Kabanata VIIII

8 2 0
                                    

Kabanata VIIII: Confused

Napabalikwas ako ng maramdaman ang malamig na kamay na dumapo sa pisngi ko. Pagka angat ko ng tingin, nagulat ako kasi sobrang lapit ng mukha namin ni Eman napataklob ako ng kumot dahil sa hiya. Ang gulo siguro ng mukha ko.

Napansin niya atang ayaw kong humarap sa kanya kaya tumayo ito at narinig kong nag spray siya sa kung saan.

Tinanggal ko yung kumot kaya ngayon, kitang-kita ko na siya. He's wearing a white longsleeve at naka tie itong blue. Ang coat niyanh brown ay hanggang tuhod. He's now fixing his wrist watch nang lumingon ito sa akin.

"What?" inosente niyang tanong. Ngumiti nalang ako at umiling.

Kailangan ko ng maligo! Alas otso na ng umaga.

"Punta muna ako sa kwarto ko" paalam ko habang kusot-kusot ang mga mata.

"Solanna" in a baritone. Nasa pintuan na ako ng tawagin niya ang pangalan ko. I'm not used to be called Solanna. People are calling me Barbara kasi bagay daw sa akin dahil ang beauty ko ay makaluma, pati ang buhok kong dark brown at manipis kong labi ay para daw akong dalagang galing sa makalumang panahon.

Nilingon ko siya.

"I'm going to work today. 9 am to 4pm, sa school lang ako, mag aaral. 4pm to 10pm sa clinic ako" dire-diretso niyang sabi.

Napakurap-kurap naman ako sa sinabi niya. He's not obliged to inform me what stuffs he is going to do.

"You can text me. You are not obliged" tatalikod na sana ako pero nag salita na naman siya.

"No gadgets. Please"

Napabuga ako ng hangin.

"Hah! Ano?!" kunot-noo akong lumapit sa kanya at hinarap siyang nakapa meywang.

"Do as you're told, stubborn kid" nilagpasan niya ako kaya sa sobrang irita, hinabol ko siya at sinuntok ang likod niya.

"Why are doing this to me? Ha? Hindi mo ako slave para utus-utosan!"

Naglalakad lang siya ng parang walang naririnig.

"Eman! Shit!" sigaw ko pero dire-diretso lang siyang naglakad hanggang sa sala.

May mustang car na labas.

Nakakibit-balikat padin ako. He kissed my forehead before getting out.

My face heated. My mind is haywired and cannot organize my thoughts properly.

Napakurap-kurap ako ng sumakay na siya sa sasakyan niya at pinaharurot ito.

I sighed heavily.

How can a man like him iritate me this hard?

Pumunta nalang ako sa sink para kumuha ng baso ng makasalin ng tubig. Hinihingal ako dahil sa ginawa ni Eman. May sulat sa fridge kaya binabasa ko ito.

"Eat your breakfast, silly kid"

Napatawa nalang ako dahil sa sulat ni Eman. Really? Huh?

Kinain ko mag isa ang niluto ni Eman na fried egg at hungarian sausage. Tiniplahan niya din ako ng gatas, iinitin ko lang ito.

Habang kumakain ako, may narinig akong busina sa labas kaya agad akong napatayo.

Hindi pa ako nakalabas at agad ako sinalubong ng yakap.

"Gabriel!" sinuklian ko rin ang yakap niya.

"I'm sorry for being late. Is Eman out?" tanong niya.

Ginaya ko siya papuntang sofa at umupo kami roon.

"Uh yes. Papasok siya sa school at magtatrabaho"

He clapped his hand, what's wrong?

"Someone is asking like a wife huh. By the way, Emilda is your new maid"

Pormal na naglahad ng kamay sa akin si Emilda na naglalaro sa 40 ang edad.

"Nagagalak akong makilala ka, mam" nginitian ko lang siya.

Dumiretso si Emilda sa kusina at niligpit ang pinggan ko.

"Why am I here?" nagugulohan kong tanong sa pinsan kong busy sa cellphone niya.

"Hindi ba sinabi ni Eman sayo?"

"Tell me, Gab. Why am I here? Bakit hindi ko kasama ang pamilya ko? Bakit ko kasama si Eman sa bahay na ito?"

Tinaas niya ang kamay nya sa ere na parang sumusuko.

"Wala akong alam"
"Sabihin mo sa akin! Hindi ako makatulog kakaisip! Bakit kami nilusob ng mga armadong lalaki? Ha?! Bakit?!!" sigaw ko.

Hindi ko na napigilan ang pag buhos ng luha ko. Umiiyak ako habang si Gab naman ay nakasapo sa noo niya. Hindi ko na maawat ang luha ko, patuloy lang ito sa pag buhos.

"Barbara listen" pag alo niya sa akin.

Mahina na akong humihikbi.

Inupo niya ako sa sofa at hinaplos niya ang likod ko.

"Eh kasi naman. Halos dalawang araw kami naglakbay! Hundreds of damn questions are in my head! Wala man lang akong sagot na mahanap! Nahimatay ako! Hindi ko man lang nagawang---"

"Damn it!" sigaw ni Eman.

Tumakbo siya at umusog naman si Gab para makaupo si Eman sa tabi ko.

"What happened, Gabriel?" hinahaplos ni Eman ang balikat ko.

"I don't need your presence! I need answers! Mababaliw ako, Eman! Mababaliw ako! Parang awa niyo na"

Puno ng pagsusumamo ang mga salitang pinabato ko sa kanya.

Pumungay ang mata niya. Hinubad niya ang tie niya hinilit ang sintido niya.

"Calm down, okay? Please"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos ito ng bahagya.

Debts of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon