*Panimula*

32 5 0
                                    


"Barbara! Run! Save yourself! Run!" sigaw ni Mama na ngayon ay duguan at punit-punit na ang eleganteng damit na halatang mamahalin

Iyan na ang mga katagang aking huling narinig, biglang namanhid ang aking buong katawan. Biglang dumilim ang aking paningin at umalingawngaw ang isang putok ng baril

-------------

Nagising ako ng maramdaman ang mainit na bagay na dumapo sa aking noo, pag dilat ko, nabigla ako. Where the hell am I?

Napansin ko ang lalaking matanda na papalapit sa akin, tumalikod ito at kung may anong hinanap sa isang carton box. Kitang-kita ang malaking markang ekis sa kanyang likod

"Don't touch me! Don't come near me!" Pagsisigaw ko ng akmang lalapitan at hahawakan ako nito.

"Mag hunos-dili ka, ija. Ako si Cristiano, ang taga pamahala ng inyong mga hayup sa bukid" mahinahong ani ni ni Mang Cristiano

"Bakit ako narito? Anong ginagawa ko rito? Asan ang mama at papa ko? Iuwi mo ako sa amin!" Sunod-sunod na tanong ko

"Huminahon ka muna, Barbara sapagka't hindi pa magaling ang sugat sa iyong tenga. Magpahinga ka muna, mamaya ko na lamang ipapaliwanag saiyo" umupo si Mang Cristiano sa kahoy na kama na kasalukuyan kong hinihigaan, inilapag nya ang dala niyang kung ano

"Oh eto, inumin mo ito at ng mahimasmasan ka" pag alok niya sa akin ng baso na may lamang kung anong damo roon.

Ininom ko ito gaya ng sabi nya, halos maduwal pa ako dahil sa pait ng lasa nito

Hindi ko maintindihan kung bakit ako napadpad sa lugar na ito? Bakit hindi ko kasama ang aking magulang at ang kapatid. Hindi naman ako nananaginip 'di ba?

Tinapik-tapid ko ang aking pisnge at kinurot pa ang aking palapulshohan, hindi nga ako nananaginip!

Pinilit kong tumayo para makalabas at makauwi sa amin. Dahan dahan ang aking mga hakbang na tila ako'y nakalutang na lamang sa takot na baka may makarinig sa akin.

Nang makalabas ako sa kubong iyon, bumongad agad sa akin ang napakalamig na preskong hangin at ang tanawing kay ganda.

Ako'y nakatayo sa tuktok ng burol kung saan may isang bahay-kubo, tanaw na tanaw ko mula rito ang dagat at ang mga bukid. Nakaka relax ang pakiramdam rito!

"B-Barbara?" isang estrangherong lalaki ang hindi pamilyar sa akin.

"S-Sino ka? A-Anong kailangan mo s-saken?" Umaatras kong tanong

Ang estrangherong ito ay mga nasa 20 ang edad. Nakasuot ito ng puting damit at itim na pang ibaba. Pawisan ito at marumi ang paa at kamay.

Agad nyang pinunasan ang kanyang kamay at nilahad ito sa akim

"Ako nga pala si Emanuel Roncesvalles. Pagpasensyahan mo na aking pananamit at karumihan sapagka't ako'y galing pa sa ibaba upang manggatong at mangisda para sa ating hapunan" dire-diretso nyang sabi at nakalahad parin ang kamay.

Halos mandiri ako ng maglapat ang kamay namin. Napangiwi rin ako sa ka dugyotan ng baho nito.

"I'm Solanna Barbara Benitez" pormal kong wika.

"Halika na't humayo na tayo upang di tayo gabihin" alok nya sa akin

"Teka lang! Ano ba!" pagpumiglas ko ng akmang hahawakan nya ang aking palapulsohan

"Where are you going? I'm not going with you Emanuel! I don't know you!" ani ko ngunit para itong walang narinig at patuloy parin sa pagkaladkad sa akin. Napansin kong mukhang pababa at palayo ng kami sa kubong kinaroroonan ko kanina

Hindi niya ako nililingon, halos mapunit na ang damit ko dahil sa mga kumakabit na mga damong matinik doon.

Nang mapansin kong maraming tao sa baba ng burol, huminahon naman ang puso kong kanina pa parang gustong sumabog! I don't feel comfortable with Emanuel! Hindi naman sa ano, parang ang awkward lang kasi

Binitawan niya ako, naka tingin lang ako sa paa kong marumi na

"Araayyy!!" sigaw ko ng masubsob ang mukha ko sa makisig na likod ni Emanuel dahil sa biglaan nitong pag hinto sa paglalakad.

"Pasensya na Miss" ani nitong nakatitig sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin. Kunting ayos lang sa lalaking to, pwede natong sumali sa modeling.

Pinaupo nila ako sa isang upuan na gawa sa kahoy na natumba. Panay ang iwas ko sa paninitig ni Emanuel sa akin. Kanina ko pa sya napapansing nakatitig sa akin

"Ihanda mo ang sarili mo, malayo-layo pa ang ating lalakbayin" bulong ni Mang Cristiano sa akin

Wtf? I'm creeping out here, ah!

Debts of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon