BLISS
PARA akong tanga habang nakatulala sa may wall clock ng Faculty Room. Tama kaya na pumayag ako sa plano ng lalaki na 'yon? Tama ba ang ginawa ko?!
"Argh! Mababaliw na ako!" frustrated kong sigaw habang bahagya pang ginulo-gulo ang buhok ko. Mabuti na lamang at mag-isa lang ako dito dahil aakalain ng makakakita sa akin na isa akong baliw.
Automatiko namang napabalik ulit ang tingin ko sa wall clock ng mag-'tiktok' ito at tumapat ang short leg ng orasan sa 9. Ngayon na kami aalis! Tiningnan ko naman ang wrist watch ko para sigurado. Alas nuwebe na nga!
Teka, Pupunta ba ako?
Nagpalakad-lakad naman ako habang kagat-kagat ang kuku ko. "Wala naman sigurong masama kung aalis ng ilang oras dito di ba? At saka hindi naman kami mahuhuli, expert naman ata ang lalaki na 'yon sa mga ganito."
Sa totoo lang ay kinakabahan talaga ako. Idagdag mo pa ang panganib na naghahantay sa labas. Hindi lang basta tao ang makakasasalubong namin doon kundi infected!
"Hays. Ano bang gagawin ko---"
"Ayaw mo bang makita ang Mama mo? Hindi mo ba gustong malaman ang kalagayan niya?"
Natigil ako sa paglalakad ng maalala ang sinabi ni Mr. Kennedy. Si Mama, kailangan ko siyang makita.
"Wala akong choice. Kailangan kong gawin 'to."
Isang malalim na pagbuntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang umalis sa faculty room. Maingat at tahimik ko namang tintahak ang kahabaan ng hallway ng hospital. At dahil sa alas nuwebe na, kakaunti na lamang ang mga doctor at nurse ang nakakasalubong ko. At sa tingin ko ang iba naman ay mga tulog na.
Katatapos lang kasi ng dinner kaninang alas-syete kaya paniguradong matutulog na ang karamihan. Wala din namang pagkakaabalahan, mahigpit kasi na ipinagbabawal ni Dr. Guerrero ang paggamit ng tv. Madamot talaga ang matandang 'yon.
Ng malapit na ako sa hallway saka bumagal ang paglalakad ko. Panay din ang lingon ko sa likod at siniguradong walang makakakita sa gagawin ko ngayon. Papalapit ng papalapit ay mas nagiging klaro sa paningin ko ang isang taong nakasandal sa may pintuan ng fire exit.
Si Mr. Kennedy na ba---
"Doktora!" Siya nga.
Walang gana ko naman siyang tiningnan. "Oh ano pang hinihintay mo? Tara na---"
"Di ka ba magpapalit? Naka white gown ka pa rin?" sabi nito habang nakaturo sa damit ko.
"Ayokong magpalit." Pinaalis ko naman siya sa pagkakasandal sa pintuan. "Dito ba tayo dadaan?"
"Yup. Ano? Ready ka na bang lumabas?" rinig kong sabi nito sa likod ko. Halata naman ang excitement sa boses nito. Mahilig ba siya sa nga ganito? Siya lang ata ang excited sa aming dalawa e.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ready na ba talaga ako? Parang gusto kong umatras! Pero hindi! Kailangan Bliss, kailangan mong alamin ang kalagayan ng Mama mo. Hindi ko na kasi siya ma-contact, kaya labis akong nag-aalala sa kalagayan niya. Simula nang kumalat ang virus ay hindi ko na siya nakausap. At sana nga ligtas siya at... buhay pa.
Bumuntong hininga ulit ako kasabay ang taimtim na pagpikit. Wala ng atrasan!
"Ready na ako."
BINABASA MO ANG
Nowhere To Hide
Horreur•[COMPLETED] Horror Months after a deadly virus plague has wiped out 90 percent of the World's population, a group of survivors find ways to search for the cure and fight for their survivals. _____ © ALL RIGHTS RESERVED TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE...