at hindi nito iniisip ang mga nakakasalubong at nasasagi niya. Wala akong magawa kundi ang sundan ito kung saan man siya pupunta.

May pagkakataong napapadaan kami sa makitid na eskinita. Ilang ulit na sumabit ang damit ko sa mga bagay na nakaharang sa daan. Pero hindi ako huminto. Hinabol ko ang lalaki.

"Ibigay mo na yan sa akin! Babasagin ko talaga ang pagmumukha mo kapag maabutan kita!"

Umakyat naman ito sa may pader. Tangina! May lahi bang pusa ang isang iyon?! Masyadong master na sa nakawan! Umiba naman ako ng daan. Hindi ko kayang umakyat doon!

Medyo malayo ang dinaanan ko kaya malayo na sa paningin ko ang snatcher. Mas binilisan ko pa ang takbo ko kahit na minsan ay nakakasagi na ako ng mga dumaraan.

Narating na namin ang highway. At sobrang daming tao at sasakyan. Ngunit patuloy pa rin ang lalaki sa pagtakbo. Tangina lang kasi! Bakit camera ko pa?! Ipagbibili niya ba iyon?!

Rinig na rinig ko ang busina ng mga kotse. Nanlaki naman ang mga mata ko ng patakbo itong tumawid sa kalsada. Muntik na ngang magbungguan ang mga sasakyan dahil sa ginawa niya. Fvck!

I have no choice but to cross over. Katulad ng ginawa niya ay patakbo din akong tumawid. Ang akala ko ay tuluyan ko ng mararating ang kabilang kalsada ngunit ilang sandali pa ay isang nakakabinging busina ang mabilis na pumunta sa deriksyon ko.

Isang malaking pagsalpok ang nangyari.

Maraming tao ang nakapalibot. Nagbubulungan.

Namanhid ang buo kong katawan kasabay ang panlalabo ng paningin ko. Ramdam ko ang matigas na semento sa likod ko. Tila parang isang gripo na umaagos ang isang parang likido mula sa ulo ko.

Sobrang sakit.

Para akong dinaganan ng isang malaking tao.

I can't even move my body.

Isang presensya ang lumapit mula sa akin. I saw an unfamiliar face and after that everything went black.

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon