Kabanata XXXIV

6 1 3
                                    

Kabanata XXXIV: Starled

"I'm really glad that you came! You are really gorgeous!" puri ni Tita Glaiza sa akin. She's the manager here.

Puro pag ngiti at tango lang ang ginawa ko. Nahihiya ako sa kanya dahil halata sa tindig niya ang pagiging propesyonal sa larangan na ito.

Binigyan ako ng mga damit na susuotin ko for the shoot.

Hindi naman mahirap ang shoot dahil approachable silang lahat na nasa team. Mapagbiro din sila at magaan ang pakiramdam ko sa kanila kaya ayos lang.

Nang makalabas ako sa studio, nakita ko agad si Eman na naka tayo gilid ng sasakyan niya, may hawak itong bulaklak at inumin.

He smiled at me so I smiled back.

I walked towards him, he kissed my cheeks as he gave the flower na halatang pinitas niya lang sa gilid.

"Congratualation, my girl. Alam ko talagang bagay ka sa ganyan. Kung iyong mamarapatin, nawa'y tanggapin mo ang bulaklak na ito" he greeted me sincerely. Napangiti naman ako.

I'm not really fan of this flowers and sweet corny words, pero iba e, pag galing kay Eman.

I hugged him as I accept the flower. Tumawa kami ng sabay saka pumakas na sa kotse.

"Ano na ang plano mo?" si Eman.

"Wala naman. Basta yung goal ko lang ay magkapera para tumulong sa pamilya ko. Gagawin ko lahat" matapang na sagot ko kay Eman.

"Sa company nga sabi e"

Hinarap ko siya ng nakataas ang kilay.

"Ayaw ko nga sabi e! Maganda naman ang pakiramdam kong magiging maganda ang buhay ko sa show bussiness kaya ayos lang"

"Basta kapag natanggap ka, tawagan mo ako ha" pag suko niya.

Tumawa ako at umirap.

Masaya akong nakauwi sa bahay dahil kay Eman. Knowing that he will support me in my upcoming career, nakakataba ng puso, sobra.

Nasa kwarto ako ngayon, nakahiga habang nagsi-cellphone. Marami akong na receive na DM galing sa mga siguro ay fan ng management nila.

Nag notif din sa akin na pinost ni Tita Glaiza ang pictures ko kanina, kaya mas dumami ang followers ko.

I smiled.

Maganda ang pagkakakuha ng mga pictures. Sobrang graceful kong tingnan dahil sa mamahaling suot ko pati nadin ang katawan ko. May katangkaran kasi ako kaya't mas na emphasize yung damit at ang hugis ng katawan ko.

Napangiti ako sa mga nababasahang comments ko.

"Ang ganda niya!"
"She is really stunning"
"My goodness. She is gorgeous"
"More picture and shoots!"

Ilan lang yan sa mga compliment na natatanggap ko. Ang saya pala!

Maaga akong nakatulog dahil siguro sa pagod.

Nagising nalang ako ng maarawan ang mukha ko. Pag tingin ko sa orasan, alas siete pa lang. Bat ang init na ng araw?

"Pinapasabi po ni ser Blast mam na sabay na kayong kumain lahat. May bisita ka po kasi" magalang na sabi ng katulong naming kasing edad ko lang.

Nag ayos na ako 'tsaka bumaba.

Tahimik sa sala kaya baka nasa hapag na sila ngayon lahat.

Pababa palang ako ay narinig ko na ang tawanan nila.

"Hija..." pag tawag sa akin ni Tita Marcell.

Ngumiti lang ako at dumiretso sa bakanteng upuan tabi ni Daddy.

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway ng makitang andito si Eman sa hapag, nakikipag tawanan sa pamilya ko.

Peke akong napangiti.

Andito din si Shea sa tabi ni tita Marcell.

Lumipat ng upuan si Shea para makatabi sa akin. Ang babaeng to talaga.

"Congrats..." bulong niya sa akin.

Tumawa lamang ako tsaka tinapik ang upuan.

Lumingon si Daddy sa akin"I am really sorry anak. Alam kong na pressure kita. Pasensya kana"

Umubo pa si Tito Dome ng pasimple.

Inabot ko ang kamay ni Daddy, hinaplos ko ito at ngumiti, medyo teary eye na ako.

"Alam ko pong gusto niyo lang maayos ang buhay ko, Dad. Naiintindihan kita" nakangiti kong sabi.

"Halika nga rito"

Tumawa ako at tumayo, umikot ako sa lamesa 'tsaka niyakap si Daddy.

Namataan kong nakatitig lang si Eman sa akin, nginitian ko din siya. Inayos niya ang polo niya bago intinuon ang buong atensyon sa pagkain.

Masaya kami sa hapag, joker kasi si Daddy at Tito kaya tawa kami ng tawa.

Nauna akong umalis sa hapag para maligo at mag ayos, hindi ko alam kung ano ang pinunta ni Eman dito.

Nakababad lang ako sa bath tub, nirerelax ang sarili sa malamig at mabangong tubig.

Napabalikwas ako ng may biglang kumatok sa pinto ng CR.

"Matagal ka pa ba dyan?"

Boses ni Eman.

"Ano ba! You starled me!" sigaw ko pabalik.

He chuckled.

Naligo nalang ako ng mabilis para hindi na mag hintay tong lalaking to.

Palabas na ako sa CR, nagulat na naman ako dahil si Eman, naka sandal sa gilid ng pinto.

"My baby is fresh now....."

Bulong niya habang inaamoy ang leeg ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Debts of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon