Kabanata XXI: Island
Mapait na ngumiti si Zildjian kahit may luha sa kanyang mga mata. Niyakap niya ako ng mahigpit bago tumalikod.
Umiiyak na sinara ko ang pinto. Agad akong inalo ni Shea.
"What happened?" nag aalala niyang tanong habang hinahaplos ang braso ko.
Niyakap ko siya at umiyak sa kanyang balikat.
"Nasasaktan lang ako. Kasi naawawa ako kay Zildjian" paliwanag ko.
Kinalma ko ang sarili bago umupo.
Kinwento ko kay Shea lahat, simula pa nong una naming pagkikita namin.
Zildjian and I met when we were in high school. Nagsi CR ako nun at binastos ako ng mga kaklase ko. Ni lock nila yung cr at si Zildjian ang nag ligtas sakin. Niyaya ko siyang mag dinner sa bahay at naikwento niya sa Daddy ko lahat. Yung buhay niya, estado nila, bussiness. Kaya nagustohan ni Daddy si Zildjian dahil malaki ang kanilang firm.
Dahil dun, napapadalas na ang pag dalaw ni Zildjian sa akin. Kahit na may manliligaw ako, hindi ko ma entertain dahil natatakot ako. Daddy wants me to marry Zildjian at hindi ko kaya iyon. Wala akong nararamdaman sa kanya.
"Kawawa naman siya, girl" komento ni Shea doon sa kwento.
Sa totoo lang, hindi naman talaga mahirap mahalin si Zildjian. Kapag kasama ko siya, komportable naman ako. Sadyang hindi lang talaga kami para sa isa't isa.
Pumunta na ako sa kwarto para mag ligpit ng damit, ngayon ang alis namin ni Eman papunta doon sa islang nabanggit niya. Doon raw muna kami para mas safe ako.
Kumakanta-kanta ako habang nagtutupi ng damit. Kailan pa kaya matatapos to? Gusto ko na mayakap ulit ang pamilya ko.
Nang mailagay ko na lahat sa maleta, lumabas na ako ng kwarto at nagulat ako ng pagka bukas ko ng pinto at ang pagsasalubong namin ni Eman.
"What the fuck?" gulat kong tanong na naka hawak sa aking dibdib.
He chuckled.
"I'm sorry, hindi na ako kumatok" naka hawak sa bulsang sabi niya. "I missed you..." bulong niya.
Lumayo ako ng kaunti dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. Ngumiti lang ako ng peke.
"Tara na sa labas. Para maka pag merienda tayo" alok ko sa kanya at lalagpasan na sana siya pero hinili niya ang braso ko.
"Babe time please"
Nagulat ako dun! Anong babe time sinasabi nitong lalaking ito? Ha?
I sighed heavily.
"Aalis pa tayo. Doon nalang sa isla" wala sa sariling sambit ko.
Halata sa mukha ni Eman ang pagka bigla, pati ako! You fool, Barbara! Anong sinasabi mo? Ugh! Nakakahiya!
"All right" nakangiting bulong niya tsaka ako inakbayan at iginaya sa labas.
Umupo kami sa sofa, sabay naming kinain ang dala niyang snacks.
Hindi ako komportable sa posisyon namin, eh kasi naman! Ang isang kamay niya ay nasa baywang ko habang ang isa ay nasa kanang hita ko. Hindi siya kumakain, nakatitig lang siya sa akin kaya sobrang uncomfortable ng feeling.
Tumayo si Eman ang nag paalam na may tatawagan raw.
Nag bihis na ako ng damit dahil aalis na raw kami. Medyo excited ako pero the thought of leaving Shea is making me sad :<
"Ayos lang! I can manage. Christian will stay here samantalang wala pa kayo ni Eman. I'm good here" paalam ni Shea sa amin. Humalik ito sa akin 'tsaka nakipag-beso na kay Eman.
Sumakay na kami sa elevator papuntang roof top dahil nandun raw ang sasakyan namin. So we're going to travel by air.
Nakatulog ako sa byahe dahil sa sobrang exhausted. Ayos lang naman din iyon kay Eman.
Pinag buksan ako ni Eman at dinala na niya ang maleta ko papasok sa isang malaking mansyon. The weather here is very relaxing! Gusto ko nalang dito.
Eman held my waist ng makapasok kami sa mansyon. Napansin kong walang tao, ni kasambahay wala.
Binusog ko ang aking mata sa mga tanawin dito. The place inspire me to pursue of being an Archetic. The interior design is very unique! Kung gagawa ako ng bahay, I surely make one like this.
"We are staying one room, okay?"
Tumango ako at patuloy na naglilibot para tingnan ang desinyo rito.
Narinig ko ang mga yapak ni Eman na mukhang tutungo na sa kwarto namin dala ang aming maleta.
This place must be from his Ancestors.
Mukhang kaka renovate lang nito. Pakiramdam ko, isa itong Ancestral house na ginawang modern. Maraming mga makalumang gamit ang naka lagay sa mga glass. Ang kanilang long table din sa kitchen ay sobrang rangya tingnan. Gawa ito sa kahoy at maayos na naidedepina ang pagka marangya nito.
I would perfectly love living here! Living in an island with Eman.