Kabanata XXXIII: Try
"What's wrong, hija? Kasintahan mo naman siya. Ayos lang iyon"
Andito kami sa hapag kasama si Tito Dome, Tita Ella at Gab. Kasalukuyan naming pinag uusapan ang biglaang pag benta ni Daddy sa kompanya.
"Dad naman e! Kaya ko namang ibalik ang kompanya nating lulubog na. Kaya pa naman e. Sana binigyan niyo ako ng chance" malungkot na sagot ko.
Walang kumibo sa amin kaya tumayo ako at nag aakmang aalis.
"Barbara..." pagpigil sa akin ni Tita Marcell.
"You need it. Malaking halaga yon"
"Pero Tita, ang kompanya, pang habang buhay iyon. Makaka benipisyo pa ang ang magiging apo ko kung sakali. Pero yang 80 billion? Mauubos yan! Hindi natin alam, baka sa isang pitik lang, ubos na yan" matapang kong sagot sa kanya.
Ito ang unang pagkakataon na sumbatan ko si Daddy lalo na si Tito at Tita. Pero hindi tama yon!
"We can still work there" sabi ni Gab sa akin.
"I will still the chairman of the board. No worries" dugtong niya.
"I'm done" huling sabi ko bago ako tumalikod sa hapag at naglakad na papunta sa kwarto ko.
Gusto kong magalit.
Yung thought ta kailangan nga namin ng pera ay bumabagabag sa akin.
Humiga ako sa malambot kong kama at pinikit ang mata ko. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, nakakabingi!
Tumunog bigla ang cellphone ko, hudyat na may tatawag.
Pagkabasa ko palang ng pangalan niya, kinabahan ako agad.
Hindi ko sinagot ang tawag dahil alam kong tungkol na naman sa kompanya ang dahilan. Fuck it! Gusto ko muna ng peaceful mind, please!
Habang nagmumuni-muni ako sa teresa ng aking silid, nakapag isip-isip ako ng pwede kong gawin.
Shea's manager offered me a shoot. Nakitaan raw ako ng potential nito para sa pag momodeling at artista. Bakit kaya hindi nalang ito yung i grab ko?
Nag bihis ako ng pormal na damit para pumunta sa address ng studio nila Shea. Susubukan ko ang showbiz. Baka makatulong din ito sa akin.
Lalabas na sana ako sa gate para hinatayin ang driver namin ng may humintong sasakyang kulay silver. Its an Audi RS7.
Umatras pa ako ng kaunti para ilayo ang sarili ko sa magarang sasakyan na ito.
Bumusina ang sasakyan mula sa likod ko kaya nag simula na akong maglakad papunta doon.
"Let me drive her, manong"
Malamig na utos ni Eman sa driver namin.
Tumango naman ito at ibinalik na ang sasakyan sa parking lot namin.
"Let's talk inside my car"
Nauna itong mag lakad sa akin. Ayaw ko sanang sumama sa kanya pero tinatraydor ako ng sarili kong paa.
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay na ako doon.
Pina andar niya ang sasakyan ng hindi man lang nag oopen ng pag uusapan namin.
"Why are you not answering my call?" unang tanong niya. Hindi ako kumibo.
"Saan ka naman pupunta? Akala ko ba magtatrabaho ka na. Ikaw ang ginawa kong head sa AD" dugtong niya.
Hindi pa din ako kumibo kaya hinawakan niya ang kamay ko. Hininto niya ang sasakyan sa gilid at 'tsaka ako hinarap.
"I brought it for you. It will going to be yours some---"
"Ano?! Nahihibang ka na ba?!" galit na pag putol ko sa kanya.
"Nahihibang na ako sayo"
Napasapo nalang ako sa noo ko. Talagang binibiro niya pa ako ha?!
Hinawakan niya ang siko ko kaya nag pumiglas ako.
"Let me go!"
Pilit niya akong hinarap sa kanya.
"You know what? I don't get you. What's wrong?" malambing na tanong niya sa akin.
Napabuga nalang ako ng hangin.
"I am going to here" sabay turo ko sa card kung saan nakalagay ang address ng studio. "Susubukan ko lang. Baka ito na ang kapalaran ko" dugtong ko.
He sighed.
Binuhay niya ang engine at saka nag simulang lumiko para makapunta na kami sa studio.
Mahaba-haba ang byahe dahil may kalayuan din ang studio na ito. Buti nalang, nag on ng radio si Eman kaya may ingay din kaming marinig bukod sa pag palitan namin ng buntong hininga.
Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng isang maliit lamang na studio. Para itong simpleng bahay lang.
"I will just wait here, Barbara. Just me beep me"
Tinanguan ko siya at saka naglakad na papasok ng studio.
May naririnig akong clicks at instructions. Nanginig ako bigla! Tama ba itong gagawin ko?