Kabanata XXVII: Celebration
Nagulat ako ng lumuhod din si Eman at inalo si Casey na umiiyak.
Wala akong nagawa kundi ang tingnan silang dalawa, umiiyak si Casey habang haplos ni Eman ang likod nito.
"I never told you to commit with me. You know that, Casey" Eman said in an icy tone.
"You can't blame if I loved you. Minahal kita! Mahal kita! Ako nalang, please...." kumawala na naman ang hikbi sa kanya.
"I like Barbara. Siya ang gusto kong mahalin. Marami pang iba. Tumayo ka na riyan"
Tumayo si Eman at lumapit sa akin. I was stunned for a moment, didn't know what to do.
Casey stoop up as she wiped her tears. She smiled us weakly and then walked out.
Huminga ako ng malalim. Napahawak ako sa aking dibdib habang dahan dahang umupo sa sofa.
Casey's words are painful. It gaves me a heartache.
Walang umiimik sa amin ni Eman. Puros buga lang ng hangin ang kaya naming gawin.
Buti nalang at bumukas ang pinto, pinapatawag na raw si Eman sa conference hall.
Naiwan na naman akong mag isa dito sa malaking office ni tito raf.
Maraming mga certificates ang nakasabit sa wall, halos basahin ko na nga lahat. Patungkol ito sa mga achievements ni tito Raf sa larangan ng pagiging inhenyero.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagtitingin sa labas. All glass kasi ang office na ito, makikita mo talaga ang kabuuan ng city.
May narinig na akong tawanan sa labas kaya umayos na ako sa pagkaka upo, preparing myself to welcome them.
Bumukas ang pinto, masayang mukha ni Eman at tito Raf ang bumungad. Akbay ni Eman ang kaniyang Ama.
"Congrats, Eman. I'm really happy for you" I said happily as I hugged him. His father clapped and laughed with us.
"Son, we'll have our lunch at the mansion"
"Its fine Dad. Ayos lang naman" magalang na sagot niya sa Ama.
"Of course not, anak! This is an achievement! You are handling our company! We should celebrate!" masayang sabi ni tito Raf.
Tumango-tango naman ako.
"I contacted our visitors. All prepared. We can go now" dugtong niya.
Nauna itong lumabas.
"Aren't you tired baby girl?" bulong ni Eman sa akin kasabay ng paghawak niya sa aking baywang.
"U-Uh......" nataranta ako sa pag bulong niya. "Hindi naman"
"Are you fine? What's wrong, my baby?" malambing na tanong niya.
Hinarap ko siya at marahang hinaplos ang kanyang braso, I smiled at him as I pinched his nose.
"Okay nga lang!" natatawang tanong ko.
Lumabas kami ng office patungong basement para makauwi na roon sa sinasabing mansion.
May itim na sasakyan sa labas, may dalawang bodyguard din dito.
Lumapit kami doon at binigay ng isang bodyguard ang susi ng sasakyan kay Eman. Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka umalis na kami.
Malapit lang ang mansyon nila tito Raf galing sa building, their house is in a subdivision. Magaganda ang mga bahay dito, iba't-ibang klase ng designs. May mga modern-classical, spanish inspired at iba pa. Halatang ekslusibo ang sub na ito para sa mga mayaman lang ata.
Huminto kami sa harap ng isang eleganteng bahay. Ang gate nito ay sobrang laki, gold ang kulay neto at sa itaas ay may malaking "Mendez" na nakasulat.
Galing rito sa labas, maririnig mo na talaga ang classical song, may bandang tumutogtog doon. Naka formal attire lahat. Sa labas ng bahay ang selebrasyon, may mga tables at servers din. Akala ko ordinaryong selebrasyon lang ito!
Hindi na namin maisingit ang sasakyan dahil sa dami ng naka park don. Iba't-ibang mga sasakyan ang andito.
Pinagbuksan na naman ako ni Eman ng pinto, hinawak niya ang kamay ko 'tsaka iginaya papasok sa loob.
Sabay kaming nag lakad sa red carpet, pasimpleng bumabati naman ang mga bisita sa amin.
Dumiretso kami ni Eman sa mini stage kung saan nandon si tito Raf.
"Papunta pa ang iba kong bisita, anak"
"Hindi ka na sana nag abala, Dad. Ayos lang naman sa akin ang simpleng selebrasyon lamang" nahihiyang sabi ni Eman.
I smiled at tito Raf ng bumaling ito sa akin.
"Barbara, do you like it here? Pwede kayo rito tumira ni Eman pagkatapos ng wedding niyo"
Halos maubo ako sa sinabi niya, what?!
"A-Ah e-e... Opo, tito. This place is very nice and elegant! I would definetly love to stay here with Eman and you, tito" magalang na tugon ko.
We just laughed at that. I didn't expected that! Very speed!
Umupo na kami sa isang round table, may ibang bisitang tumitingin sa akin. Baka mga nag invest din ito sa amin? Ugh! Nakakahiya!
Nagsimula na ang program, dahil 6pm nadin. Pinaakyat si Eman sa stage para sa isang speech.
Binahagi ni Eman ang karanasan niya, ang buhay niya. Mas lalo tuloy akong nahulog!
"I'm twenty-five years old. Hindi pa naikakasal pero nagbabalak na din"
Pumalakpak at tumawa ng malakas si tito Raf pati nadin ang mga bisita.
"I would like you all to meet my girlfriend, Solanna Barbara Benitez"
Nagulat ako don. Ang spotlight ay nakatuon sa akin, tumayo ako at pasimpleng ngumiti.