BLISS
"HINDI mo naman kailangang sumama sa amin. It's too dangerous outside, Byanard. You should go back inside," paulit-ulit kong sabi sa kaniya.
"Then what, Bliss? Hahayaan lang kitang mag-isa dito sa labas kasama 'yang mga..." Tiningnan naman niya sina Mr. Kennedy at Klien na kasalukuyang nakaupo sa passenger's seat. "Taong hindi mo naman kilala."
"Kaibigan ko sila," pagtutol ko sa sinabi nito. Wait, did I really say that? Kaibigan na ba talaga ang turing ko sa dalawang 'to? Tinulungan din naman nila akong makita si mama. And I think that's an enough reason to consider them as a friend of mine.
Pinaandar naman ni Byanard ang makina ng kotse ko. Geez... ayaw ba talaga niyang bumalik sa loob? Buo na ba talaga ang desisyon niyang sumama sa amin?
Tuluyan ng umandar ang kotse. Napasandal na lamang ako sa headboard. Mukhang wala naman atang silbi kung pipilitin ko pang pabalikin itong si Byanard sa Hospital. Bakit ba kasi kailangan niya pang sumama? He's always been like this. Stubborn and hard-headed.
"Bakit ka nga pala lumabas ng hindi nagpapaalam?" rinig kong tanong ni Byanard.
Nanatili naman ang tingin ko sa labas ng kotse at taimtim na tinatanaw ang madilim daan. Mukhang mag-uumaga na ata. Sumisilip na kasi ang kaunting ilaw na nagmumula sa araw, senyales na pasikat na ito.
"Gusto ko lang makita si mama," sagot ko. Success naman ang pagpunta namin. Kaso iyon na pala ang huling beses na makikita ko si mama. Sana pala nilubos ko na kanina yung oras.
"Your mom? Buhay pa siya? That would be great---"
"No." Sa pagkakataong ito ay tinapunan ko na siya ng tingin."She's dead. She killed herself."
Dahan-dahan naman siyang napatingin sa akin.
"You mean?"
"Infected na siya. Mas pinili niyang patayin ang sarili kaysa makapinsala pa sa iba."
Mom is always like that. Uunahin ang iba bago ang sarili niya.
"Bliss..." Naramdaman ko naman ang mabagal na pagtakbo ng kotse. "Don't worry, I'm here. I'll never leave you."
"S-Salamat."
Muli ko namang ibinaling ang tingin ko sa labas ng kotse. Nanlaki naman ang mga mata ko at bahagya pang napaigtad ng maramdaman ang paghawak ni Byanard sa kamay ko.
"You don't have to thank me. I'm happy to be with you always."
Byanard is always like this. Hindi ko siya minsan maintindihan. Bakit niya kailangang gawin 'to? He's always being biased with me. Nakakapagtaka lang ang mga kilos niya. Sinasabi nga ng iba na nay gusto daw ito sa akin pero ayokong paniwalaan iyon.
I'm not Byanard's type in the first place. Alam mo ba iyong mga tipo niya? Yung malalalaki iyong... ahm... alam niyo na. 'Yong maipagmamalaki, maganda, syempre maputi din, matalino at mayaman. Sa unang quality pa nga lang bagsak na ako.
Napabuga na lamang ako ng hangin. Naging masyadong kumplikado ang mga nagyayari ngayong araw. Hindi ko nga inaasahang hahantong sa ganito ang lahat. And now? We're being kickout! And worst, in the middle of this pandemic where infected is everywhere. Hindi na ako magugulat sa mga susunod na araw ay maging isa na kami sa mga infected na pakalat-kalat sa daan.
BINABASA MO ANG
Nowhere To Hide
Horror•[COMPLETED] Horror Months after a deadly virus plague has wiped out 90 percent of the World's population, a group of survivors find ways to search for the cure and fight for their survivals. _____ © ALL RIGHTS RESERVED TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE...