CHAPTER 21

348 26 0
                                    

BYAREN

MAG-AALAS siyete ng umaga ng bigla kaming ipinatawag ni General. Hindi lang ang mga nasa Arm forces team kundi pati na rin ang Medical Team.

Tumayo kaming lahat at tahimik na tiningnan si General. Hawak nito ngayon ang final na listahan ng mga kasali sa operation. Ngunit gaya nga ng sinabi niya kagabi, ang mga boluntaryo sasama lamang ang kaniyang pipiliin. Walang pipilitin. Magkukusa na lamang na ilista ang pangalan ng nais na sumama sa operasyon.

At dahil sa ako ang napiling leader sa operasyon na ito ay hindi ko na kailangang magpalista. Kung baga sa trabaho, siguradong tanggap na ako.

"Good Morning. So I have here the official list of soldiers and medical volunteers who willingly put thier names in the list for this operation," seryosong sabi naman ng General. Nasa kanan niyang kamay ang listahan. Tiningnan naman niya iyon. Inabutan pa siya ng salamin ng sundalong nakatayo sa gilid niya upang mabasa ng mabuti ang nakasulat sa papel. "So as I call your name, you need to step forward."

Gaya nga ng sabi nito, inisa-isa naman niyang tawagin ang mga opisyal na kasali sa operation. Sa Arm forces Team, ako ang kauna-unahan niyang tinawag. Tumayo naman ka agad ako sa unahan at hinarap ang mga tao.

Sunod-sunod naman ang pagtawag ng pangalan. Hindi na ako nagulat na kasama si Klien, Lilia at ang kasama nitong lalaking sundalo na hindi ko na matandaan ang pangalan. Tumayo kaming lahat sa harapan. Nakumpleto ang 30 soldiers at volunteers na kasama sa operasyon.

Sunod naman ay ang tatlong medical health workers. Unang tinawag ang pangalan ni Byanard. Ano kayang pumasok sa utak ng isang 'to at nagboluntaryong sumama sa operasyon? Nagkatinginan naman kami. Nginisihan naman niya ako at kasabay ang pagtingin ng masama sa akin. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa lalaki na 'to?

Sunod naman ay ang isa pang lalaking health workers. Tumayo din sila sa harapan gaya namin. At tinawag na ni General ang panghuling kasama.

"And last... doktora Bliss Rowell."

Kumunot agad ang noo ko ng marinig ang pangalang iyon. K-Kasama siya? Akala ko ba ay nasa Isolation room siya? Nakangiti naman itong naglakad papunta sa kinatatayuan namin.

"Bakit kasali ka? Alam mo bang masyadong delikado!" panenermon ni Byanard kay Doktora. Hindi naman siya nito pinansin. "You're supposed to be in Isolation Room!" pagpapatuloy nito sa panenermon.

Iniiwasan naman ni doktora na magtagpo ang paningin nilang dalawa. Mahahalata rin sa mukha nito ang pagkairita.

"Ano namang gagawin ko roon? Mas mabuti pang sumama kesa ang mag stay doon. At isa pa, hindi ako nahawaan ng infected para magtagal pa sa Isolation Room!" nakacross arms na sagot naman ni doktora.

Agad kong iniwas ang tingin sa kanila ng makita ko ang pagtingin niya sa deriksyon ko. Ibinaling ko sa iba ang tingin ko. Did she just notice that I was looking at them? Argh stupid Byaren!

"So... they are the final list of volunteers for the operation," anunsyo ng General.

Ilang sandali pa ay tumingin ito sa amin ng seryoso. Nagtagal din ng ilang segundo ang pagtingin niya sa mata ko saka bahagyang tumango. Muli nitong ibinaling sa iba ang tingin.

"I will only give you one hour to prepare all your armors and things. The operation will starts at exact nine am in this morning. Good luck and be safe."

____

AGAD KAMING sumakay sa military vehicle.  Sa unang military vehicle kami sumakay kung saan ang naka-assign ay ang Alpha team, ang team ko. Sa ikalawa naman ay ang Beta Team na pinamumunuan naman ni Klien. At sa pangatlo naman ay ang Prince Team na pinamumunuan naman ng sundalong kasama ni Lilia. Iba-iba ang ruta namin, iba-ibang mall at supermarket din ang target.

Nowhere To HideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon