CHAPTER 08

501 50 0
                                    

BYAREN

"MAY internal fracture ka sa leg mo. Hindi naman malala, pero masakit pa din 'yan lalo na kapag nasobrahan ka ng takbo," pagpapaliwanag sa akin ni doktora Bliss. Tumango-tango naman ako habang pinapanood ang paglalagay niya ng alcohol sa cotton tsaka ang paglagay nito sa mukha ko.

"Sino ba gumawa nito sayo?"

Inalis ko naman ang tingin ko sa kaniya.

"Wala."

"Anong wala? Ano 'yon? Tinamaan ka lang ng ligaw na sapak?" natatawa nitong usal saka ibinalik sa first aid kit ang mga ginamit niya.

"It's none of your business," wika ko rito na ikinaismid naman nito. "At isa pa, ano bang pakialam mo? Type mo ako 'no---"

"Doctor mo nga ako kaya ko ginagawa 'to! Hangga't 'di mo ako binabayaran at hindi ka pa gumagaling mananatili ako sa tabi mo! Ok?!"

"Fine." Napatingin naman ako ng seryoso sa kaniya. "Magkano ba?"

Kinunutan naman niya ako ng noo.

"Bakit may pera ka? Pulubi ka di ba?" natatawa pa nitong tanong.

Ngumisi naman ako."Paano kong sabihin kong dati akong mayaman?"

Napatawa naman ito nang mahina kasabay ang pagcross arms.

"Akala ko fracture lang ang nakuha mo mula sa pagkakabangga ko sayo. Hindi ko alam na naapektuhan din pala ang utak mo!"

What?! Sinasabi niya bang may problema ako sa pag-iisip?!

"Hindi ako baliw!" Inismiran ko naman siya. "Nagsasabi ako ng totoo. Naglayas ako sa amin dahil... dahil..."

Nakaramdam naman ako ng biglaang pagkalungkot. Naalala ko ang sinabi ni Byanard tungkol sa pagkamatay ni Kuya Byahan. Kasalanan ko ba talaga ang nangyari?

"Dahil?"

"W-Wala, tss."

Napayuko na lamang ako. Pinag cross ko ang aking mga palad kasabay ang taimtim na pagpikit. Dapat ba talaga na umalis ako sa bahay? Dapat ba na mas pinili ko ang gusto ko kesa sa gusto nila? Tama ba ako?

"Tumahimik ka bigla ah?" Naramdaman ko naman ang tingin niya sa akin."Kung totoo man niyang sinasabi mo sa tingin ko ay masyadong masakit para sayo ang ginawa mo. Bakit ka naglayas?"

"To escape from their chains."

"Kinukulong ka nila?!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Hindi niya ba alam ang mga salitang descriptive adjective? Tss.

"Not... not literally," kalmado kong sabi. Umayos naman ako ng upo kasabay ang pagsandal ng ulo ko sa may wall."Nasasakal lang ako."

"I guess... we're in the same boat," biglang sabi nito habang nasa malayo ang tingin.

Kinunutan ko agad siya ng noo. Same? Anong ibig niyang sabihin?

"Actually, sa'yo ko lang sasabihin 'to. Nagkwento ka na kasi, eh. Kaya magkwekwento na rin ako." Bumuntong hininga naman siya. "Hindi ko naman talaga gusto ang maging doktor. Ang gusto ko ay maging lawyer."

"Eh, bakit nag doktor ka kung hindi mo naman pala gusto?" natatawa kong tanong sa kaniya.

Katunayan ay nagulat ako sa biglaan niyang pagkwekwento. Kahit ako, nagulat din ako dahil nakikipag-usap ako sa doktor. Mga taong kinaiinisan ko.

"To fulfill my father and mother's dream," seryoso nitong saad habang nasa malayo ang tingin."Kapwa doctor ang mga magulang ko. At dahil sa only child lang ako, kaya gustong-gusto nila na maging doktor din ako kagaya nila. Kaya ito doktor na ako."

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon