BYAREN
NAPAYUKO na lamang si doktora Bliss. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao niya.
"P-Paano?" she tried to ask in the middle of sobbing.
Bumuntong hininga naman ako.
"Nakagat siya ng infected habang naglalakad sa hallway. Bago pa man natin makita ang Mama mo ay infected na siya," sabi ko habang sinusubukang tingnan si Doktora sa mata.
"She told me all of these. Ayaw niyang malaman mo ang tungkol dito dahil siguradong mag-aalala ka sa kaniya," dugtong ko.
"She did all of these? She sacrifice herself for us?" tanong naman ni Klien. Tumango naman ako bilang sagot. "H-Hindi ako makapaniwala. Parang ok lang naman siya kanina?"
"Yun na nga." Tiningnan ko naman si Klien. "Parang hindi ako mapakali kanina. I feel uneasy."
Muli kong binalingan ng tingin si Doktora. Nasa labas na ito nakatingin ngunit mahahalatang umiiyak ito. Maririnig ang mahihinang hikbi at makikita ang pagtataas baba ng balikat niya.
"Pinakita niya sa akin ang kagat na nasa binti niya. Kinuwento niya sa akin ang lahat. Pati na rin ang plano niyang... pagpapakamatay."
Nanatili ang tingin ni Doktora sa labas ng kotse. Iniiwasan din niyang makita namin ni Klien ang mukha niya.
"Ayaw na niyang makapinsala pa," sabi ko at muling ini-start ang engine."She did all of these just to save us. To save you Bliss."
Muling umandar ang kotse. Kumpara kanina, mas mabagal ang pagpapatakbo ko ng kotse ngayon.
Nakapokus ang paningin ko sa daan, but my peripheral vision keeps on checking Doktora. Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili niyang huwag maiyak ng malakas.
Napabuntong hininga na lamang ako. Napapangiwi naman ako sa tuwing naalala ko ang nangyari kanina. Ang pagsampal niya sa akin. Hindi ko rin naman siya masisisi. She misunderstood what I've just said lately.
"Please always protect Bliss no matter what."
My mind keeps on recalling those words I recieved from Doktora's mother. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Why would I agreed to that kind of favor? Protecting doktora? Argh, your out of your mind Byaren! She doesn't need your concern! She's already grown up! Why did you say YES to that favor?!
Napailing na lamang ako. Kahit na magreklamo pa ako ng ilang beses sa utak ko, hindi ko na muling maibabalik yung nangyari kanina. Yung pagsang-ayon ko kanina ay kailangan ko na lang panindigan, kahit labag sa kalooban ko. I can't even imagine myself seeing in this kind of situation.
Sumpa ata to, eh.
Nabaling naman ang tingin ko kay doktora. Bahagya pa akong nagulat ng makitang tulog na ito. Nakasandal ang ulo nito sa heafboard ng upuan. Bahagya pa itong nakakanganga at mapapansin ang mga natuyong luha sa mukha niya. Namumugto din ang mata at medyo basa ang suot niyang doctor's gown.
"Saan ba tayo pupunta ngayon?" tanong naman ni Klien. Tumingin naman ako sa rear view mirror ng kotse. Kitang-kita ko ang ginagawa niyang paglilinis sa mga kustilyong nasa loob ng bag niya.
Mapagkakamalan pa atang killer ang isang 'to.
Napaisip ako sa tanong niya. Dahil dun ay muli kong naalala ang plano ko. Ang pinakunang plano ko. Itutuloy ko pa ba yun? Tiningnan ko naman si doktora.
BINABASA MO ANG
Nowhere To Hide
Horror•[COMPLETED] Horror Months after a deadly virus plague has wiped out 90 percent of the World's population, a group of survivors find ways to search for the cure and fight for their survivals. _____ © ALL RIGHTS RESERVED TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE...