CHAPTER 23

339 29 0
                                    

BLISS

HININTAY namin ang pagbaba ng elevator. Automatiko kong hinigpitan ang kapit sa kamay ni Bella ng marinig ko ang pag-'ting', na hudyat na nasa unang palapag na kami.

Hinay-hinay na bumukas ang pintuan ng elevator. Unti-unti ko ring nakikita sa harapan ang nakakakunot-noong si Mr.Kennedy at ang mga sundalong kasama na nasa likod niya.

Umalis naman kami ni Bella sa elevator.

"Pasensya na---"

"What the fvck are you thinking, Bliss?" malakas na sigaw nito sa akin na umeecho pa sa buong lugar. "Kanina ka pa namin hinahanap! Pumunta pa kami sa second floor para makasigurong nandoon ka nga, and guess what? Dalawang bangkay lang ang natagpuan namin doon! Now tell me, Bliss, do you want to me put some chains in your wrist so that you can't escape?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Nababaliw ka na," walang gana kong sabi sa kaniya."Hindi mo hawak ang buhay ko kaya wala kang pakialam kong ano at kung saan ko gusto pumunta! Mind your own life, tsk asungot. Tara na nga Bella."

Hinila ko naman si Bell paalis doon. Akala ko ay tatantanan na ako ni Mr.Kennedy pero nagkakamali ako... dahil talagang nabuhay ang lalaki na 'to para pakialaman lahat ng gingawa ko.

Nasa harap ko na siya ngayon. Ang bilis naman niyang maglakad.

"Oh ano? Bakit ka nandiyan?" tanong ko sa kaniya.

"I'm just scolding you for what you have done. I want you to learn from your mistake. Just fvcking understand my point! Hindi habang buhay kaya mong protektahan ang sarili mo! Hindi habang buhay 'yang tapang at lakas mo, get it?!"

Inismiran ko na lamang siya. "So sinasabi mong umasa ako sa'yo ganoon? Tss, eh hindi ko nga alam buo mong pagkatao! Hindi kita pwede pagkatiwalaan!"

"It's not my point, Bliss!"

"Then what?!" malakas kong sabi.

Napapatingin naman ako sa mga sundalong tahimik na nanonood sa amin. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang palihim nilang bulung-bulungan.

"D-Don't let someone... to worry about you."

Natigilan ako sa sinabi niya.

Someone is worried? Who?

"Hindi kita maintindihan," tanging na sabi ko na lamang. Minsan ang wierd din nitong si Mr. Kennedy, eh.

Napatingin naman siya kay Bella.

"S-Sino 'yan?"

"She's Bella." Iniharap ko naman si Bella sa kanila. "Siya 'yong anak nang dalawang mag-asawang namatay sa second floor."

"'Yong mga infected?" tanong ng isang sundalo.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Teka, baka infected din 'yan!" saad naman ng isang sundalo.

"Hindi siya infected. Ang mga magulang lang niya. Ibinigay siya sa akin ng mama niya para alagaan siya," nakangiti kong sabi.

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon