Kabanata VI: Back
The flight was good, malapit lang naman. Gusto ko sanang umidlip pero ang ingay ng mga bata. Puro papuri sa mga nakikita nila.
Pinagbuksan kami at agarang nagsitakbuhan ang mga bata pababa sa hagdan. We're on the rooftop of this known hotel. Pina landing kami.
"You look very good, Solanna Barbara!" bati ng matandang may ari ng hotel. Nakalimutan ko na ang pangalan niya, she's a family friend.
"Thank you very much, tita" I smiled back as I kissed her cheeks.
"I reserved you a suite, I really hope you'll love it. Its one of my largest suite here in hotel. Sinadya ko talaga iyan para sa'yo" nakangiti itong bumaling sa akin.
Iginaya ako ng maid na kasama ko. Tumungo kami sa isang exclusive seaside.
Ang mga bata ay dinala na daw ng mga body guards sa mansyon malapit lang dito sa hotel. Doon daw ito maninirahan.
May mga pagkain ng nakahanda sa isang long table. Natatakam na ako pero mababastos ko lang sila kapag kumain na ako. I need to wait for Gab ang Zildjian's arrival.
"Excuse me. Can I have some soup, please" utos ko sa maid na kanina pa buntot ng buntot sa akin.
Tutal, wala naman siyang gagawin, uutusan ko nalang siya.
I sipped.
"Contact Gab. Tell him I need some two-piece bikini"
Umalis na ang inutusan ko. Nakakahiya namang kumain kung ako lang, yung mga body guards ko, naka tayo lang.
Wala akong cellphone, hindi man ko man lang malibang ang sarili ko. Ayoko rin lumabas. Mamaya nalang. Babalik nalang ako sa suite.
Naglalakad ako papuntang elevator, iidlip lang ako sa suite ko.
May nakakasalubong akong ngumingiti sa akin, may iba ring di pumapansin. Lahat ng tao ay mayayaman. Five star hotel naman kasi dito.
Lumiko ako sa left side ng 16th floor kahit nasa right side naman yung suite. Gusto ko lang mag ikot-ikot.
May nakasalubong akong matangkad na lalaki. Naka khaki short ito at naka floral polo short. May carkeys na naka sabit sa short niya at may kausap ito sa cellphone.
Nilagpasan ko lang siya.
"Yes dad. I know. I'm just looking for someone here. I'll be there"
Pamilyar na boses ang narinig ko kaya dahan-dahan akong lumingon.
Natutop ang bibig ko ng mag tama ang paningin namin. He nodded and ended the call.
Naglakad ito papunta sa aking gawi.
"You---"
"Yes. I just got arrived. I'm tired. Don't ask me" pagputol niya sa sasabihin ko.
Mas lumapit pa ito sa akin kaya't napaatras ako.
"What are you doing here?" nagugulohan kong tanong.
"Bring me into your suite" malamig na sambit niya 'tsaka ako tinalikuran.
Inunahan ko siya sa paglalakad hanggang sa maka abot kami sa suite.
Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya dire-diretso akong naglakad at umupo sa king size bed.
"How did you got here?" pamungad kong tanong kay Eman na ngayon ay pinapasadahan ng daliri ang kanyang basang buhok.
"Teleport?" he said that and he chuckled.
"Is that supposed to be funny? Tell me so I can prepare myself to laugh. Nakakatawa ka talaga" I said that sarcastically
"I brought my motor there" paliwanag niya habang inaayos ang kanyang polo.
Ugh! I would be lying if I said hindi siya gwapo ha. Pero he really is! Kahit sa simpleng black floral polo, khaki short at tsinelas lang ay sobrang gwapo niya. Lalo na't magulo ang buhok niya.
"Are you staying here?" tanong niya na ngayon ay naka hawak na ng baso na may alak.
"Oo"
"Why?"
"Huh? Anong why?!"
"Why are you staying in a five star hotel?" seryosong tanong niya.
"Because I can. Come on, Eman. Gash! You're insulting me""No. Its not like that. Wala kang pera. Hindi ka puwedeng umasa doon sa kulot mong manliligaw at sa pinsan mo"
Nag pormang O naman ang bibig ko sa sinabi niya.
"How can you insult them in front of me like that?! Hindi porket..." hays! Buti nalang napigilan kong aminin nya gwapo nga siya.
"Porque, ano?" nanunuyang sabi niya.
He chuckled.
"Forget it. Maliligo lang ako" tumayo agad ako para hindi na humaba ang usapan. Hindi ko kakayanin ang mga sasabihin niya sa akin.
Pagka pasok ko sa cr, nagpalunod agad ako sa bath tub.
Di ko namalayang napa relax na ako. Hindi ko namalayan ang oras. Baka isang oras na ako dito.
"Baka nakatulog kana riyan, miss" sabi ni Eman mula sa labas.
Tumayo na agad ako at pinulupot ang katawan sa towel.
Dito na ako magbibihis.
Nag suot lang ako ng dolphin short na kulay asul at sexy top.
Nag blower ako sa buhok habang naka harap sa salamin, si Eman naman ay nakatitig lang sa akin.
"Prepare your things. Sa bahay ka tutuloy"
"No. I can manage here"
"Sa bahay ka tutuloy"
"What? No. Hindi na kailangan. Ayos lang dito"
"Hindi kita tinatanong. That was not a question. You are staying in my house" his words thundered with finality