Kabanata XXXII: Paid
Kagaya ng nasabing plano, umuwi ako sa mansyon, sa totoong bahay namin. Hinatid kami ni Eman.
May malaking pagbabago ang mansyon. Hindi na ganoon kadami ang aming mga kasambahay. Wala na din ang iba naming mamahaling desinyo sa bahay.
Parang pumutla ang paligid dahil sa trahedyang nangyari.
"Sino po ang tumulong sa iyo sa pag bebenta ng mga properties, dad?" tanong ko habang kasalukuyan kaming kumakain.
"Si Gabriel at ang ama niya, ang tito Dominic mo"
"Dad, magtatrabaho na ako. Hindi pupwedeng habang buhay tayong ganito. Baka ito na ang panahon upang magamit ko din ang pinag-aralan ko" matapang kong sabi kay Daddy.
Nag angat siya ng tingin sa akin at marahang umiling. Puro pag buga lang ng hangin ang nagagawa namin.
"I am really sorry anak" nakayukong sambit nito. "Ako ang hahanap ng paraan" dugtong niya.
"Dad, humihina na kayo. Dito lang kayo sa bahay at magpahinga kayo. Magpagaling kayo" nag aalalang sambit ko.
"I will contact Gab para hanapan ako ng trabaho---"
"Sa kompanya natin anak. Doon"
"Kasalukuyang nasa kamay nila tito Doms ang kompanya dad" agap na sagot ko.
Nakakahiyang mag trabaho sa kompanya namin gayong ang mga natitirang investors namin ay naroroon padin. Baka ano ang isipin nila.
Pagkatapos naming kumain, dumiretso na ako sa ikalawang palapag para tumungo sa aking silid.
Its good to be back here. Wala namang nag bago, aside sa mukhang mas malinis ito.
Matapos kong maligo at mag ayos, tinawagan ko na agad si Gab para magpatulong sa paghahanap ng trabaho.
"Are you serious, Barbara?" natatawang tanong ng pinsan ko mula sa kabilang linya.
"I badly need it, Gab!"
"Since kailan ka lang nag mature? Nakakapanibago ka!" tumawa ito ulit.Napairap nalang ako sa hangin.
"You know what? Kung wala naman tayong magandang pag uusapan, tutulog nalang ako ha? Kapagod ka kausapin puro kalokohan yang lumalabas sa bunganga mo!" galit na sabi ko.
He chuckled manly.
"Relax. Chill. I was just kidding, okay?" mahinahon niyang sabi.
"Hindi kita pwedeng gawing head dito sa mga Archetics kasi magiging unfair yon sa iba. Pwede naman kitang gawin CEO---"
"No!" pagputol ko sa kanya.
Of course not! Hindi ako papayag! Magiging kahihiyan yon sa pamilya ko!
"Ako na bahala sa iyo. Matulog ka nalang diyan. Magsisimula ka na bukas"
Pinutol niya ang linya.
Huminga ako ng malalim at humiga na sa kama ko.
I texted Eman para sabihing may trabaho na ako.
Ako:
Eman, magtatrabaho na ako bukas. Sa kompanya namin na kasalukuyang nasa kamay nila Gab. I'm excited!
Nakangiting sinend ko yon.
I waited for his reply pero wala pa naman.
Ayaw talaga ni Eman na mag trabaho ako. He said he will and he can sustain my family's needs. At syempre, ayaw ko ng ganoon. Ayokong isipin nila na piniperahan ko lang ang nobyo ko gaya ng gustong palabasin ni Casey.
My phone beeped.
Eman:
You really are stubborn.
Hindi ko alam ang aking magiging reaksyon dahil sa ka cornyhan ni Eman. I can work. May pinag aralan naman ako. Bakit ayaw niya akong payagan?
Ako:
I need it, Eman! Our company is sinking! My brother is in jail, my mother and sister were both in Mindanao. How can I fucking find them if I don't have enough money? God! You're frustrating me!
Napapikit nalang ako. Ewan ko talaga kay Eman!
Eman:
Not anymore. I'll buy your company and you'll be the CEO. Its going to be yours when we're married.
Agad akong nag tipa dahil sa reply ni Eman.
Ako:
Shit! What the hell, Eman?!
Sobra akong kabado. May posibilidad na totohanin yon ni Eman! Ayaw kong mangyari yon!
Eman:
Now, sleep and rest. Good night, baby❤
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ito pwede!
Agad kong tinawagan si Gab dahil baka may magagawa siya.
"Gab!"
"Ano na naman!" galit na sabi niya.
"What the fuck? Si Eman ba ang bumili ng kompanya? Bakit niyo hinayaang---""Barbara! Shut up! Let me speak!" galit ulit na singhal ni Gab.
Rinig ko ang pag buga ni Gab ng hangin sa kabilang linya.
"Alam mo namang hindi ako ang magdedesisyon dahil sa inyo yun. Hindi naman yun talaga ibebenta ni Tito Blast e. Tumaas ng tumaas ang offer ng gustong bumuli, not knowing na that was Eman pala"
Napamura nalang ako dahil doon.
"Fuck! How much is his offer? Babawiin ko! Gagamitin ko ang trustfund---"
"80 billion"
"What?!"
"Yes. 80 billion. Kanina lang na binayaran"
"Holy crap!" mura ko.