CHAPTER 04

997 63 9
                                    

BLISS

"Three days ang span ng virus. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay makikita ang mga sintomas nito," palakad-lakad na sabi ni Dr. Guererro, A 48 years old Half filipino and Russian na head ng Hospital. "Ang ikatlong araw ang pinakadelikado, doon na lumalabas ang tunay na epekto ng virus."

Napapahawak na lamang ito sa kaniyang baba habang nasa malayo ang tingin. Kaming mga doctor na nasa pabilog na table ay tatango-tango naman. Ito kauna-unahang meeting namin patungkol sa kumakalat na virus.

"Makakaranas ng abnormality sa katawan ang matatamaan nito." Inihagis naman niya ang mga larawan ng nakuha sa mga naunang infected."Nakikita niyo yan, they really looked like a normal person. But look at their eyes and hands. May kakaiba di ba? At labis din na nagproproduce ng saliva ang katawan nila. Kaya madali silang makahawa through that," dugtong ni Dr. Guerrero.

Yeah, ito ang unang beses na naka-encounter kami ng ganitong klaseng sakit. Nakakabahala, kahit sabihin na nating hindi ito kagaya ng mga nasa horror movies gaya ng mga zombies.

"Dalawa lang ang nakarehistro sa mga utak ng mga infected, ang pumatay ng iba o patayin ang sarili nila. At isa pa, sabi ng mga researchers sa ibang bansa, nagkakaroon din ng cannibality ang infected. Natatagpuan na lamang ang mga hiwahiwalay na katawan ng mga ito at wala ng lamang loob. Sarili nila mismo ang kinakain nila."

Ramdam ang pagkabigla ng ilang doctor dahil sa sinabi ni Dr. Guerrero. Nagsimula naman ang bulungan-bulungan. Napabuntong hininga na lamang ako. I know, some of them thinking that the virus are not that really dangerous and alarming. Hindi nga agad umaksyon ang ibang mga bansa tungkol dito hanggang sa dumami na ito at kumalat sa buong mundo.

But after knowing the symptomps and circumstances, masasabing hindi lang ito basta virus.

"May isa pa, parang depress din ang mga tinamaan ng ganitong sakit. Hindi sila kakain o iinom manlang. Para din silang---"

"Nakadrugs. Hindi sila natutulog hanggang sa ang katawan na nila mismo ang magreact. At magreresult na nga iyon ng mga abnormality behaviors. Gaya ng pagpatay at cannibalism," dugtong ko sa dapat na sasabihin ni Dr. Guerrero. Napabaling naman sa akin ang tingin nilang lahat para bang tinatanong kong bakit alam ko ang mga bagay na ito. I just smiled at them. "I do some research. At nabasa ko iyon sa isang advanced article."

"Good, doktora Bliss." Nginitian naman ako ni Dr. Guerrero."And everyone, please stay enlightened. Research about---" Naudlot naman ang sasabihin nito ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan.

At iniluwa naman doon ang isang hinihingal na nurse.

"N-Nakalabas ang.... nakalabas ang infected sa I-Isolation room!"

Napatayo naman kaming lahat.

What?!

"N-Nanggugulo ito ngayon sa buong Hospital! Siguradong makakahawa na yun!"

Nagkatinginan kaming lahat. Tila ba'y nag-uusap kami sa pamamagitan ng tingin.

Napatikhim naman si Dr. Guerrero. "Paano naman makakalaya ang isang iyon?" seryosong tanong nito sa amin.

"Baka may nagpalabas!" sagot naman ng isang doctor.

"Anong gagawin natin?" tanong naman ng isa.

I expect a very concrete and appropriate answer coming from Dr. Guerrero but...

"Hindi tayo lalabas dito."

He can't just say that! Ano? Hahayaan niyang makabiktima ng marami ang infected na yon?!

Naglakad naman ako palapit sa pintuan. Tiningnan ko naman ang nurse na nakaharang doon.

"Tumabi ka---"

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon