BYAREN
"IKAW?" gulat na tanong ko sa kaniya. Kumurba naman ang labi niya kasabay ang paghakbang palapit sa'kin kasunod ang mga armado niyang kasama. Nasa likod niya ang mga iyon at may dalang matataas na kalibre ng baril.
Hindi ako makapaniwala. Siya kaya ang mastermind? Malaki ang posibilidad. Pero bakit niya nga ba magagawa ang bagay na 'to? Gano'n ba siya kagahaman sa pera?
"Sir Byaren ba't niyo ko sinundan?" kunot-noong tanong ni Klien. Panay ang patago nitong pagsulyap kay Dr.Guerrero na ngayon ay tahimik na nakatingin sa'min.
"You look suspicious," tipid kong sagot sa tanong niya. I tried to erase the fear invading in my whole system right now. Sa nagyon, ayokong magpadaig sa walang kwentang takot na'to. Hindi ito ang oras para makaramdam ng ganito. "Bakit alam mo ang lugar na 'to?" tanong ko.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang paulit-ulit nitong paglunok. He's nervous.
"K-Kas---"
"Enough with the chitchat!" pagsingit ni Dr.Guerrero.
This old man, wala na talagang magandang pumapasok sa isip niya. Kilala talaga siya sa pagiging gahaman at makasarili. Hindi ko nga alam kung bakit naisipan ni dad na gawin itong Head ng Hospital. He doesn't deserve it. Marami nagang reklamo ang natatanggap ni Dad galing sa mga medical personnel ng Hospital dahil sa pagiging off-minded nito sa mga kasamahan.
Taas noo naman itong naglakad palapit sa'kin.
"Hindi ko akalaing makikita ulit kita dito. Huli ata kitang nakita sa Hospital niyo bago ito nasunog," nakangiting sabi nito sa'kin.
Ngunit mararamdaman ang pang-iinsulto nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ikaw rin ba ang may kagagawan sa nangyaring sunog sa Hospital?" tanong ko sa kaniya. "Wala ka na ba talagang maisip na matino bukod sa paggawa ng masama?!" I badly want to punch this old man! Masyado na siyang masakit sa mata.
"Oh? Bakit bigla mong ibinintang ang mga nangyari sa hospital niyo? Do I look like a criminal to you?" No, you're more than a criminal. You're a demon already! "Oh c'mon it's an accident, Byaren. Hindi ko 'yon magagawa sa Hosipital ng Daddy mo. Alam ko ang pagod na inilaan ng pamilya mo para mapatayo lang iyon."
Umaakto pa itong parang nalulungkot. Pero nararamdaman ko ang kabalikataran. Siguradong nagdiwang ang isang 'to ng makitang abo na lang ang natira sa Hospital.
I clenched my fist. "Iyan ba ng isusukli mo sa lahat ng kabutihang ginawa sa'yo ni Dad? He's your friend! Pinagkatiwalaan ka niya! Pero ito lang igaganti mo? Gago ka ba?!"
I want to respect him. Pero siya mismo ang gumagawa ng mga bagay na ikakainis mo sa kaniya dahilan para tuluyan ka ng mawalan ng respeto sa kaniya!
Mas lalong nadagdagan ang inis ko dahil sa malutong nitong pagtawa. Um-e-echo naman ito sa buong paligid.
"So, ako nga ang iniisip mong gagawa ng mga bagay na 'yon? How stupid you are Byaren! Mag-ama nga kayo ni Blynton parehong uto-uto!" Tumawa ulit ito nang malakas. "See? Hindi mo man lang napansin na tina-traydor ka na pala ng anak ko."
Anak niya? Sinong tinutukoy niya?
"Anong pinagsasabi mo?" naguguluhan kong tanong.
"Hindi mo pa alam?"
"Sabihin mo! Sino?!"
"Oh? Someone is impatient." pangiti-ngiti na sabi nito. Tang-ina! Ang sarap niyang tanggalan ng bibig!
Lumingon naman siya sa likod at tinignan si Klien. "Hindi mo pa ba sinasabi sa kaniya?"
"H-Hindi pa, d-dad."
BINABASA MO ANG
Nowhere To Hide
Horror•[COMPLETED] Horror Months after a deadly virus plague has wiped out 90 percent of the World's population, a group of survivors find ways to search for the cure and fight for their survivals. _____ © ALL RIGHTS RESERVED TO THE RIGHTFUL OWNER OF THE...