Kabanata XVII

6 0 0
                                    

Kabanata XVII: Bodyguards

"Ayon na nga! Christian is my ex" sabi ni Shea.

We're eating home made pizza while talking about her love life.

"Hindi ko talaga maalala ang nangyari sa clubhouse! Oh my God! Nakakahiya!" napahilamos siya sa kanyang mga palad. Tumili pa ito dahil sa kahihiyang ginawa niya.

Sinabi ko kasi sa kanya ang buong nangyari. Including her face when she's carried by Christian.

"Alam ko na. Nag tulog-tulugan ka para kargahin ka ni Christian!" paratang ko sa kanya. Kinurot kurot ko pa ang tagiliran niya.

"Baliw! Wala talaga akong maalala. I was dancing and he grabbed me. He let me sit in his lap. We drink a hard liqour. Yun lang ang naalala ko, Barbara!" depensa niya.

Tumawa ako. She looks very defensive kahit wala naman akong pakialam kung jowa niya ba si Christian.

Alas diez na ng umaga, kailangan raw namin mag work out. Ganito kasi talaga kami dati pa, kaya sobrang thin namin dalawa.

Nasa 14th floor ang hall para sa pag wo-work out kaya malapit lang.

Nag bihis si Shea usual attire para mag exercise at ako rin.

Bumaba na kami at nag hanap na doon sa hall para makapag simula. Pumasok kami sa isang silid. Ang room na ito ay puro glass. Makikita mo ang labas ng gusali.

Sumabay kami sa mga nag zumba. Enjoy na enjoy kami ni Shea dahil dito.

"Teka lang. Magpapabili lang ako ng drinks natin" paalam ko kay Shea na ngayon ay busy kakagaya ng mga steps.

Tumango lang siya at umalis na ako. Actually, I'm really tired. May malapit lang naman na restaurant dito. My attire is good naman.

Umorder ako ng dalawang drinks, kumain din ako ng desserts. Oo useless yung naging exercise ko dahil nagutom ako dun.

Halos mga mayayaman ang naririto, nakakahiya naman!

Umalis na ako nang naubos ko na ang pagkain. Dala dala ko ang drinks ni Shea.

Pumasok ako sa elevator at pinindot na ang floor kung nasaan ang hall.

May dalawang lalaki na naka cap at naka mask na pumasok din sa elevator.

Bumigat ang hangin dahil sa presensya nila. Hindi ako maka hinga ng maayos dahil sa kanila. I don't feel safe.

Dalawang floor nalang ay makakalabas na ako dito. Parang gusto ko nalang lumipad para maka alis na dito.

"Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan" bulong ng lalaki at may matalim na bagay ang diin sa tagiliran ko. Mas bumigat ang pakiramdam ko.

Ang isang lalaki ay agad ng pinindot ang buttons papuntang basement. Tumingala ako para mag hanap ng cctv and thank God, meron naman.

"Sasama ho ako ng maayos. Please, 'wag niyo po akong saktan, please" nanginginig ang mga binti ko. Nagmakaawa ako at halos hindi na maka hinga.

Nanatili akong nanginginig hanggang sa makarating na kami sa basement

Pagkabukas pa lang ng elevator, may limang lalaki na naka unipormeng itim. Agad silang nag suntukan. Lumayo ako ng kaunti.

Nakatalikod ako habang nagsusuntukan sila, nag aantay na baka dumating ang taong hinihintay ko.

Naramdaman kong may kung anong binato ang lalaking naka mask sa akin kaya napa handusay ako sa sahig.

"Aaah!" sigaw ko ng maramdaman ang sakit sa aking likod.

Sinikap kong tumayo ngunit ang sakit sa aking likod ay hindi ko ma inda. Nanginig ang buo kong katawan.

Ang dalawang lalaki ay naka handusay na ngayon, habang ang lalaking mga naka uniporme ay nagsitakbuhan papunta sa akin.

"Okay sir. Nasa basement kami. Naitumba na naman ang nag tangka sa kanya"

Inilalayan akong makatayo ng isa sa kanila. Sinikay nila ako sa itim na van ay agarang pinahiga roon. Nanatili akong nakapikit dahil sa sakit ng likod ko.

"Ma'am just breath freely. Okay?" pag alalay ng lalaki sa akin. Tumango ako at huminga ng maayos.

Napalingon ako ng biglang bumukas ang pinto ng van. Si Eman at Shea. Pumasok si Shea at agad akong inalo.

"Okay ka lang? Saan ang masakit sa iyo?" nag aalalang tanong niya habang naka haplos sa buhok ko. Hindi ako makapag salita dahil sa pag habol ko sa aking hininga.

Lumingon sa labas at nakita ko si Eman at Christian na kausap ang mga pulis habang ang dalawang lalaki kanina ay nasa loob na ng sasakyan ng mga pulis.

Napaiyak nalang ako sa sobrang takot. Niyakap ako ni Shea.

"Shh.. you are safe now"

Pumasok si Eman sa van kaya lumabas na si Shea.

"Sino iyong mga nagligtas sa akin?" mangiyak-ngiyak na tanong ko.

"Fuck! Don't talk to me. Just breath. Para maging normal ang pag hinga mo" seryoso niyang sabi sa akin.

Tumango nalang ako at yumuko.

"I hired them to guard you. Mga tauhan yon ni Christian" paliwanag niya at hinaplos ang buhok ko.

"Since when?"

"Just.. shit! I told them to guard you. Sinabi ko sa kanilang hindi mo pwede malaman yon para hindi ka maistorbo sa gagawin mo. I don't know kung ano ang magagawa ko kapag may nangyari ulit sa iyo, Barbara" dire-diretso niyang sabi sa akin. 

Debts of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon