BLISS
ILANG ulit akong napalunok at napakurap. Ilang beses ko ding tiningnan ang pangalang nakaregister doon. Halos lakihan ko na rin ang mata para makasigurong ang pangalan nga niya ang nakasulat doon.
Paano nangyari? Bakit siya?
Nagsimulang umugong ang bulungan sa loob ng silid. Pati rin ang mga taong nagmomonitor sa mga camera ay hindi makapaniwala sa mga nalaman. Sino ba naman ang mag-aakalang si Byaren ang tinutukoy ni General?
Nakakapagtaka. Kahit ako, hindi kailanma'y sumagi sa isip ko na siya ang maaaring tinutukoy na traydor.
Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng mali. Hindi ko maipaliwanag. Ewan ko ba kung bakit lagi akong nakakaramdam ng ganito.Wierd.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ng lalaking nakasalamin na katabi ko lang. 'Di ko tuloy maiwasang mapatingin sa kaniya.
"Bakit naman niya magagawa ang bagay na 'to?" tanong niya habang nasa harap ang tingin.
Nalipat naman ang tingin ko sa mga taong nakahilerang nakaupo sa harap ng napakaraming camera monitor. Lahat sila ay may suot na headphone. Ang iba ay nakikipag-usap sa mga sundalong kasalukuyang papunta ngayon sa lokasyon ng mga terrorista.
Naramdaman ko naman ang presenya ni Byanard sa likod ko. Ngunit hindi ko na 'yon pinagbalingan ng atensyon, mas ipinukos ko sa mga camerang nasa harap ang paningin ko.
"Maari ba nating ma-disconnect ang cam niya sa ibang source?" tanong ko.
"H-Hindi ko alam. Hindi ko kasi ma-track kung saan nangagaling 'yon," sagot naman ng lalaking nakasalamin. Panay ang mabilis na pindot nito sa keyboard.
"Baka, sa mga kalaban natin nagmumula 'yan. May tendency kasi na sila ang may pakana nito. Right? Wala naman akong ibang maisip na gagawa ng bagay na 'to bukod sa kanila," saad ko. Tumango-tango naman ang iba tanda ng pagsang-ayon.
Muli kong ibinaling ang paningin sa mga camera. Napakarami. Nakakahilong tingnan. Lahat ata ng mga sundalong kasama ay mayroong LCD cam na konektado mismo dito.
Mula doon, makikita ang paghinto ng Military vehicle. Mukhang nakarating na sila. Hindi ko alam kung kaninong cam itong pinagmamasdan ko. Basta, mapapansin ang isa-isang pagbaba ng mga sundalo mula sa MV.
Pulido at maingat ang bawat hakbang nila. Mukhang may plano na din silang nakahanda. Naghiwa-hiwalay kasi ang iba at nagtago sa pwestong nakalaan sa kanila. Inihanda ang mga baril pati na rin ang mga sarili.
Panay ang pag-angat baba ng camerang tinitingnan ko ngayon. Mukhang kinakabahan ang sundalong may suot nitong cam. Nakapokus ang cam nito sa palagid. The sorrounding looks so bland. Wala kang gaanong makikita bukod sa napakatahimik na lugar. Wala ka kasing makikitang taong naglalakad man lang o nakatayo. The place looks so hunted.
Muli akong tumingin sa ibang cam. Nakapokus naman ito sa isang building. Mukhang nasa loob ang hinahanap nila.
Tumingin ulit ako sa ibang cam. Nakapokus naman ito sa entrance ng Building. Wala naman akong napansin no'ng una. Maliban sa mga palipad-lipad na plastic at ang matinding alikabok na halos takpan ang pintura ng building. Ngunit ng tingnan kung mabuti...ilang ulit kong tiningnan, pabalik-balik para makasiguro. Napatakip na lamang ako sa bibig ko ng mapagtanto kung ano ang bagay na 'yon.
BINABASA MO ANG
Nowhere To Hide
Horror•[COMPLETED] Horror Months after a deadly virus plague has wiped out 90 percent of the World's population, a group of survivors find ways to search for the cure and fight for their survivals. _____ © ALL RIGHTS RESERVED TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE...