CHAPTER 18

352 26 0
                                    

BLISS

SAKTONG alas-otso ng gabi ng pinatayo kami sa labas ng hideout. Lahat ng mga medical workers ay nandito ngayon, kasama na kami ni Byanard. Naka-ready na ang mga stretcher, first aid kit, at ang emergency unit. Ni-ready din pati ang aming mga sarili sa mga maaaring mangyari.

Actually, hindi na bago sa amin ni Byanard ang ganitong mga scenario. Sanay na kaming matambakan ng mga gagamutin. Ngunit ang ipinagkaiba nga lang ngayon, gagawin namin ang aming tungkuling bilang doktor sa kalagitnaan ng Pandemic.

Hindi ko maiwasang nerbyosin. Namamawis na rin ang mga palad ko. Idagdag pa dito na mainit talaga sa palad ang gloves. Kinailangan din naming magsuot ng face mask upang makasigurong hindi kami mahahawaan kung sakaling isa sa mga pasyente ay infected.

Kahit na malamig ngayon, lalo na't nasa labas kami, hindi ko mapigilang makaramdam ng lamig kahit na sobrang kapal ng suot ko.

I tried to calm myself by simply gulping two times and a little breath in and breath out.

Hindi dapat ako makaramdam ng kahit ano ngayon. Lalo na't nasa kalagitnaan kami ng pagbubuwis ng buhay. So Bliss, try to focus. Remove some unecessary thoughts. Calm, and let yourself relaxed.

Ganiyan nga.

Relaxed.

"Goodluck. Do your best."

"Argh!" Napahawak na lamang ako sa ulo ko dala ng labis na frustation. Bakit ba kailangang bumalik sa isip ko 'yon?!

"Are you ok, Bliss?" nag-aalalang tanong naman ni Byanard na nasa gilid ko lang.

"Ah, o-oo. Ok lang," sabi ko habang iniiwasang makipag-eye contact sa kaniya.

Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Simpleng goodluck lang naman 'yon! At isa pa, wala namang... something... special doon! Napaparanoid ka na masyado, Bliss! Kulang lang ata ako ng tulog.

Napaayos na lamang ako ng tayo. Sandali akong napapikit at dinamdam ang pagtama ng hangin sa mukha ko. Those wierd feeling. That rapid pumping of my chest.

I don't want... I don't want to feel it again. It's wierd.

Agad ko namang binuksan ang paningin ko ng maramdaman ko ang kamay na nakahawak sa kamay ko.

Tiningnan ko 'yon.

"Don't worry. I'm here Bliss. I'm here," halos bulong na niyang sabi.

Kitang-kita ko ang pagsilip ng matamis na ngiti sa mukha niya. Those minx brown eyes of him are locked in my eyes. I can't deny that Byanard is really handsome. Bumabagay ang mapipilantik nitong kilay sa kaniyang mga mata. Those thick eyebrows and those clean-shavened hair of his every girls were undoubtely drool over him. Kahit nang nasa hospital pa kami. He's quite famous to girls.

Nanatili naman ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Kahit na parego kaming nakasuot ng gloves ay ramdam ko pa rin ang init ng ng palad niya.

"And please... stay with me, Bliss," he said while his eyes were pleading.

Mas kumintab pa sa paningin ko ang kulay ng mata niya ng bahagyang tumatama ang ilaw na nagmumula sa maliwanag na buwan.

Naguluhan ako sa sinabi niya. Stay with him? For what?

"You don't have to reply," sabi niya. Sa pagkakataong ito ay nasa malayo ang kaniyang tingin. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko."I know that you'll be staying with me forever. Sa akin pa rin ang bagsak mo."

Hindi ko masyadong narinig ang huli niyang sinabi. Pero hindi ko na inisip iyon.

Iginala ko naman ang paningin ko. Mapapanansin ang kaba at takot sa mukha ng iilang mga medical health workers. Ang iba naman ay pilit na pinapakalma ang sarili sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kapwa medical health workers. Ang iba naman ay tahimik lang na nakaupo sa malamig na semento. Ang iba naman ay inaayos ang mga stretcher.

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon