CHAPTER 17

346 33 19
                                    

BLISS

NATAPOS na ang lunch break. Mag-isa naman akong kumain sa Canteen since hindi ko rin alam kung nasaan si Byanard, Klien at Mr.Kennedy. Mukhang kasalukuyan pa rin nasa Medical Facaility si Lilia. Nahihiya nga ako ng pumasok ako dito kanina dahil sa sobrang dami ng mga sundalong nandito. Ang iba nga sa kanila ay panay ang tingin sa akin at halata sa mga mukha ang pagtataka.

Pinigilan ko na lamang ang hiya ko at kumain na lang. Labis kasi na gutom ang nararamdaman ko. Nanghihina na ang tuhod ko at bahagya na din akong nakaramdam ng labis na pagkahilo. Hindi pa kasi ako kumakain simula ng umalis kami sa Morris Hospital. Naubos ko naman ang isang platong puno ng pagkain. Hindi ako naglagay nun, yung mga sundalong nagca-cater ang naglagay ng maraming pagkain sa plato ko.

Masyado bang halata na gutom ako? Nakita ba nila na naglalaway ako sa mga pagkaing nakahain kanina? Nakakahiya pala kung ganun!

Nang matapos ay agad akong umalis sa canteen. Plano ko sanang libutin ng lugar. Mamaya pa naman ang practical medication naming kaya gagamitin ko ang oras ngayon para maglibot. Sa tingin ko ay ala-una na ng hapon ngayon. Ramdam na kasi ang mainit na sikat ng araw sa balat ko.

“Nasaan na kaya ang mga ‘yon?” tanong ko sa kalagitnaan na ng paglalakad. Simula kasi ng ihatid kami ng mg sundalo sa kaniya-kaniya naming tent ay hindi ko na nakita ang kahit isa sa kanila. Kahit si Byanard, hindi ko rin siya nakita simula kanina. Masyado ba silang busy?

Naging komportable naman ang pakiramdam ko ngayon kesa kanina. Siguro dahil sa nakakain na ako at nakapagpalit ng bagong damit. Naging maganda naman pala ang kinalabasan ng pagtulong naming kela Lilia. Sino ba naman ang mag-aakalang magiging maganda ang lagay naming dito. May pagkain, damit, at sapat na mga armas laban sa mga infected.

Hindi naman sinasadyang nahagip ng paningin ko ang training ground para sa range shooting. Marami-rami rin ang mga sundalong nagtra-training doon. Ngunit hindi ang mga iyon ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang dalawang pamilyar na taong nagtratraining din doon.

“Nandito lang pala sila,” sabi at naglakad palapit doon.

Tahimik ko naman silang pinanood. Mukhang nagsisimula na ang training nilang dalawa. Napansin kong iba na ang suot nilang damit. Mukhang binigyan din ata sila ng damit ng General. Sumandal naman ako sa may puno at pinanood si Klien at Mr. Kennedy na nagra-range shooting. Unang nagtry si Klien. Nakasuot nama siya ng eye protective glasses, ear plugs, at holster na nakalagay sa bewang niya. Sinimulan na nitong tirahin ang mga standee target. Namangha naman ang ilang sundalo ng ma headshot niya ng sabay-sabay ang mga iyon.

“Ayos ba?” taas kilay niyang tanong kay Mr. Kennedy.

Teka nga, bakit ba Mr. Kennedy ang tawag ko sa kaniya? Kung hindi ako nagkakamali ay isang taon lang ang tanda niya sa akin. Naikwento kasi iyon ni Klien nung naglaro kami ng chess. Hindi nga ako makapaniwala e. Ang akala ko talaga ay mas matanda ako kesa sa kaniya, mali pala ako.

“Yun lang ba ang kaya mo?” nakangising sabi naman ni Mr. Kennedy.

Ganito ba sila palagi? Laging nag-aangasan?

Sunod naming pumwesto si Mr.Kennedy. Nakasuot din ito ng suot ng eye protective glasses, at holster. Maingat naman nitong itinutok ang baril sa target. Wala pang sampung segundo ay agad niyang napatumba ang limang standee. Namangha naman ang mga sundalong nanonood. Hindi ako makapaniwala. Bakit ganito sila kagaling mag-shoot? May experience ba sila sa mga ganiyan?

Nakakapagtaka talaga ang pagkato nitong dalawang ‘to. Lalo na si Mr. Kennedy.

Kitang-kita ko naman ang pag-akbay ni Klien kay Mr. Kennedy.

“Wala ka pa ring kupas,” sabi nito n tinapik-tapik pa ang balikat ni Mr.Kennedy.

Ilang sandali pa ay lumapit ang isang sexy at magandang babae sa kanila saka walang pag-aalinlangang nakipag-shakehands.

“Congrats to the both of you. Mukhang magaling na kayo sa ganito. Hindi ko ata kayo kailangang turuan,” malumanay na sabi nito habang nakangiti sa dalawa.

Napapasipol naman ang iilang mga sundalo. Sino ba naman ang hindi? Sa magandang kurbada ng katawan ng babae, sa mala porselana nitong kutis, sa maamo nitong mukha, at ang sexy nitong suot, sino ba naman ang hindi magagandahan sa kaniya? Nakadagdag attraction din ang maikli at itim nitong buhok.

Sino ba siya?

“G-Ganoon po ba?” nahihiyang sabi ni Klien na napapakamot pa sa batok.

Nagulat naman ako ng mabaling ang kaniyang tingin sa akin.

“Doktora!” pagtawag pansin nito.

Kumaway naman ako sa kaniya saka ngumiti ng malapad. Umalis ako mula sa pagkakasandal at naglakad palapit sa kanila.

“Mukhang pasado kayo sa training ah?” sabi ko habang naglalakad palapit sa kanila.

“Syempre magaling kami e,” natatawang sabi naman ni Klien. “Kanina ka pa ba nanonood?”

“Oo,” agad kong sagot. Palihim ko naming sinulyapan si Mr.Kennedy na nag-aayos ng baril.

“So nakita mo rin yung pagheadshot namin sa mga standee?" tumango na lamang ako bilang sagot sa tanong niya. “Ang galing ko ‘no?”

“Tyamba mo lang iyon,” natatawa kong sabi na ikinanguso niya. “Nga pala, saan ang sunod niyong training?”

“Sa training field para sa taekwondo and judo,” sabat naman ni Mr.Kennedy. Bahagya pa akong nagulat ng magtagpo ang paningin naming dalawa. “Pero mamaya pang-alas tres ‘yon.” Inilagay naman niya ang baril sa holster. “Kumain ka na ba?”

“Ha?” Ba’t niya naman natanong? Concern ang peg? Assuming ka naman, Bliss. As if magiging concern 'yan sa'yo.

“Tsk. Oo at hindi lang naman ang isasagot mo,” walang gana nitong sabi. Ba’t ba napakasungit ng isang ‘to? May lihim ba siyang galit sa akin? Dahil ba sa pagkakasampal ko sa kaniya?

“T-Tapos na,” sagot ko habang nag-iiwas ng tingin sa kaniya. “Kayo---”

“Ikaw ba si Doktora Bliss?” singit ng sexyng’ babae.

“Ah, oo.” Nagkatinginan naman kami. Ang ganda pala ng mata niya sa malapitan, makikita rin ang nagkalat na nunal sa leeg niya.

“Nice to see you. I’m Alicia Morgan,” pagpapakilala nito sabay na nakipag-shakehands. “Your simply pretty. It’s nice to meet you. By the way, ako in-charge na magtraining sa dalawa mong kaibigan.” Napatingin naman siya kay Klien at Mr.Kenndy. “Mukhang madali lang sa kanila ang training.” Muli nitong ibinaling ang tingin sa akin. “Mga Agent ba sila?” bulong nito sa akin.

Agent? Oo nga ‘no? Ba’t ‘di ko naisip 'yon?

“H-Hindi ko rin alam e,” naisagot ko na lang. Hindi ko pa naman talaga kilala ng lubos ang dalawang iyan.

“Ganoon ba? Hmm. Nakakapagtaka. Nga pala, kailangan na naming pumunta sa another training field. Maiwan ka muna namin.” Napatingin siya sa dalawa. “Let’s go.”

“Panoorin mo ako Doktora,” bulong sa akin ni Klien bago sumunod ay Alicia.
Inismiran ko na lamang siya.

Kwela talaga itong si Klien. Hindi ko alam kung paano niya natitiis na kasama ang napaka-seryosong si Mr. Kennedy. I mean, napaka-opposite kasi nila. Lagi siguro silag nag-aaway?

“Mamayang gabi ang practical medication niyo di ba?”

Napabaling ang tingin ko kay Mr.Kennedy dahil sa tanong niya. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting kaba. Marami ba kaming gagamutin mamaya?

“Ah, oo,” sagot ko naman. “Mabuti pinaalala mo.” Kailangan kong paghandaan ang mga maaaring mangyari mamaya. Kailangan kong maging ready!

Humakbang naman siya papalapit sa akin. Nakapamulsa at blanko ang kaniyang ekspresyon habang naglalakad. Bago niya ako tutluyang lagpasan ay narinig ko mula sa bibig niya ang mga salitang hindi ko inaasahan.

“Goodluck. Galingan mo.”

At ‘yon ang unang beses na makaramdam ako ng kakaiba.

Why is it my heart sudden pumping so rapidly?

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon