BLISS
NANG marinig ko ang sinabi ng babaeng sundalo ay hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo upang kunin sa tent ang baril na ibinigay sa akin ng General. Narinig ko pa ang pahabol na pagsigaw ni Byanard sa pangalan ko ngunit hindi ko 'yon pinansin.
Halos makipagbanggan na ako sa mga nakakasalubong kong mga sundalo na nagmamadali rin sa pagtakbo. Nagkakagulo na ang lahat. Panay ang sigaw at paalala naman ng isang sundalo na may hawak na megaphone. Ngunit tila bingi ang lahat, patuloy lamang ang kaguluhan.
Akala ko ay tuluyan ko ng mararating ang tent ngunit napakabilis ng mga pangyayari. Nakita ko na lamang ang sarili kong nasa kalagitnaan ng bakbakan sa pagitan ng mga infected at ng mga sundalo. Napakalapit ko sa kanila at halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng putukan ng mga baril. Nadala siguro ako ng mga nagkukumpulang sundalo kaya ako nakarating dito.
Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano magsisabugan na parang lobo ang ulo ng infected. Hindi pa man sila tuluyang nakakalalapit ng hideout ay tinadtad na sila ng bala. Napuno ng maraming dugo ang paligid. Napakasangsang ng amoy!
Unti-unti naman akong umatras upang umalis mula doon. Hindi ko makakayanang magtagal pa! Ibang-iba 'to sa mga horror movie na napapanood ko. Kakaibang takot ang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag. Parang pinaghalong gyera at zombie apocalypse ang mga nangyayari ngayon!
Napapapikit na lamang ako sa tuwing nakikita kong sumasabog ang ulo ng mga infected. Ang iba nga ay nagmistulang gulaman. Durog na durog ang mga bungo pati na utak. Vazooka ba naman ang gamitin sa'yo? Ngunit tila hindi mabawasa-bawasan ang mga infected.
Nakakapagtaka, bakit sila nandito? Bakit parang pakiramdam ko ay may nagset-up lahat ng 'to?
Bumalik ang lutang kong isip ng marinig ang malakas na pagsabog. Napaupo naman ako at muntik ng mapasubsob. Unti-unting nabawasan ang putukan. Nabalot ng usok ang buong paligid.
Teka... tapos na ba? Wala na bang mga infected?
Muli akong napatayo. Hindi ko naman maiwasang mapaubo ng maradaman ang magaspang na pakiramdam sa lalamunan ko. Inaabot na rin ng usok ang kinalalagyan ko. Tumagal lamang ng ilang minuto usok hanggang sa naging klaro na muli ang lahat.
Napatingin ako sa labas ng steel bars. Nagmistulang mga langgam ang mga infected. Lahat ay bagsak at patay. Nagkalat sila sa labas ng gate. Halos bumaha na rin ng dugo at umaalingasaw ang malansang amoy.
Napabuntong hininga na lamang ako. Sa tingin ko ay tapos na. Mukhang wala na din akong nakikitang infected na nakatayo. Naririnig ko naman mula sa kinatatayuan ko ang tagumpay na sigawan ng mga sundalo.
Napangiti na lamang ako. Malaking tulong talaga ang pagkakaroon ng mga sapat na armas at mga tauhan.
"I think, we're really safe here---"
Naramdaman ko bigla ang paghila ng kung sino sa suot sa kwelyo ko dahilan upang mapasandal ako sa may steel bars. Sobrang higpit ng kapit nito! Nasa likod ito kaya hindi ko makita ang mukha niya.
Pinilit kong makawala ngunit sobrang higpit ng pagkakapit niya. Nabibilaukan na rin ako. Parang lulusot na ang katawan ko sa steel bars. Pinipilit ako nitong ilabas!
S-Sino ba 'to?
Hindi ko siya magawang lingunin. Ni hindi ko makita ang mukha niya! Ngunit... naamoy ko ang isang parang malansa. At sa tingin ko ay nagmumula iyon sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Nowhere To Hide
Horror•[COMPLETED] Horror Months after a deadly virus plague has wiped out 90 percent of the World's population, a group of survivors find ways to search for the cure and fight for their survivals. _____ © ALL RIGHTS RESERVED TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE...