CHAPTER 30

870 27 1
                                    

BLISS

After 1 year and 3 months


"OH? Mukhang may lakad ka ata ah?" pansin sa'kin ng kaibigan kong Doktor ng makita ang pagliligpit ng mga gamit ko.

Nginitian ko naman siya. "Ipapasyal ko kasi si Bella. Alam mo na, para naman makabawi ako sa mga araw na hindi kami nakapag-bonding," nakangiting sagot ko.

"Swerte naman nang batang 'yon sa'yo. Nga pala, kailan mo balak mag-asawa? Balak mo bang maging single forever?" natatawa pa nitong sabi.

"Saka na siguro." Kinuha ko naman ang bag ko. "Sige, aalis muna ako."

"Ingat. At sana mag-enjoy kayo!"

Dali-dali naman akong lumabas ng Hospital. Dahil sa nangyaring pagkasunog sa Morris Hospital, wala akong choice kundi ang lumipat at magtrabaho sa ibang Hospital. Mabuti na lamang at open pa sila sa pagtanggap ng mga doctor for service.

Napatingin naman ako sa relos ko. 4:15 PM. Sakto ang oras para sa pamamasyal.

Agad akong sumakay sa kotse ko at tinahak ang daan patungo sa paaralan ni Bella. Saktong pagkarating ko ay dismissal na. Nagsisilabasan na kasi ang mga studyante.

Nahagip namn ng paningin ko si Bella. Agad naman itong napatakbo ng makita ako.

"How's school?" tanong ko.

"Ok naman po! Nakakuha ako ng five stars oh!" Masigla naman niyang ipinakita sa'kin ang braso niyang may nakaguhit na limang bituin.

"Talino naman! Dahil diyan, mamasyal tayo!" masigla ko ring sabi.

"Talaga po?!"

"Yup. Kaya dali! Sakay na!"

"Yey!"

Pagkasakay ni Bella sa kotse ay agad kong pinaandar ang kotse at tinahak ang daan patungong Mall.

Habang nasa daan, hindi ko naman maiwasang makaramdam ng tuwa ng makitang bumalik na sa dati ang paligid. May buhay na at lahat ng mga tao ay malaya ng nakakalabas ng bahay. May mga nagtitinda na sa eskinita at may makikita ng naglalako ng taho at sorbetes.

Maingay na rin ang paligid dala ng busina na nanggaling sa mga napakaraming kotse. Mabuti na lamang at hindi gaanong ma-traffic.

Napadaan naman kami sa may Flower Plantation. Sinadya kong bagalan ang kotse para makita ng malinaw ang mga bulaklak sa paligid. Naging parang bahaghari sa paningin ko ang mga iyon dahil sa iba't-ibang kulay. Lakas maka-Japan!

Binuksan ko naman ang mga bintana ng kotse. Ang sarap ng hangin. Presko at nakarerelax.

"Wow! Ang ganda po rito!" manghang sabi ni Bella habang nakadungaw sa bintana at nakatingin sa flower plantation."May fairies po siguro diyan!"

Natawa naman ako ng mahina."Paano mo naman na sabi?"

"Kasi po... madaming flowers! Di ba po ang mga fairy ay nakatira sa mga flowers?"

"Hm... siguro," sagot ko habang bahagyang ginulo ang buhok niya gamit ang kanan kong kamay.

"Ate, gusto ko po dito ka ikasal!"

Nagulat ako sa sinabi ni Bella ngunit hindi ko mapigilang matawa.

"Bakit ganiyan ka mag-isip ah? Matured ka na ata e!" natatawa kong sabi.

"Bakit po? Ayaw niyo po bang ikasal?"

Naku... itong batang 'to talaga.

"S-Syempre gusto."

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon