BYAREN
LIGTAS naman kaming nakadaan sa una at pangalawang palapag ng Condominium. Gaya ng napag-planuhan, nangunguna si Klien. Nasa likod naman nito ang kaniyang backpack habang may hawak na kutsilyo sa kanan niyang kamay at maliit na flashlight naman sa kaliwa. Si doktora naman ay walang dalang armas. Pero nakahanda ang kaniyang mga kamao sa para sa 'di inaasahang pag-atake. Samantalang ako, na nasa huli, may hawak na matibay na kahoy. Nakuha ko ito mula sa sirang upuan.
Madilim ang hallway na aming tinatahak ngayon, may mga ilaw ngunit patay sindi naman. Nasa ikaapat na kaming palapag. Nakakapagtaka, wala man lang kaming nakakasalubong na mga infected o kahit mga taong survivor.
Maingat at pulido ang bawat hakbang namin. Sinisikap na huwag makagawa ng kahit anong ingay. Hindi kami nag-uusap-usap simula ng pumasok kami dito. Tahimik lang naming sinusundan si Klien.
The place looks so hunted. Ang tanging maririnig mo lamang ay ang pagtulo ng tubig mula sa mga sirang gripo. Mga kaluskos din at ang pag-ihip ng malamig na hangin. I starting to feel cold, medyo manipis kasi itong damit ko. Fitted pa. Parang mas dumoble ang lamig ngayon kaysa kanina. Hindi na rin iyon nakakapagtaka, sa tingin ko ay mag-aalas dyes na ng gabi kaya siguro ganito na kalamig ang ihip ng hangin.
Umabot pa nga kami sa ikalima at ikaanim na palapag, ngunit wala kaming nakakasalubong na infected. Baka naman walang mga infected sa lugar na 'to? Pero impossible naman iyon, looking at this place? Ang mga sirang pintuan at mga kagamitan, halatang nakaabot dito ang mga infected na iyon. Wala ding signs ng mga survivors.
There's something wrong here.
"Nasa ika-pitong palapag ang room namin," pagbabasag ni Doktora sa katahimikan. Tumigil naman ito sa paglalakad. "Mukhang wala namang infected dito."
Huminto rin si Klien sa paglalakad. Gano'n din ako.
"May mali rito. I thought this place already sorrounded by infected," saad naman ni Klien. Sumandal naman ito sa wall. "Malapit na pala tayo doktora, sa susunod na palapag na."
Tumango-tango naman si doktora.
"Yeah, sana ligtas si Mama. At sana buhay siya," sabi naman nito na mahahalata sa mukha ang labis na pag-aalala. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagkuyom ng mga palad nito. "I-I want to make sure... that mama is safe."
"Hindi tayo sigurado," sabi ko dahilan para mapabaling ang tingin niya sa akin."Baka na-rescue na siya bago pa man lumala ang sitwasyon," dugtong ko.
"Tama si Bya---Alzart. Baka naman na-rescue na ang Mama mo," pag-sang-ayon ni Klien. "Malay mo, ligtas siya."
"Nandito siya," aniya sabay tingin sa akin at kay Klien. "Nakausap ko siya three days ago sa cellphone. Tinawagan niya ako at sinabing na-stuck siya sa condo namin. And after noon, wala na akong natanggap na kahit tawag o text manlang galing sa kaniya. Nawalan kami ng komunikasyon kaya labis akong nag-aalala sa kaniya."
"Then, we should go now. Huwag nating paghintayin ang mama mo," sabi ko na ipinatong sa balikat ang dala-dala kong kahoy.
Masigla naman siyang tumango.
"Tara na."
"Tara na!" masiglang sabi naman ni Klien.
BINABASA MO ANG
Nowhere To Hide
Horror•[COMPLETED] Horror Months after a deadly virus plague has wiped out 90 percent of the World's population, a group of survivors find ways to search for the cure and fight for their survivals. _____ © ALL RIGHTS RESERVED TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE...